^

PSN Showbiz

Sikreto ng kabataan ni Daboy

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Masaya naming nakakwentuhan ang action star na si Rudy Fernandez sa taping ng Twin Hearts. Nag-i-enjoy siya sa soap opera dahil sa pagiging propesyonal ng mga kasama niyang artista lalo na ang leading lady niyang si Pops Fernandez.

Tatlong beses silang mag-taping sa loob ng isang linggo pero balewala sa kanya ang magdamagang puyat dahil wala namang ipinagkaiba ang pelikula sa telebisyon. Pero he makes it a point na makatulog ng anim na oras.

Parang hindi tumatanda si Daboy kaya ang tanong namin ay kung ano ang kanyang sikreto? "Huminto na ako sa paninigarilyo. Anim na taon na. Nagda-diet din ako at iniiwasan ko ang pagkain ng baboy at syempre regular napagwo-work-out."

Ang kanyang mga anak na sina Rap, 19 years old at Renz, 18, naman ay hindi nagbibigay sa kanya ng problema. Masaya rin siya para kay Mark Anthony dahil tahimik na ang buhay nito. Bilang ama ay hindi naman siya nagpapabaya sa kanyang tungkulin kahit busy sa mga commitment.

Samantala, naniniwala si Daboy na isa sa pinakamalaking dahilan ng pananamlay ng ating movie industry ay ang film piracy.

Ano naman ang masasabi niya kay Pops bilang leading lady? "Pops is very propesyonal at hindi mo ito mariringgan ng reklamo kahit mahihirap ang mga eksena."
Sanay Nang Maging Kontrabida
Ang ganda ngayon ni Lani Mercado. Kaya biniro naming wala na yata siyang problema kay Bong. Samantala, for the second time ay kontrabida na naman siya sa Twin Hearts, sa papel ni Vanessa Fontanilla, ang ginagampanan bilang ikalawang asawa ni Jestoni Alarcon na makikigulo sa buhay nila ng unang asawa nitong si Pops.

Hindi ba siya natatakot na ma-type cast na kontrabida?

"Sanay na akong maging kontrabida at tanggap naman ako ng manonood. Tutal sa totoong buhay ay hindi naman ako kontrabida, di ba?"

Kapag lumalakad ngayon sina Bong at Lani ay lagi silang magkahiwalay ng sasakyan dahil sa rami ng death threats na natatanggap ni Bong. Marami rin silang kasamang bodyguards ngayon dahil sa peligrosong trabaho ng asawa bilang chairman ng Videogram Regulatory Board.
Katherine, Napaiyak Sa Tuwa
Napaiyak si Katherine Luna, bida ng Ang Babae Sa Breakwater matapos ang press preview ng pelikula dahil sa matinding kagalakan. Maraming bumati at pumuri sa kanyang akting lalo na’t isang baguhan lang siya. "Sabi nila, ang galing-galing ko kaya na-touched ako. Hindi rin nasayang ni Direk Mario O’Hara ang kanyang walang sawang pagtulong sa akin para mapaarte. Hindi kasi siya tumigil hanggang hindi ko naibibigay nang todo-todo ang tamang emosyon sa pag-arte," sabi ni Katherine.

Nagpapasalamat nga si Katherine sa malaking break na ipinagkaloob sa kanya ng Entertainment Warehouse at umaasang masusundan pa ito ng mga ganitong klase ng pelikula na panlaban sa film festival sa abroad.

Inamin ni Aktres A na civil sila ngayon ni Aktres B kapag nagkikita sa mga showbiz gathering.

Dating kaibigan ni B ang isa pang aktres na tatawagin nating si C dahil iisa ang kanilang manager. Pero naging malamig ang dalawa sa isa’t isa hanggang maging kaibigan ni C si A. Lagi silang magkasama kapag taping break. Dahil dito, tuluyan nang nagalit sa kanya si B. "Akala niya kapag nag-uusap kami ni C ay siya ang pinag-uusapan naming dalawa gayung hindi naman," sey ni Aktres A.

Si Aktres A, B at C ay nagkasama sa isang sikat na youth-oriented show at may kanya-kanya nang soap opera sa isang major network.

vuukle comment

AKTRES A

AKTRES B

BABAE SA BREAKWATER

DABOY

DAHIL

DIREK MARIO O

SIYA

TWIN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with