Beth Tamayo, binilhan ng P20-M na bahay ng mapapangasawa
November 22, 2003 | 12:00am
Natutuwa kami para sa aming mahal na kaibigan na si Beth Tamayo dahil nakatagpo na rin siya ng lalaking makakasama sa habambuhay sa katauhan ni Johnny Wong, isang Chinese businessman na naka-base sa Guam kung saan nagkakilala ang dalawa. Sina Beth at Johnny ay nakatakdang ikasal sa Mayo 30 sa susunod na taon. Hindi pa man kasal ang dalawa, binilhan na ni Johnny si Beth ng P20-M worth ng bahay sa may Ayala Heights in Quezon City. May limang kuwarto at attic ito.
Bumili rin si Johnny ng kanilang bahay bakasyunan sa Tagaytay Highlands at nung nakaraang kaarawan ni Beth (September 21) ay niregaluhan din niya ito ng isang Mercedez Benz. Bukod sa pagiging maganda at mabait ni Beth, na-in love lalo sa kanya si Johnny dahil hindi si Beth ang tipo na bilmoko girl kaya sa halip, si Johnny ang bigay nang bigay sa dalaga.
"Kahit walang okasyon, parati siyang may ibinibigay sa akin and he loves doing it daw dahil mahal na mahal niya ako. Hes so thoughtful and generous pero minsan, ako na ang pumipigil sa kanya," ani Beth.
Personal kong nakilala si Johnny sa house blessing ng bahay nila ni Beth na dinaluhan din nina Angge Lee, Eula Valdez, Jestoni Alarcon, Sylvia Sanchez, Suzette Ranillo, My-My Davao, Koo-Koo Gonzales at Ara Mina. Simple at mabait si Johnny at walang mag-aakala na napakayaman nito. Expensive watches and cars ang kanyang weakness pero ayaw nito ang limelight kahit taga-showbiz ang kanyang future wife na si Beth. Walang balak si Johnny na patigilin si Beth sa kanyang showbiz career kahit kaya nitong buhayin ang kanyang magiging misis at magiging mga anak nila.
Since naka-base sa Guam ang business ni Johnny, magpapabalik-balik na lamang sila ni Beth ng Guam at Maynila which is just a three-hour flight.
Ang twenty-year-old singer-actress na si Champagne Morales na nagtapos ng BS Psychology sa De La Salle University ang ipapakilalang celebrity rider simula ngayong November 26 sa "Practical Riding with Yamaha" na bahagi ng BYK 101, ang celebrity-lifestyle-sports show na napapanood sa IBC-13 sa araw ng Miyerkules tuwing alas-10 ng gabi. Magsisimula bilang isang beginner at sa pagtatapos ng season ay isa na siyang expert rider. Itoy sponsored ng Yamaha Motorcycles.
Sa darating na Nobyembre 28 (Biyernes) sa ganap ika-3:00 ng hapon, gaganapin ang grand opening ng Rosmont Executive Villa ng Ralf Realty and Management Corporation na pag-aari at pinamumunuan ng film producer-turned realtor na si Mommy Rose Flaminiano. Ang Rosmont Executive Villa ay matatagpuan sa Panampunan, Barangay Sepung Calzada, Tarlac City. Magiging espesyal na panauhin sa nasabing okasyon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at si NHA Secretary Mike Defensor. Pagkaraan ng 3:00 p.m. motorcade na sasalihan din ng mga celebrities tulad nina Rudy Fernandez, Joyce Jimenez, Maui Taylor, Giselle Sanchez at Renz Verano, magkakaroon ng maigsing programa pagkatapos ng blessing at ribbon- cutting.
Mula sa corporate financing hanggang sa paghu-host ng mga events at speaking engagements, ang English professor na si Richard Signey ay biglang nagbago ng linya nang siyay makisali na rin sa legitimate theater. Dalawang highly-acclaimed productions ang kanyang sasalihan sa darating na Disyembre. Kasama siya sa romantic comedy na Butterflies are Free ng Dramatis Personae at ang Grethology ng Gantimpala Theater Foundation. Papel ng isang hip lover-producer ng liberated actress na gagampanan naman ni Priscilla Almeda sa Butterflies ang role niya. Ang Butterflies Are Free na ididirek ni Lito Casaje ay mapapanood sa Republic of Malate sa Maynila sa darating na December 12, 13, 19 at 20 sa ganap na ika-9 ng gabi habang ang Grethology ay sa direksiyon ni Tony Espejo ay matutunghayan sa St. Scholastica Manila sa December 5 at 7 at sa RFC Theater sa Las Piñas sa Enero 16-18 at Feb. 6-8 sa AFP Theater at sa Cabuyao, Laguna sa Feb. 13-15.
Si Signey ay English professor sa Languages International sa Makati. Bago ito ay naging financial consultant siya sa isang multi-national na naka-base sa New York sa loob ng tatlong taon. Napapanood din siya sa Chikiting Patrol tuwing Sabado ng 6:30 p.m. sa ABC-5 kung saan siya may sariling segment, ang "PNOYSPIK".
Bumili rin si Johnny ng kanilang bahay bakasyunan sa Tagaytay Highlands at nung nakaraang kaarawan ni Beth (September 21) ay niregaluhan din niya ito ng isang Mercedez Benz. Bukod sa pagiging maganda at mabait ni Beth, na-in love lalo sa kanya si Johnny dahil hindi si Beth ang tipo na bilmoko girl kaya sa halip, si Johnny ang bigay nang bigay sa dalaga.
"Kahit walang okasyon, parati siyang may ibinibigay sa akin and he loves doing it daw dahil mahal na mahal niya ako. Hes so thoughtful and generous pero minsan, ako na ang pumipigil sa kanya," ani Beth.
Personal kong nakilala si Johnny sa house blessing ng bahay nila ni Beth na dinaluhan din nina Angge Lee, Eula Valdez, Jestoni Alarcon, Sylvia Sanchez, Suzette Ranillo, My-My Davao, Koo-Koo Gonzales at Ara Mina. Simple at mabait si Johnny at walang mag-aakala na napakayaman nito. Expensive watches and cars ang kanyang weakness pero ayaw nito ang limelight kahit taga-showbiz ang kanyang future wife na si Beth. Walang balak si Johnny na patigilin si Beth sa kanyang showbiz career kahit kaya nitong buhayin ang kanyang magiging misis at magiging mga anak nila.
Since naka-base sa Guam ang business ni Johnny, magpapabalik-balik na lamang sila ni Beth ng Guam at Maynila which is just a three-hour flight.
Si Signey ay English professor sa Languages International sa Makati. Bago ito ay naging financial consultant siya sa isang multi-national na naka-base sa New York sa loob ng tatlong taon. Napapanood din siya sa Chikiting Patrol tuwing Sabado ng 6:30 p.m. sa ABC-5 kung saan siya may sariling segment, ang "PNOYSPIK".
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended