'Bridal Shower' ng Seiko, baka di umabot sa deadline ng MMFFP
November 26, 2003 | 12:00am
November 25 ang itinakda na deadline ng Metro Manila Film Festival Philippines para sa submission ng final cutprints ng mga producers para sa kanilang entries. Tapos na ang The Homecoming at Crying Ladies at iba pang entries maliban sa Bridal Shower ng Seiko Films. Nag- extend ang execom ng unang linggo ng Disyembre para sa submission ng final prints pero humihirit pa si Robbie Tan na gawin itong December 15 para sa kanyang interlock. Masyado nang huli ito kaya magmimiting ang committee para sa final deadline.
Ang malaking katanungan ay makahabol pa kaya ang Seiko sa naturang deadline gayung nagsusyuting pa ito ng pelikula? Mabagal ang shooting ng movie dahil mabusisi si Jeffrey Jeturian gumawa ng pelikula.
Nakausap namin si Danica Sotto na dumalo sa premiere night ng Homecoming dahil malapit pala itong kaibigan ni Alessandra de Rossi na naging nobya ng kapatid na si Oyo Boy.
Masaya nitong ibinalita na nakapasa siya sa exam sa isang Culinary School sa Switzerland. "Ang mga subjects na kinuha ko sa Center for Culinary Arts dito ay credited kaya mid-next year ay aalis ako at si Daddy ang mag-papaaral sa akin. Naaawa rin ako kay Mommy sa pagtatrabaho niya at kapag nakatapos ako ay pwede na akong magtayo ng restaurant dito at si mommy na ang bahalang mag-supervise, di ba? Hindi na niya kailangang kumayod pa ng husto," aniya.
Mahilig magluto sina Danica at Oyo Boy. Katunayan ay Hotel and Restaurant Management din ang kinukuha ni Oyo Boy kaya lang gusto niyang mag-shift sa Mass Communication.
Ratsada sa telebisyon si Danica. Bukod sa Daddy Di Do Du ay kasama ito sa Love to Love (Season 2) at madalas na guest sa Eat Bulaga.
Magdadalawang taon na rin sa showbiz si Dennis Trillo at nagsimula ito bilang commercial model noong 13 anyos. Ini-launch ito sa Star Circle Batch 10 ng ABS-CBN. Nakasama siya sa soap operang Sa Dulo ng Walang Hanggan. Lumipat ito sa Syete at nabigyan ng magandang break. Feeling nito, maalaga sa mga artista ang nasabing network.
Naging markado ang role ni Dennis bilang si Eboy na manliligaw ni Sunshine Dizon sa Kahit Kailan at ngayon ay kasama sa Twin Hearts sa papel na Glen.
"Nagpapasalamat ako dahil puro malalaking artista ang kasama ko sa soap opera at mababait silang lahat lalo na si Daboy. Kailangang makipagsabayan ka sa galing nilang umarte. Dream ko na makilala bilang magaling na dramatic actor," aniya.
Tapos ang gwapong aktor ng International Studies sa Miriam College kaya may fallback sakaling iwan ang showbiz.
Sino naman ang type niyang artista?
"Gusto ko sina Tanya Garcia, Jolina Magdangal at si Karylle dahil magagaling silang artista at si Karylle bilang singer," aniya.
May balita na may madatung na pulitiko from Davao ang patay na patay sa beauty ni Rose Valencia. Katunayan ay pinadadalhan nito ng P20,000 na monthly allowance ang aktres.
Paano kung may asawa na ang pulitiko?
Ayon sa seksing aktres ay binata pa ang manliligaw kaya hindi nito minamasama kung tanggapin ang buwanang sustento. "Kasalanan ba kung mataypan niya ako? Malay natin baka ma-in love rin ako sa kanya," sey pa nito.
Naging slim na ang magandang aktres na ito pero ngayon ay tumaba na naman kaya marami ang nagtanong kung totoo bang buntis ito?
Minsan kasi ay nagpasukat ito ng damit sa kanyang couturier at ang naging sukat ng waistline ay 29 inches. Malaki ang idinagdag ng kanyang timbang. Pinabulaanan ng aktres na siyay buntis courtesy ng actor na nali-link sa kanya ngayon.
Dedma lang ang dramatic actress kahit siya ang nagiging sentro ng intriga dahil sabi nito ay malinis ang kanyang konsensya.
Ang malaking katanungan ay makahabol pa kaya ang Seiko sa naturang deadline gayung nagsusyuting pa ito ng pelikula? Mabagal ang shooting ng movie dahil mabusisi si Jeffrey Jeturian gumawa ng pelikula.
Masaya nitong ibinalita na nakapasa siya sa exam sa isang Culinary School sa Switzerland. "Ang mga subjects na kinuha ko sa Center for Culinary Arts dito ay credited kaya mid-next year ay aalis ako at si Daddy ang mag-papaaral sa akin. Naaawa rin ako kay Mommy sa pagtatrabaho niya at kapag nakatapos ako ay pwede na akong magtayo ng restaurant dito at si mommy na ang bahalang mag-supervise, di ba? Hindi na niya kailangang kumayod pa ng husto," aniya.
Mahilig magluto sina Danica at Oyo Boy. Katunayan ay Hotel and Restaurant Management din ang kinukuha ni Oyo Boy kaya lang gusto niyang mag-shift sa Mass Communication.
Ratsada sa telebisyon si Danica. Bukod sa Daddy Di Do Du ay kasama ito sa Love to Love (Season 2) at madalas na guest sa Eat Bulaga.
Naging markado ang role ni Dennis bilang si Eboy na manliligaw ni Sunshine Dizon sa Kahit Kailan at ngayon ay kasama sa Twin Hearts sa papel na Glen.
"Nagpapasalamat ako dahil puro malalaking artista ang kasama ko sa soap opera at mababait silang lahat lalo na si Daboy. Kailangang makipagsabayan ka sa galing nilang umarte. Dream ko na makilala bilang magaling na dramatic actor," aniya.
Tapos ang gwapong aktor ng International Studies sa Miriam College kaya may fallback sakaling iwan ang showbiz.
Sino naman ang type niyang artista?
"Gusto ko sina Tanya Garcia, Jolina Magdangal at si Karylle dahil magagaling silang artista at si Karylle bilang singer," aniya.
Paano kung may asawa na ang pulitiko?
Ayon sa seksing aktres ay binata pa ang manliligaw kaya hindi nito minamasama kung tanggapin ang buwanang sustento. "Kasalanan ba kung mataypan niya ako? Malay natin baka ma-in love rin ako sa kanya," sey pa nito.
Minsan kasi ay nagpasukat ito ng damit sa kanyang couturier at ang naging sukat ng waistline ay 29 inches. Malaki ang idinagdag ng kanyang timbang. Pinabulaanan ng aktres na siyay buntis courtesy ng actor na nali-link sa kanya ngayon.
Dedma lang ang dramatic actress kahit siya ang nagiging sentro ng intriga dahil sabi nito ay malinis ang kanyang konsensya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended