^

PSN Showbiz

Katherine, palaban

-
Dapat ibahin si Katherine Luna (ang bidang babae sa pelikulang Babae Sa Breakwater sa mga bagong saltang hubadera sa pelikulang lokal. Siya kasi ‘yong tipo ng babaeng tahimik pero nasa loob ang kulo at puwedeng magwala at lumaban kapag napuno na!

"Ganyang-ganyan ang karakter ko sa pelikula, ‘yong tipo ng babaeng matapang pero takot sa Diyos!", ani Katherine.

Papel ng isang babaeng nagbebenta ng aliw sa kahabaan ng Roxas Boulevard at umaakyat pa ng barko para magpaligaya sa mga tripulante para lamang mabuhay ang ginagampanan ni Katherine. Hindi maiiwasan ang mga eksenang hubaran. Pero dahil sa magaling mag-motivate si Direk Mario O’Hara ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang baguhang aktres.

"Sabi kasi nila, kung gusto ng isang baguhang sumikat kaagad, pinakamadali ang maghubad. Pero masuwerte pa rin ako dahil sa hindi naman lahat ng eksena ko’y hubaran. Marami akong mga dramang eksena at malaki ang pasalamat ko kay Direk Mario kasi hindi niya ako pinabayaan," dagdag pang sabi ni Katherine.

Pangarap ni Katherine ang maka-graduate sa bold at maging isang dramatic actress tulad nina Jaclyn Jose, Ana Capri at iba pang hinangaan ng mga kritiko dahil sa husay sa drama. Dennis Adobas

vuukle comment

ANA CAPRI

BABAE SA BREAKWATER

DAPAT

DENNIS ADOBAS

DIREK MARIO

JACLYN JOSE

KATHERINE LUNA

MARIO O

PERO

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with