^

PSN Showbiz

Ang lalaking kinababaliwan ni Angelika dela Cruz

-
May bagong kinababaliwang lalaki itong si Angelika dela Cruz bukod sa rumored-ex-boyfriend nitong si Jericho Rosales. Ito’y si Kris Martinez.

Unang nagkita sina Angelika at Kris sa RNB Disco sa Angeles City. Kasama ni Kris nung gabing iyon ang mga barkada niya. Naroroon din si Angelika kasama si Joey Diego.

Nadaanan ni Angelika ang kinaroroonan ni Kris. Nagtama ang kanilang paningin. Tipong Romeo meets Juliet. Ikinwento ni Angelika si Kris kay Joey at doon nagsimula ang kanilang getting-to-know you.

Ayon kay Kris, matagal na niyang crush si Angelika. At pangarap talaga nitong mag-artista para lang makasama si Angelika. Graduate siya ng Industrial Techonology sa Bulacan State University. Tubong Hagonoy, Bulacan, 20 taong gulang, may taas na 5’11", may-acting workshop at voice lessons sa kasalukuyan.

Bukod kay Angelika, crush din niya si Kaye Abad. Mahilig din kasi siyang ma-attract sa mga babaeng black beauty at simple. Type rin niya si Aleck Bovick. Paborito niya ang mag-basketball at gym workout. Dahil uso ang bold, ayaw nitong maging boldstar pero aniya di siya nagmamadali. Okey sa kanya ang mga sexy films at drama pero hanggang trunks lang ang kaya nitong isuot.

Tinanghal siyang Lakan ng Bulacan 2000 at currently endorser siya ng Crimson t-shirt. BAC

ALECK BOVICK

ANGELES CITY

ANGELIKA

BULACAN

BULACAN STATE UNIVERSITY

INDUSTRIAL TECHONOLOGY

JERICHO ROSALES

JOEY DIEGO

KAYE ABAD

KRIS MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with