Rio Diaz-Cojuangco nakaligtas kay kamatayan
November 24, 2003 | 12:00am
"Mayroon bang Diyos?" Ito ang madalas itanong ng marami, lalung-lalo na kapag nasa gitna ng kahirapan, dusa at abang kalagayan. Kahit lumaki tayong may kinikilalang Diyos, madalas nagdududa tayo kung totoo nga bang may Diyos at may pakialam nga ba Siya sa ating buhay?
Ilan sa mga naging panauhin sa The 700 Club Asia ang nagpahayag kung papaanong naging tunay sa kanilang buhay ang Diyos. Isa na rito si Rio Diaz-Cojuangco, na batid ng marami ay ilang beses nang nakaligtas sa bingit ng kamatayan dahil sa kanser. Para kay Cojuangco, ang Diyos ang kanyang "Abba" o Daddy. Ginamit niya ang salitang Hebreo na nagsasaad ng personal at malapit na relasyon ng isang ama sa kanyang anak. Ang tatay na kailanman ay hindi tumatalikod sa pangangailangan ng anak. Para sa kanya, Siya rin ang kanyang "Jehovah (o Yahweh) Rophe," na ang ibig sabihin ay Diyos na Manggagamot.
Para naman sa aktres na si Rio Locsin, ang Diyos ang kanyang "Immanuel," na naging matapat din itong asawa. "Siya ang Diyos na buhay, totoo, kahit kailan hindi Niya ako pinabayaan," ang pahayag ni Rio ng may buong katapatan.
Ang beauty queen-actress na ngayoy financial analyst na si Emma Yuhico naman ay kilalang-kilala ang Diyos bilang kanyang "Jehovah Jireh" o Diyos na nagkakaloob ng kanyang pangangailangan. "Kung hindi ko kilala ang Diyos, maaaring di ko nalagpasan ang mga pagsubok bilang solo parent. Ang biyaya Niyay sapat sa lahat ng aking pangangailangan," pahayag ni Emma.
Si Emma Yuhico, kasama ang ilan sa ating mga kilalang artista, tulad nila Gloria Sevilla, Celia Rodriguez, Joyce Ann Burton, Ron Titular, Anthony Pangilinan at marami pang iba, ay mapapanood sa tatlong araw na ispesyal na pagtatanghal ng CBN Asia na pinamagatang Is There A God? Ito ay magsisimula ngayong Lunes, 12:30 paglampas ng hatinggabi, ika-24 ng Nobyembre, sa ABS-CBN.
Panoorin ang Is There AGod? sa Nobyembre 24,25 at 26 kasama ang The 700 Club Asia Hosts na sina Peter Kairuz at Dulce, pagkatapos ng News and Current Affairs program ng ABS-CBN 2.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended