Mommy Rose, ayaw nang mag-produce ng pelikulang Pinoy
November 18, 2003 | 12:00am
![](./main/20031118/images/show1.jpg)
Isa ito sa nakakalokang proposisyon na handog ng Rosmont Executive Villa na matatagpuan sa Tarlac City. Rosmont is owned and developed by RALF Realty and Management Corporation na pag-aari ng producer ng FLT Film na si Mommy Rose Flaminiano. Ang ideya na mag-concentrate sa real estate ay dulot ng paghina ng paggawa ng pelikula kundi man ng buong local showbiz industry.
"Hindi rin madali pero, nandito na siguro ang fulfillment ko ngayon. Kung ano ang nakikita nila sa aming mga model homes, yun ang makukuha nila. Sa pamamagitan ng financing term na nagbibigay ng mababang down payment at monthly amortization. Pwede rin nila itong makuha sa pamamagitan ng Pag-ibig fund," anang masayang producer.
Masaya rin siya na nakuha niya para maging endorser at may-ari rin ng mga bahay sa kanyang subdivision ang mga artistang nabanggit sa itaas, sa mga ibat ibang villas na tulad ng Prince Edward, Princess Lizette, Prince Inah at Prince Kevin.
Sa 2004, full swing na si Mommy Rose sa kanyang realty business. Pagkatapos ng Rosmont sa Tarlac City, magdi-develop din siya nito sa Tarlac at Pampanga.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa Tarlac (045)9824117, 9823338; Manila (02) 3711944, 3711945 o sa CP Nos. 0917-3220725.
May natapos na pelikula si Jay sa Regal Films, ang Gagamboy, isang pang-MMFFP entry ng kumpanya ni Mother Lily Monteverde, tulad din ng Mano Po 2.
Si Jay ang nemesis ni Gagamboy na ginagampanan ni Vhong Navarro. Si Jay si Ipisman na magpapahirap ng buhay ni Vhong. Okay kay Jay kung kontrabida man ang kanyang role dito. Ang mas mahalaga ay ang challenge na ibinibigay sa kanya ng role.
"I get to wear a costume. Iba talaga ang image ko sa movie. Maganda yung nag-iiba-iba ang mga roles ko," ani Jay.
May bagong tagline ang kumpanya, ito ang RFM: We Love Kids. Sa pagdaraan ng panahon, walang sawa ang RFM sa paggawa ng pagkain at inumin na gusto ng mga bata at pagi-sponsor ng youth-oriented sports events.
"At RFM, We Love Kids is a commitment to quality in all the products we make available. It is also a commitment to innovate our products in ways that will make children healthier and happier," anang presidente at CEO na si Joey Concepcion na mayroon ding apat na anak.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended