^

PSN Showbiz

Okay sa mga Kristine fans si Diether!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Pinag-uusapan ngayon ang pagpasok ni Diether Ocampo sa Sana’y Wala Nang Wakas, ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Mukhang positibo ang feedback ng pag-entra ni Diether dahil nakadagdag excitement sa fans ang pagkakaroon ng love triangle. Sabi nga ng ilang fans ni Kristine na nakausap namin, "Bagay din sila. May chemistry."

Bumagay kay Diether ang kanyang role sa said teleserye. "Hindi na kasi bagay kay Diet ang pa-cute. Sa role niya, okey na okey siya. Bagay sa kanya ‘yung mayabang ng konti," sabad naman ng isang fan.

"Kahit ako, gusto ko ang role ko. Plus the experience working with new stars sa soap. Nakakatrabaho ko na si Tin sa ASAP Mania pero iba sa drama. Masaya siyang katrabaho, masayahing tao," sabi naman ni Diether nang makausap ko.

Sa pagtatapos ng dalawang teleserye ng ABS-CBN, ang Kay Tagal Kang Hinintay at Darating Ang Umaga, base sa latest survey, nakupo na ngayon ng Sana’y Wala Nang Wakas ang number one slot sa primetime teleserye. Timing lang talaga siguro ito dahil sa totoo lang, ako man ay nai-excite na panoorin ito. Gusto ko ngang batiin ang mga director nito na sina Jerome Pobocan at Erik Reyes dahil sa magagandang eksena na ating napapanood.
* * *
Malupit ang deskripsyon ni Carlos Agassi sa bago niyang show sa ABS-CBN, ang Victim (the show replacing Buttercup) na magsisimula na sa Sabado pagkatapos ng Home Along Da Airport. Title pa lang, alam mo kung paano tatakbo ang programa. Ito ay reality based show kung paano mabibiktima ang isang artista o celebrity.

"Walang sasantuhin, lahat pwedeng maging victim," nangingiting sabi ni Carlos.

Ang Victim ay isang dating segment sa ASAP Mania kung saan mga hosts at guests ang nabibiktima. Dahil sa magandang feedback, the management of ABS-CBN thought of putting it into a full-length show.

Weekly ay mayroong special co-host si Carlos na makakatuwang niya sa pambibiktima. Hindi biro ang mag-put up ng ganitong klase ng show dahil kailangang nakaabang ang kamera sa mga lugar kung saan naroon ang kanilang bibiktimahin.

"Yeah, the cameras are everywhere. Kaya kailangan din, on the go ako kasi kailangang ma-witness ko ang mangyayari," sabi ni Carlos.

Ikinwento sa akin ni Carlos ang mga nagiging victims na niya at ako mismo ay tawa nang tawa kung paano nangyari yun. Na-excite ako na mapanood ang pilot episode ng Victim.

"Mahirap ang trabaho ko at ng staff ng show dahil hindi natin kilala kung pikon ba ang isang artista. Pero gano’n talaga. Ang pikon talo. Hahaha!" sabi pa ni Carlos.

Sa party ni Deo Endrinal last week sa Elbow Room sa The Podium ay mayroon nang nabiktima. Na witness ko kung paanong ang isang singer na halos mapikon na sa pinaggagawa sa kanya. Natawa talaga ako. So, as not to preempt sa story, panoorin na lang natin ito sa Sabado.
* * *
Ginastusan ng husto ang re-launch ni Claudine Barretto bilang endorser ng Secosana Ladies Bag na ginanap sa Virgin Café kamakailan. Bukod sa presscon, nagkaroon ng fashion show kung saan ipinakita ang mga Holiday season collection nito. Si Claudine ang naging highlight ng fashion show kung saan ipinakita ang bag na siya mismo ang nag-design.

Nagkaroon din ng tie up between Secosana and Charms & Crystal ni Ms. Joy Lim kung saan may ilang collection na may crystals embellishment. Tiyak na magugustuhan ito ng mga babaeng mahilig sa bag at crystals.

Very impressive ang audio-visual presentation kung saan ipinakita rin how Secosana has evolved. Sa katunayan, kamakailan ay ginawaran pala ito ng Asia-Pacific Excellence Award for Quality. Mayroon na rin silang website kung saan pwedeng magrehistro at mag-comment sa mga produkto ng Secosana. Ang URL ay www.secosana.com.ph. Naka-upload na ang mga bagong pictorial ni Claudine sa nasabing site na pwedeng i-download lalo na ng mga followers ng aktres sa ibang bansa.

Ito ang ikatlong taon ni Claudine bilang endorser ng Secosana Ladies Bag. Obviously, masaya si Claudine bilang endorser ng produkto. Ganito rin ang feelings nina Arlene at Dorothy Secosana, ang mga bigwigs ng kompanya.

"She embodies our product. Okey na okey si Claudine as an endorser," sagot ni Ms. Dorothy.

Nakatakdang magkaroon ng series of mall shows si Claudine ngayong November in line with the Holiday Season collection ng Secosana.
* * *
You can send your comments and reactions at [email protected]

vuukle comment

ASIA-PACIFIC EXCELLENCE AWARD

BAGAY

CLAUDINE

KUNG

SECOSANA

SECOSANA LADIES BAG

SHOW

WALA NANG WAKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with