Nagpapagaling,nagpapaganda pa
November 19, 2003 | 12:00am
Di lamang ako sa ospital allergic, sa mga doktor din. Nilalagnat ako at tumataas ang presyon ko kapag napapalapit ako alin man sa dalawang ito.
Sa pagtanda ko, lalong tumindi ang allergy ko sa mga doktor na hindi tao ang pagtrato sa kanilang mga pasyente, kasama na ako, kundi parang mga kaso na lamang. Lumampas na sa bilang ng mga daliri ko sa kamay at paa ang mga nakikita ko at nakikilalang mga doktor na abusado sa kanilang propesyon. Hindi na ako allergic lamang sa kanila, talagang iniiwasan ko na sila.
Pero, hindi ko naman nilalahat, may mga nakikilala akong mga doktor na hindi pa rin nilalamon ng sistema. Nasa kanilang puso pa rin ang sinumpaang tungkulin na manggamot. Sila ang mga dinidiyos ko at ipinagdarasal na dumami pa.
When colleague Aster Amoyo invited me to dinner to meet her friend, noted dermatologist Dr. Jonathan Dizon, atubili ako. Pero since isang kaibigan ang nag-iimbita, pwede ko bang hiyain?
The dinner turned out to be a most interesting one, at ang doktor, mabait, very accommodating at cowboy! Nakaka-impress na ayaw niyang magbanggit ni isa mang pangalan ng kanyang pasyente gayong ang maraming doktor na may katulad niyang ispesyalidad ay gumagastos ng milyon, mai-advertize lamang ang kanilang mga ginagawa at kumukuha pa ng endorsers.
In my more than 50 years of existence, never pa akong nangailangan ng dermatologist. Ah, minsan pala, kumonsulta ako, at na-diagnosed na eczema yung nasa paa ko. Nagamot naman, medyo matagal nga lang.
Di pa ako nagpapabawas o nagpapadagdag ng ano mang bagay sa aking katawan, takot ko lang. Yung mukha ko, kung may pag-asa mang gumanda, baka huli na, at baka di ko kaya ang gastos. Pero, aaminin ko, na kung nauso lamang ang mga pagpapagandang nauuso ngayonbreast enhancement, noselift, facelift, liposuction, pagpapadagdag ng kulang sa mukha at pagbabawas ng mga sobra, baka sumubok din ako. I would have even gone abroad as a Japayuki. Baka di lamang buhay ko ang gumanda kundi pati na rin ako. Pero, dahil isinilang ako at lumaki sa mga panahong di pa pinakikialaman ng siyensya ang katawan at mukha ng tao at ang mga babae ay kuntento na sa ibinigay sa kanila ng Diyos, heto ako ngayon, may mukha at katawan na ang mga anak ko lamang ang nagsasabing okay na.
Sa pamamagitan ng talino at karunungan ni Dr. Jonathan Dizon, gumaganda ang mga babae, at maging ang mga lalaki! Ang maganda pa sa kanya, di siya kiss and tell.
Di basta-basta doktor si Dr. Dizon, magaling siya sa kanyang ispesyalisasyon, ang dermatology, na tinapos niya ng matagal sa UST. Bago siya naging doktor ng tao, pinangarap niyang maging isang beterinaryo. Mahilig kasi siya sa mga hayop. Pero, di pumayag ang lolo niya. Sinabi nito na magdu-doktor na rin lang siya, bakit di pa doktor ng tao?
Pinangarap din niyang maging isang obstetrician pero habang nagtatrabaho siya sa isang klinika ay may pasyente na pumasok at naghanap ng isang dermatologist. Bagaman at may alam siya rito, di sapat para siya makapag-practice. Di lang ito basta beautification, maraming kaso ng skin disorder na akala ng marami ay simpleng sakit sa balat lamang.
"Na-challenge ako, kahit na lisensyadong doktor ako ay nag-aral pa rin ako ng General Dermatology for four years sa Jose Reyes Memorial Medical Center," anang magaling na mag-kwentong doktor na kaya pala ay isa ring lecturer.
Aware si Dr. Dizon na isang malaking negosyo ang dermatology dito sa atin, maski na dun sa mga hindi nag-aral ng dermatology.
"Unfair na tawaging dermatologist kung hindi mo ito pinag-aralan. Parang niloloko mo ang tao. Maraming standards na dapat sundin at dapat may quality control. Sa panahon ngayon, parang lahat ay pwedeng maging dermatologist, bastat marunong lang mangalikot ng mukha. Its not done that way. Kaya may plano kami na gumawa ng Infomercial para malaman ng publiko kung ano ang dermatology at kung sino ang dapat nilang lapitan."
Para kay Dr. Dizon, hindi isang beautician ang isang dermatologist.
Isa itong doktor na nagpapaganda ng tao at marunong gumamot ng kanilang sakit sa balat. Nakakabagabag yung sinabi niya na di lahat ng warts sa mukha at katawan ay basta na lang tatanggalin. May mga warts na cancerous at may pasyente na namatay dahil lamang ipinatanggal niya ang kanyang inaakalang warts na may cancer cells pala, na nang matanggal ay kumalat sa buong katawan niya.
Impressive ang credentials ni Dr. Dizon na sa kasalukuyan ay may klinika sa St. Lukes Hospital. Kahit allergic ako sa doktor at maging sa ospital, nagpapalakas ako ng loob para puntahan siya. Balak kong magpa-evaluate ng warts at magpatanggal. Nagbabalak akong magsuot ng sarong sa Hawaiian Christmas Party ng aking opisina.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended