^

PSN Showbiz

Jacky Woo,kinukulit ng gf na Cebuana na bumalik sa Pilipinas

-
Nagsisimula na ang promotion ng pelikulang Siguorin Kiyonski. Ang Japanese actor/producer na si Jacky Woo ang lead actor dito at sinuportahan siya ng mga kilalang artista mula sa bansa nila sa Japan, China at Singapore.

Nasa post production na ito ngayon at nakatakdang ipalabas sa bansang Hapon bago ito i-schedule sa mga Asian countries kung saan nila kinunan ang maraming eksenang kasama sa pelikula. May tema itong horror/comedy and intended for the world market.

Nabalitang nagkaroon ng ugnayan sina Jacky at isang Chinese actress na co-star niya sa nasabing pelikula. Naging very obvious daw ang special attention at pag-aasikadong ginawa ni Jacky sa artistang Tsina. Inaasahan na ng kanilang mga kasamahan na magkakatuluyan ang dalawa, even after their movie is shown.

Pero ano na naman itong nababalitaan naming very eager nang magbalik si Jacky sa Pilipinas? Diumano’y ayaw daw tantanan ang mabait na aktor ng kanyang Cebuana girlfriend. Panay daw ang tawag nito sa cellphone at pilit na pinababalik ang aktor, for whatever reason. Hindi naman kaya buntis ang girl at gusto nitong bago pa mahalata, magpakasal na sila ni Jacky?

Anyway, isa pang dahilan ng pagmamadaling makabalik ni Jacky ay ang offer for him to do a soap opera. Magkasosyo rito ang isang Pinoy at Japanese producer. Tailor-made ang role ni Jacky at excited siya to do a series on television dahil alam niyang this is the current trend in the local entertainment.

ANG JAPANESE

CEBUANA

DIUMANO

HAPON

INAASAHAN

JACKY

JACKY WOO

MAGKASOSYO

NABALITANG

SIGUORIN KIYONSKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with