^

PSN Showbiz

Mahihirapan ang pirata sa pelikulang 'Chavit'

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Mahihirapan daw ang mga pirata na nakawin ang kopya ng pelikulang Chavit.

Ang ginawa nilang technic, sabay-sabay ang baba ng negatibo, gumamit sila ng maraming studio, pero sabay-sabay ang trabaho. Sa ganoong paraan nga naman ay nababantayan ng husto ang lahat. Bukod doon, tuluy-tuloy din naman ang gawa ng kopya at tamang-tama lamang ang oras.

Sabay-sabay din sa anim na sinehan sa iisang lugar lamang gagawin ang kanilang premiere night. Ibig sabihin talagang mababantayan nila ng husto ang bawat kopya.

Inaamin ni Chavit, humingi sila ng tulong sa VRB at kay Bong Revilla na pabantayan naman ang kopya ng pelikula nila. Namuhunan kasi sila ng 80 milyong piso sa pelikulang iyan, pero para mas sigurado, kumuha na sila ng private security na siyang magbabantay ng kanilang kopya, para maiwasan nga ang piracy.

Aminado naman ang mga nakausap naming pirates na mahihirapan sila sa pelikulang Chavit. Mananakaw din daw nila ang kopya kung talagang gugustuhin pero kung pipiratahin nila iyon at apat na oras at kalahati nga ang haba ng pelikula, ibig sabihin kailangang ikarga iyan sa limang CD. Kung limang CD ang gagamitin, kailangang maipagbili nila iyon na ang pinakamababa ay 60 pesos. Kung ganoon na kamahal, sino pa ang bibili ng pirated? Manonood na lang sila sa sinehan.

Kung minsan may advantage din pala ang ganoong napakahabang pelikula. Kaya nga siguro hindi na rin iyon binawasan ni Direk Carlo Caparas, mas mahirap nga palang piratahin ang pelikula kung ganoon kahaba. Hindi rin pwedeng hindi sila magpapalit ng tapes sa pagnanakaw ng kopya. Kung ganoon, mahuhuli na sila.
* * *
Tama iyong sinasabi ni Kuya Germs, sobra na ang pagpasok sa bansa ng mga foreign entertainers. Aba eh, kahit na sino, nagpapasok na lang ng mga foreign entertainers dito sa ating bansa. Naaagaw ng mga iyan ang pagkakataon sa mga Pilipino. Natural kung may mga dayuhan, sila na ang uunahin. Nakukuha nila ang malalaki at magagandang venue. Nakukuha nila ang mga mahuhusay na tauhan. Nagbibenta sila ng mas mahal na tickets, pero iyong Filipino artists, hindi man lang makasingit.

Pero kung ang mga Pilipino ang dumadayo para mag-show sa abroad, kukuha pa ng permit sa kanilang union at magbabayad. Dito sa atin, ni walang pasintabi sa mga artistang Pilipino iyang mga dayuhang iyan.

Tama si Kuya Germs, dapat limitahan iyang mga iyan, at mas tangkilikin natin ang kapwa natin Pilipino kaysa sa kanila.
* * *
Sa panahong ito ay pahirap na nang pahirap ang buhay at marami nga ang umaangal at nagsasabing parang hindi na raw nila nadarama ang nalalapit na Pasko. Hindi lang naman pera o maraming regalo ang kahulugan ng Pasko. May mas malalim pang kahulugan iyan sa ating buhay at sa ating kaluluwa.

Ang masasabi lang namin, sundin ninyo ang madalas na sinasabi ng santong si Padre Pio noong nabubuhay pa siya, "magdasal ka, umasa at huwag mag-alala."

BONG REVILLA

CHAVIT

DIREK CARLO CAPARAS

KUNG

KUYA GERMS

NILA

PILIPINO

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with