Dolphy, ayaw mapasama sa Alma Moreno filmbio
November 20, 2003 | 12:00am
Magti-taping na sana si Alma Moreno para sa kanyang isasadulang buhay sa Magpakailanman kaya lang ay nagkaroon ng problema. Hinihiling kasi ni Dolphy na huwag na siyang isama sa life story nito.
Nahihirapan ang staff dahil nagkaroon naman ng malaking bahagi si Dolphy sa buhay ni Ness.
Nanghihinayang ang mga staff dahil malaki nga namang kakulangan kung walang bahagi si Dolphy sa istorya pero wala silang magawa kundi irespeto ang kahilingan nito.
Kung hindi sana nagkaroon ng aberya ay baka sa unang linggo ng Disyembre mapapanood ang buhay ni Alma sa said program.
Natakot Kay LT
Nagpapasalamat si Chynna Ortaleza dahil sa napakalaking break na ipinagkaloob sa kanya ng Regal Entertainment kung saan nakasama nito ang mga premyado at magagaling na artista sa Mano Po 2. "Ang gagaling ng mga kasama kong artista. Noong una ay takot ako kay Lorna Tolentino dahil seryoso siya. Hindi niya ako kilala noong nasa Shanghai kami pero nang makatrabaho ko siya ay napaka-thoughtful pala niya. Si Jay naman ay parang kuya ko na. Higit sa lahat, hanga ako kay Tita Susan (Roces) dahil napaka-down-to-earth niya. Matulungin din siya at laging masaya ang aura. Flattered ako nang tanungin ko siya kung kilala ako at sinabi naman niyang napapanood niya ako sa Habang Kapiling Ka. Malaki ang natutunan ko sa mga kasamahan kong artista lalo na pagdating sa propesyonalismo. They are prim and proper kung kumilos at nabibigyan din nila ako ng pointers sa tamang pag-arte," aniya.
Type ni Chynna ang kanyang role sa Mano Po 2 bilang Filipino girlfriend ni Richard Gutierrez.
Inamin nito na kahit magka-loveteam sila ni Richard ay hindi naman sila na-develop sa isat isa. "Type ko ang mestiso pero talagang hindi kami na-in love, mutual admiration lang kami sa isat isa. Hindi ko ma-explain bastat close kami," sey pa nito.
Manager pala nito si Annabelle Rama pagdating sa pelikula at GMA Talent Center pagdating sa mga TV guesting.
Ilan nang magagandang aktres ang nakausap namin at laging itinatanong kung sino sa mga sikat na aktor ang gusto nilang makapareha at ibigay ang kanilang dahilan.
Nagkakaisa sa pagsasabi ang lahat including Ara Mina na nainterbyu ko kamakailan lang na si Boyet de Leon ang paborito nito dahil ayon sa kanya, bukod kasi sa magaling itong umarte ay napakabango at napakalinis pa sa katawan. "Imagine, talo pa nga ako nito dahil matapos kumain ay takbo agad ito sa banyo at nagsesepilyo agad. Magsesepilyo uli ito kapag magsisimula na ang take," sey ng aktres.
Tumawag ang Japanese record producer ni Angelika dela Cruz para ibalita na ang kanyang Japanese album na ini-record doon ay nasa top 10. Kapag nakaluwag-luwag sa commitment ay babalik doon ang magandang aktres para gawin ang second album.
Four days kung magtaping si Angel kaya may natitira pang three days para tumanggap ng mga out-of-town shows. May balita ngang isasama siya sa isang sitcom.
Bukod sa soap opera na Sanay Wala Nang Wakas ay may special song and dance number ito sa ASAP Mania.
Sa sobrang busy sa commitment ay halos hilahin na ni Angel ang pagdating ng Kapaskuhan dahil pupunta uli sila ng buong pamilya sa Japan para doon ipagdiwang ang kapanganakan ni Kristo. Ang kanyang ina ay nasa Austria.
Nahihirapan ang staff dahil nagkaroon naman ng malaking bahagi si Dolphy sa buhay ni Ness.
Nanghihinayang ang mga staff dahil malaki nga namang kakulangan kung walang bahagi si Dolphy sa istorya pero wala silang magawa kundi irespeto ang kahilingan nito.
Kung hindi sana nagkaroon ng aberya ay baka sa unang linggo ng Disyembre mapapanood ang buhay ni Alma sa said program.
Type ni Chynna ang kanyang role sa Mano Po 2 bilang Filipino girlfriend ni Richard Gutierrez.
Inamin nito na kahit magka-loveteam sila ni Richard ay hindi naman sila na-develop sa isat isa. "Type ko ang mestiso pero talagang hindi kami na-in love, mutual admiration lang kami sa isat isa. Hindi ko ma-explain bastat close kami," sey pa nito.
Manager pala nito si Annabelle Rama pagdating sa pelikula at GMA Talent Center pagdating sa mga TV guesting.
Nagkakaisa sa pagsasabi ang lahat including Ara Mina na nainterbyu ko kamakailan lang na si Boyet de Leon ang paborito nito dahil ayon sa kanya, bukod kasi sa magaling itong umarte ay napakabango at napakalinis pa sa katawan. "Imagine, talo pa nga ako nito dahil matapos kumain ay takbo agad ito sa banyo at nagsesepilyo agad. Magsesepilyo uli ito kapag magsisimula na ang take," sey ng aktres.
Four days kung magtaping si Angel kaya may natitira pang three days para tumanggap ng mga out-of-town shows. May balita ngang isasama siya sa isang sitcom.
Bukod sa soap opera na Sanay Wala Nang Wakas ay may special song and dance number ito sa ASAP Mania.
Sa sobrang busy sa commitment ay halos hilahin na ni Angel ang pagdating ng Kapaskuhan dahil pupunta uli sila ng buong pamilya sa Japan para doon ipagdiwang ang kapanganakan ni Kristo. Ang kanyang ina ay nasa Austria.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended