^

PSN Showbiz

Alex at Assunta bati, pero nanay nila hindi pa rin dadalo sa kasal

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakausap namin si Alessandra de Rossi sa premiere night ng Homecoming kung saan dumalo rin ang kapatid na si Assunta. Sinabi ni Alex na mas naging close sila ngayon ng kanyang kapatid kaya sigurado nang siya ang maid of honor sa church wedding ni Assunta kay Cong. Jules Ledesma.

Pero hindi pa rin a-attend ang nanay nilang nasa Italy sa kasalukuyan.

"Ayaw niya talaga kaya ako na lang ang pupunta sa kasal," ani Alex.

Samantala, hinangaang muli ang akting ng aktres sa Homecoming bilang si Abigail Edades, isang overseas worker sa Toronto, Canada na iniwasan ng kanyang mga kabaryo dahil sa epidemya ng SARS. Inamin ng aktres na mas nahirapan siya sa pelikulang ito kaysa sa Munting Tinig. "Mas challenging ang papel na ginampanan ko rito at mas madrama ito kaysa Munting Tinig. Wala akong ginawa kundi umubo at umiyak dahil sa pagkamatay ng nakababata kong kapatid na si Noel (Bryan Homecillo) dahil sa sakit na SARS at pagkutya sa aming pamilya ng aming mga kabaryo," anang aktres.

Tinanong din namin si Alex kung ano ang nagmo-motivate sa kanya para madaling pumatak ang luha sa mga malulungkot na eksena. "Inilalagay ko ang sarili ko sa karakter na ginampanan ko bilang si Abby. Kaya dire-diretso na ang pag-iyak ko," dagdag pa nito.

Isa sa dream role ni Alex ay maging sirena sa pelikula. Marunong din siyang lumangoy pero hindi kasinggaling ni Assunta.
PJ, Maaasahan
Kasama si PJ Malonzo sa Homecoming bilang masugid na manliligaw ni Alessandra de Rossi. May ibubuga pala ito sa pag-arte ayon sa mga nakapanood ng said movie at maganda rin ang rehistro sa screen.

Sa kabilang banda, enjoy ang gwapong binata sa pagiging co-host ng Okay Ka Mom sa segment na Bilib Kay Mom. Spontaneous na ito sa kanyang mga interview at never na nagba-buckle. Ang maganda kay PJ ay nagbibigay pa rin ito ng mga tips para lalo pang mapaganda ang programa na mapapanood tuwing Sabado sa Channel 5 ganap na 10:30 ng umaga.
Renz, Success Story
May isang portion sa Okay Ka Mom na tumatalakay sa success story ng mga celebrities na magsisilbing inspirasyon para magsikap sila na makamit ang tagumpay.

Sapul nang mamatay ang tatay ni Renz Verano ay siya na ang umako sa responsibilidad nito. Nagtayo siya ng mga maliit na negosyo pero lahat bumagsak. Hindi ito nawalan ng lakas ng loob at sinikap na magtayo ng maliit na bakery kung saan siya ang nagmamasa, nagluluto at nagdi-deliver pa hanggang sa unti-unting makaahon sa kahirapan.

Mahilig ito sa musika kaya noong nasa grade school ay panay ang pagsali nito sa mga singing contest. Nang mag-college sa UP ay nanalo itong grand champion sa nationwide minus-one singing contest. Naging professional singer ito at kasali sa banda na kumakanta sa ilang hotel.

Minsan ay kumanta ito sa isang kasalan at doon siya na-discover ni Sunny Ilacad ng OctoArts at binigyan ng break bilang recording artist nila. Ang awiting "Remember Me" ay nag-hit sa recording chart at ito ang naging daan para gumawa ng malaking pangalan sa music scene si Renz.
Beth, Walang Kupas!
Blooming na blooming si Elizabeth Oropesa kung saan kasama ang guwapong mister sa premiere night ng Homecoming. Maraming nagsasabi na maswerte ang aktres sa piling ng kanyang mister na napaka-supportive sa kanyang career. Ratsada pa rin ang career nito at tuluy-tuloy ang pagtanggap ng trophies sa iba’t ibang award-giving bodies.

Sa papel na Salve sa Homecoming ay muling pinatunayan ni Oro ang galing sa pag-arte bilang ina ng SARS victim na si Alessandra at Bryan Homecillo. Damang-dama ng mga manonood ang sakit nang mamatayan ng anak at pandirihan ng mga tao sa kanilang lugar. "Hanep ang galing ni Elizabeth, natural na natural ang akting bukod pa sa kontrolado ang emosyon," anang mga manonood.
Donna V., Napaiyak!
Tatlong buwang binusisi ni Direk Carlo Caparas ang script ng pelikulang Chavit na siya ring sumulat kaya lumabas na authentic ang kabuuan nito. Ito bale ang pinakamagastos na movie ng Golden Lions dahil umabot sa P80 million idagdag pa ang talent fee ni Cesar Montano na balitang humigit pa sa P5 million. Sulit naman dahil kahit si Gov. Chavit Singson ay humanga sa action star sa paglalarawan ng kanyang buhay.

Sa kabilang banda ay may isang eksena na susunugin ang buong village kung saan napaiyak si Donna Villa nang sinusunog na ang. forty-eight na bahay.
2 Sexy Actress, Maligalig
Minsan ay nagkaroon ng press preview ng isang sexy movie kung saan nakaupo sa harapan ang mga bidang babae. Kauumpisa pa lang ng movie ay wala nang ginawa ang dalawang sexy stars kundi ang mag-ingay lalo na kapag lumalabas na ang kanilang maiinit na eksena. Naistorbo ang mga katabi nilang mga reporters dahil hindi maintindihan ang dialogue ng mga artista. Kulang na lang na sabihan sila na tumigil na sa pagkukwentuhan nang malakas at pagtatawanan pa. Dedma na lang ang prodyuser sa kanila at di masaway dahil baka mapahiya.

Pero sana sa susunod ay turuan nang tamang urbanidad ang dalawang sexy stars na nagbibida na dahil palaban din pagdating sa hubaran.

ALESSANDRA

ALEX

ASSUNTA

BRYAN HOMECILLO

CENTER

DAHIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with