Katherine, Kristoffer: Mga bagong mukha sa breakwater area ng Manila Bay
November 20, 2003 | 12:00am
Akala ko bold movie ang Babae Sa Breakwater, ang unang pelikula ng Entertainment Warehouse, Inc, na nasa direksyon ni Mario OHara. Hindi pala bagaman at may mga elemento ito ng isang bold movie, gaya ng temang senswal, paghuhubad at mga intimate lovescenes. Ang Babae Sa Breakwater ay isang pagtanaw sa naiibang mundo ng gilid ng Manila Bay area at ang mga naninirahan dito. Ako man ay hindi makapaniwala na daigdig ito ng maraming tao. Akala ko, lugar lamang ito na puntahan kapag gusto mong makita ang paglubog ng araw. Ang pelikula ay resulta ng dalawang taon na paghahanda para maisapelikula.
Mayrong dalawang bagong mukha na hahangaan sa pelikulang ito, ngayon lamang nabigyan ng mahaba at mahalagang roles pero, nagpakitang gilas sa kanilang pagganap sina Katherine Luna at Kristoffer King.
"Hindi madaling hanapin si Katherine. Dalawang taon kaming naghanap ng bagong mukha at bagay sa role. Winorkshop namin siya. By the time na magso-shoot na kami, Katherine has transformed into one compelling screen performer," ani Direktor OHara.
"Swerte lang siguro na dumating ako at a time na marami na ang nag-apply at dun ako sa mga nauna ikinumpara ni direk," ani Katherine na ayon pa rin kay OHara ay nakikita sa mga mata nito at hindi sa kanyang mukha ang karanasan dahil sa sobrang ganda niya.
Tapos na rin ang pagiging ekstra sa maraming pelikula ni Kristoffer. "Ang dami kong nilabasang pelikula na dumaan lang ako sa harap ng kamera. Dito sa Babae... pinalubog ako ni Direk sa marumi at puno ng basurang tubig ng Manila Bay. Ang dumi talaga pero, kung si Direk nakalublob rin, ako pa kaya?" anang magaling na baguhan na masasabi ring may dugong artista na nanalaytay sa kanyang mga ugat dahil ang kanyang tiyuhin ay isa ring dating aktor, si Ray Marcos.
Sa mga susunod pang mga araw, inaasahan na pagkakaguluhan sina Katherine at Kristoffer ng iba pang mga producer dahil, hindi lang sila magagaling na artista, wala rin silang kyeme sa mga mahihirap na roles, bold, seksi man o hindi. VRS

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended