^

PSN Showbiz

Kanino ba talaga nanggaling ang "Otso-Otso" ?

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Nakadalawang taon na ang Arkdia sa may Remedios St. na malapit sa Adriatico doon sa Malate. Sa November 26 ang 2nd year anniversary celebration ng pinaka-popular at pinaka-sosyal na watering hole sa tourist district.

Natandaan ko pa nang mag-opening ito years ago. Sina Mayor Lito Atienza at si Ms. Vilma Santos kasama ang kanyang husband na si Senador Ralph Recto, Regine Velasquez, Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza ang mga special guests.

Noon pa lamang ay nalaman na ang endless entertainment possibilities na hatid ng Arkdia sa kanilang mga patrons. Kasya ang 300 people sa loob ng venue. Sa buong lighting system pa lamang, P3 M na ang nagasta. Dagdag pa rito ang state-of-the-art sound system at ang mga de-kalidad na furnishing and decor.

Ang kanilang kakaibang mga silya nga, imported pa sa Germany ang unique material nito.

Ang presidente ng HK.com Entertainment na si Joseph Garcia ang siyang may concept ng Arkdia. Tinawag siyang party-o-logist dahil expert nga siya kung mga great fun happenings ang pag-uusapan. Kaya ang Arkdia ay mala-Las Vegas at Tokyo combined.

Pabalik-balik si President Jhong sa Tokyo at siya ang nag-aayos upang ang mga Pinoy talents ay makapag-perform sa Amanpulo at Birdland sa Tokyo sa Raponggi District.

Kaya naman ang Arkdia ay tumatayo na ring audition place para sa mga Pinoy artists na gustong magkaroon ng break na makapagtanghal sa Japan.

Kung bongga ang first anniversary ng Arkdia noong 2002, higit na ginawang memorable ni Joseph at ng kanyang buong staff ang celebration this year. Buong isang linggo ang pagdiriwang at mga entertainment package simula pa noong November 20.

Sa Band Slam na ginanap, kasali ang Freeverse, Liveset, Infinite Rhythms at Diva. Magbibigay pa ang Arkdia, sa pakikipagtulungan sa COPA (Center of Overseas Performing Artists) ng free medical and dental services para sa indigent families ng Malate ngayong Linggo.

Ngayong Lunes naman, tampok ang mga sexy stars na sina Yda Manzano at Hanni Miller for the delight of Arkdia’s male crowd.

Isa sa highlights ng 2nd anniversary bash ang Simply Geneva, live concert ni Geneva Cruz sa November 25. Guest ni Gen sa show si JayR.

Sa anniversary party mismo sa November 26, maraming celebrities and surprise guests ang dadalo. Kung gusto ninyong makakita ng maraming showbiz personalities, be there on this special big night. Pati nga ang Viva Hot Babes, G-Girls at Masculados, pupunta sa okasyon.

Si Gabriela nanggaling pa lang sa kanyang successful, six-month stint sa Seoul, Korea ang topbilled sa November 27. Dapat mapanood ninyo si Gabriela ng live para malaman kung gaano siya kagaling at ka-versatile as a performer. Saka aalis na muli siya for a Middle East tour, kaya maaaring matagalan pa bago ninyo siya mapanood sa ating bansa.

Noong minsang nag-usap kami ni Gabriela, sinabi niyang confrmed na ang two weeks niya sa Kuwait. Maaaring magsara na rin ang usapan tungkol sa ibang dates niya sa Middle East.
* * *
Kanino ba talaga nanggaling ang sayaw na "Otso-Otso"?

Natandaan ko pa na una itong nakasama sa mga dance step ng Sex Bomb. Kabilang ang parting "Otso-Otso" sa kanilang routine dahil nabagay naman sa kanila.

Nagulat na lang ako na kung sinu-sino na ang umaangkin na sila ang orig na nagpasikat ng sayaw na ito. Ginawan pa ng kanta at itinapat pa sa "Spageti" ng Sex Bomb.

Naabot naman ba ng kanta ang malakas na bentahan at sobrang popularidad ng naunang "Spageti"?

ARKDIA

BAND SLAM

CENTER OF OVERSEAS PERFORMING ARTISTS

DINGDONG AVANZADO

GABRIELA

GENEVA CRUZ

MIDDLE EAST

SEX BOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with