Chynna, in love kay Cogie ?
November 18, 2003 | 12:00am
Ayaw aminin ni Chynna Ortaleza na naging sila ni Railey Valeroso. Ngayon ay kapareha nito si Richard Gutierrez na gaganap sa papel na JM sa first story ng My 1, 2 Love. Naging close ang magandang aktres kay Railey pero hanggang sa panliligaw lang daw ito at balitang basted ito ng dalaga.
Kung si Chynna ang masusunod, gusto niyang makatagpo ng isang gaya ni Cogie Domingo na matagal na niyang crush. Kung mismong si Cogie ang manligaw sa iyo, sasagutin mo ba siya, tanong namin.
Ngumiti lang si Chynna at feel namin na sasagutin niya ito at type maging nobyo.
Second year na ito ng Communication Arts sa UST pero tumigil muna siya dahil sa rami ng commitment. Pero sakaling magbalik ng pag-aaral ay kukuha muna ito ng cinematography sa UP. Pangarap din pala nitong maging isang magaling na cinematographer dahil mahilig siya sa pag-aaral ng mga anggulo ng mga shots ng isang pelikula.
Tinatapos na ni Chynna ang pelikulang Kuya under Regal Entertainment.
Sa nakaraang pulong ng executive committee ng MMFFP 03 kasama ang mga prodyuser ng mga entries ay napag-alamang dalawang entry na ang tapos ang The Homecoming at Crying Ladies.
Handa na rin ang gagawing parada ng mga Bituin na magiging nationwide uli kung saan idaraos ang unang parada sa San Fernando, Pampanga sa December 18. Sa December 20 ay nasa Cagayan de Oro ang mga artista at ang event sa Cebu ay sa December 22 at samantalang December 24 naman sa Metro Manila.
Ang Awards Night ay gagawin sa December 27 sa Plenary Hall sa PICC na prodyus ni Wilson Tieng.
Malamang na bumuong muli ng Selection Committee na pipili by ranking sa siyam na entries na kinabibilangan ng: Mano Po 2, Gagamboy, The Homecoming, Captain Barbel, Funtastic Man 2, Malikmata, Crying Ladies, Bridal Shower at Filipinas. Sila ang pipili ng pitong pelikula na ilalagay sa playdate ng December 25 at ang dalawang natitira ay mapapanood simula Enero 1. Kung matatandaan, humakot nang husto sa takilya ang pelikula ni Vic Sotto na Lastikman na pahabol lang nang ipalabas.
Inaasahang magiging bongga muli ang festival ngayong taon. Umaasa si Mayor Rey Malonzo, vice-over-all chairman ng MMFFP na sanay kumita ng P400 milyon sa takilya ang mga pelikula.
May nakapagbulong sa akin na ang nagparating daw ng tsismis tungkol kina Robin Padilla at Judy Ann Santos kay Liezl Sicangco sa Australia ay mismong tauhan ni Robin na malapit sa kanya. Sino kaya ito?
Tanong ko naman sa taong nagsabi sa akin ay kung bakit naman niya ito ginawa kay Binoe. Ibig bang sabihin ay mas close siya sa asawa nito?
Ang pinagbubuntunan ng sisi ngayon ng action star ay wala sa kanyang tauhan kundi mga taong mahilig manira at mang-intriga.
Ang sense of loyalty ay mahirap makita sa showbiz. Kung sino pa nga ang inaakala mong tapat sa iyo ay siya pang sisira sa iyo. Kaya mag-ingat na lang sa mga taong nakapaligid sa atin dahil hindi natin alam ang tunay na kulay nila.
Natutuwa ako dahil nagkabalikan na sina Niño Muhlach at ang asawa nitong si Edith. Nangako ang aktor na magbalik lang sa kanya ang mag-ina ay magbabago na siya ng tuluyan. Matupad naman kaya ito?
Sa kabilang banda, sa Hongkong nag-celebrate ng kanyang birthday si Onin kasama ang kanyang mag-ina. Wala nang mahihiling pa sa buhay ngayon ang aktor dahil buo na muli ang kanyang pamilya. "Good boy na ako ngayon at ayaw ko nang sirain ang pagtitiwala sa akin ng aking asawa. Nais ko na ring maging tahimik ang aking buhay," aniya.
Magbabalik-bayan si KC Concepcion ngayong Kapaskuhan para makapiling ang pamilya. Nasa London ito nag-aaral sa kasalukuyan. Ratsada ang komersyal ni KC kahit wala sa bansa at malamang na samantalahin ang pagbabaskasyon habang nasa bansa para muling gumawa ng mga bagong commercial.
Nagpahinga muna ang lady prodyuser sa isang kwarto habang shooting break ng kanyang pelikula kasama ang kanyang dalawang artista.
May relasyon pala si sexy actor at sexy actress na kasama sa kwarto ng produ. Maya-maya ayon sa isang source ay nagsimula nang maglampungan ang dalawa sa pag-aakalang tulog na si lady produ. Pero nakikiramdam lang pala ito kahit nakapikit ang mga mata. Nagtalukbong ang dalawa ng kumot at maya-mayay nagsimula nang umuga ang kama.
Dedma na lang ang produ habang akala ng dalawa ay nahihimbing lang ito sa pagtulog.
Kung si Chynna ang masusunod, gusto niyang makatagpo ng isang gaya ni Cogie Domingo na matagal na niyang crush. Kung mismong si Cogie ang manligaw sa iyo, sasagutin mo ba siya, tanong namin.
Ngumiti lang si Chynna at feel namin na sasagutin niya ito at type maging nobyo.
Second year na ito ng Communication Arts sa UST pero tumigil muna siya dahil sa rami ng commitment. Pero sakaling magbalik ng pag-aaral ay kukuha muna ito ng cinematography sa UP. Pangarap din pala nitong maging isang magaling na cinematographer dahil mahilig siya sa pag-aaral ng mga anggulo ng mga shots ng isang pelikula.
Tinatapos na ni Chynna ang pelikulang Kuya under Regal Entertainment.
Handa na rin ang gagawing parada ng mga Bituin na magiging nationwide uli kung saan idaraos ang unang parada sa San Fernando, Pampanga sa December 18. Sa December 20 ay nasa Cagayan de Oro ang mga artista at ang event sa Cebu ay sa December 22 at samantalang December 24 naman sa Metro Manila.
Ang Awards Night ay gagawin sa December 27 sa Plenary Hall sa PICC na prodyus ni Wilson Tieng.
Malamang na bumuong muli ng Selection Committee na pipili by ranking sa siyam na entries na kinabibilangan ng: Mano Po 2, Gagamboy, The Homecoming, Captain Barbel, Funtastic Man 2, Malikmata, Crying Ladies, Bridal Shower at Filipinas. Sila ang pipili ng pitong pelikula na ilalagay sa playdate ng December 25 at ang dalawang natitira ay mapapanood simula Enero 1. Kung matatandaan, humakot nang husto sa takilya ang pelikula ni Vic Sotto na Lastikman na pahabol lang nang ipalabas.
Inaasahang magiging bongga muli ang festival ngayong taon. Umaasa si Mayor Rey Malonzo, vice-over-all chairman ng MMFFP na sanay kumita ng P400 milyon sa takilya ang mga pelikula.
Tanong ko naman sa taong nagsabi sa akin ay kung bakit naman niya ito ginawa kay Binoe. Ibig bang sabihin ay mas close siya sa asawa nito?
Ang pinagbubuntunan ng sisi ngayon ng action star ay wala sa kanyang tauhan kundi mga taong mahilig manira at mang-intriga.
Ang sense of loyalty ay mahirap makita sa showbiz. Kung sino pa nga ang inaakala mong tapat sa iyo ay siya pang sisira sa iyo. Kaya mag-ingat na lang sa mga taong nakapaligid sa atin dahil hindi natin alam ang tunay na kulay nila.
Sa kabilang banda, sa Hongkong nag-celebrate ng kanyang birthday si Onin kasama ang kanyang mag-ina. Wala nang mahihiling pa sa buhay ngayon ang aktor dahil buo na muli ang kanyang pamilya. "Good boy na ako ngayon at ayaw ko nang sirain ang pagtitiwala sa akin ng aking asawa. Nais ko na ring maging tahimik ang aking buhay," aniya.
May relasyon pala si sexy actor at sexy actress na kasama sa kwarto ng produ. Maya-maya ayon sa isang source ay nagsimula nang maglampungan ang dalawa sa pag-aakalang tulog na si lady produ. Pero nakikiramdam lang pala ito kahit nakapikit ang mga mata. Nagtalukbong ang dalawa ng kumot at maya-mayay nagsimula nang umuga ang kama.
Dedma na lang ang produ habang akala ng dalawa ay nahihimbing lang ito sa pagtulog.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended