^

PSN Showbiz

"Jericho is not may boyfriend.He never was. " - Cindy Kurleto

RATED A - Aster Amoyo -
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap nang masinsinan ang bagong MTV at isa sa mga lady hosts ng MTB na si Cindy Kurleto nang minsan itong magawi sa aming tanggapan sa may Ortigas Center kasama ang kanyang manager na si Cesar Buendia.

Personal na pinabulaanan ni Cindy na nagkaroon sila ng relasyon ni Jericho Rosales.

Nagsimula ang tsismis sa kanila ng aktor nang magkasama sila sa pelikulang Ngayong Nandito Ka na tinampukan din ni Kristine Hermosa.

Ayon kay Cindy, nung simula ay tinatawanan lamang niya ang mga naglalabasang balita pero nung katagalan na ay hindi na umano siya natutuwa dahil hindi na mamatay-matay ang tsismis sa kanila ni Jericho.

"There’s nothing to admit because Jericho is not my boyfriend and he never was my boyfriend," diin ni Cindy.

"At the time when we were promoting the movie, I thought it was just for the movie but months after the movie was shown, the rumor was still persisting and people would let me appear as though I snatched Jericho from Kristine. I never did," patuloy pa ni Cindy.

Ang totoo niyan, walang boyfriend si Cindy although inamin niya sa amin na meron siyang special male friend sa Vienna.

Ang tunay na pangalan ni Cindy ay Cynthia Christina Verdillo Kurleto. Filipina ang kanyang ina at Austrian naman ang kanyang ama. Sa Vienna bale ipinanganak at lumaki si Cindy pero hindi niya ikinakaila na hindi naging masaya ang kanyang childhood sa Vienna dahil umano sa discrimination kaya nang matapos niya ang kanyang kurso ng HRM sa Modul, isa sa best HRM school sa buong mundo, minabuti niyang magtungo sa Pilipinas para mapag-aralan ang kultura at roots ng kanyang ina.

Kung tutuusin, dapat mga three to six months lamang sana siya nagbabakasyon dito pero nagkaroon ng mga pagbabago sa takbo ng kanyang buhay nang mapasok siya ng showbiz.

Back in Vienna, naging Miss Philippines-Vienna siya pero wala siyang ibang beauty contest na sinalihan although malaki sana ang kanyang chance kung siya ay nagpursige.

Pagkatapos ng pelikulang Ngayong Nandito Ka sa bakuran ng Star Cinema, si Cindy ay pumirma ng three-picture contract with Viva Films. Nakatakda niyang simulan ang Dyesebel a as her launching flick sa buwan ng Enero sa susunod na taon na malamang idirek ni Chito Roño.

Sa kabila ng kanyang pagiging laki sa ibang bansa, simple lamang si Cindy. Hindi ito mahilig sa gimmick. Kapag libre rin lamang ang kanyang schedule ay sa bahay niya ito naglalagi. Nagpipinta rin siya at mahilig magsulat ng script. Sa showbiz, pinaka-close sa kanya sina Aubrey Miles at Mickey Ferriols na pareho niyang mga kasamahan sa MTB.

Dahil mag-isang anak lamang si Cindy, naging very close siya sa kanyang mga pinsan sa mother side sa Bicol. Since narito sa Maynila ang kanyang trabaho, nagrirenta siya ngayon ng bahay pero plano na niyang bumili ng sarili niyang condo unit.

Nung September 2001 dumating ng Pilipinas si Cindy. Ang dapat tatlo hanggang anim na buwang bakasyon ay tumagal nang tumagal hanggang sa magdesisyon siyang dito na rin maninirahan.

Ang pinanghihinayangan lamang ni Cindy, wala na ang kanyang mahal na ina para sana masaksihan ang kanyang tagumpay sa showbiz.
* * *
Hindi ikinakaila ni Rica Peralejo na ayaw na ayaw niya kay Bernard Palanca sa simula dahil ang buong akala niya ay bad boy ito dahil sa rami ng tattoo sa katawan. Pero nakuha umano siya nito sa tiyaga. Para lalong mapalapit sa kanya, naging malapit si BJ (palayaw ni Bernard) sa pamilya ni Rica na malaking factor para tuluyan na ring mapaibig ang dalaga.

Bukod umano sa pagiging matiyaga, napaka-thoughtful pa ni BJ.

Si Bernard ang pinakamatagal na naging boyfriend ni Rica, magta-tatlong taon na sila sa darating na Marso.

May mga kumalat na balita na nagli-live-in na sila ni BJ bagay na agad namang pinabulaanan ni Rica.

"Actually, ganoon nga ang iisipin sa amin ng tao dahil parating nasa bahay namin si BJ. Kapag wala rin lang siyang trabaho, asahan mo na nasa bahay namin siya. Mahal din si BJ ng pamily ako kaya para na rin niyang pamilya ang family ko," kwento ni Rica.

Kapag nagkakatampuhan sina Rica at BJ, ang huli ang umiiyak at hindi si Rica. Aminado ang bituin ng horror movie na Malikmata na lalo umanong napamahal sa kanya si BJ dahil sa pagiging mapagpamahal, honest at responsible nito.

AUBREY MILES

BERNARD PALANCA

CESAR BUENDIA

CINDY

KANYANG

KAPAG

NGAYONG NANDITO KA

RICA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with