^

PSN Showbiz

Tapos na ang bahay nina Alex sa Italya pero binabayaran pa nila ito!

- Veronica R. Samio -
Hangga’t di niya natatapos bayaran ang bahay nila sa Italya ay hindi pa magkakaroon ng sarili niyang bahay dito si Alessandra de Rossi. "Ako kasi ang nag-take over ng gastos dito nang bitawan ni Assunta. Dati apat-apat kaming nagtutulong sa gastos nito. Tapos na ang bahay pero di pa tapos ang pagbabayad," pagtatanggol niya.

"Mga lokal na aso lang sila pero, talagang di ko maisip ang buhay ko na wala sila. Feeling ko nga, sila ang nagbabantay sa akin," ani Alex na bukod sa mga aso niya ay kasamang naninirahan sa kanyang apartment ang kanyang lola at isang yaya.

"Nagtitipid ako dahil nag-iipon ako. Gusto ko kasing pumasok sa isang racing school. Medyo mahal ito kaya kailangang paghandaan."

Siya na rin ang nagda-drive sa sarili niya. Okay lang ito kung maliit ang kotse niya. Ang kaso napaka-laki ng Expedition na minamaneho niya. "Nasasanay na rin ako kaya parang walang anuman na lang kung i-drive ko ito," sabi niya.

Nakatapos na si Alex ng pelikula niya kay Gil Portes, ang Homecoming, isang entry sa MMFFP. "Palagay ko mas maganda ito kaysa Munting Tinig. Napanood ko ang rushes at pati ako nagalingan sa aking sarili," pagmamalaki niya.

Ang Homecoming ay tungkol sa sakit na
SARS, kung paano ginulo at binago nito ang buhay ng isang babae na nagtrabaho nang matagal sa Canada para mapaganda ang buhay. At ang pagbabagong naidulot sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya ng nakakatakot na sakit na kasama niyang umuwi ng bansa.
* * *
Nakakabahala, lalo na sa aming trabaho ay tungkol sa local entertainment, dahil 62 lamang ang pelikula na ipinalabas sa taong ito. At kasama na rito ang siyam na pelikula pang kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines. Dati-rati, mga 150 hanggang 200 pelikula ang ginagawa taon-taon.

Hindi na nakapagtataka kung ang ginagastusan na lamang na pelikula ngayon ay ang mga pelikulang pang-festival. Gumawa man ng pelikula sa labas ng taunang pistahan ng pelikula, lahat ng pagtitipid ay ginagawa dahil di naman sigurado ang mga produ na magiging profitable ang kanilang venture.

Pero, tila walang ganitong problema ang
ATB-4. Patuloy pa rin sila sa kanilang quiet at humble way of producing modestly-budgeted films. Nakakalimang movies na sila this year (Balat-Sibuyas, Tumitibok, Kumikirot; Motel, Pilya at Ako, Siya O Ikaw? na palabas na sa Nob. 26), pwera pa yung pang-anim, ang Puri na sa 2004 pa ipalalabas.

May mga tips si direktor
Arman Reyes para mabawi ang puhunan sa pelikula. Huwag nang hihigit pa sa P3M ang budget. Tataas pa rito ay mahirap nang bawiin. Kailangan lamang ang kakaibang storylines na ang setting ay yung kakayanin ng budget, mga artistang di mataas sumingil pero mahuhusay din naman, time management para walang aksaya sa panahon sa pre at post prod, shooting, promo, marketing at showing ng pelikula.

Hindi mamamatay ang pelikula hangga’t may mga makikinig sa mga payong ito ng isang director na 27 taon na sa pelikula.
* * *
Malakas yung impact na ginawa ng bagong movie outfit na Entertainment Warehouse, Inc. sa pagpapakilala na ginawa nila sa kanilang bagong movie outfit at sa artista na ilulunsad nila sa kanilang maiden venture na pinamagatang Babae sa Breakwater.

Ang kanilang unang presscon ay ginawa nila dun mismo sa Roxas Blvd, sa isang restaurant na matatagpuan dun mismo sa breakwater, na kung saan naganap ang istorya ng pelikula.

Ang mga producers na sina Edgar at Arlene Aguas ay naniniwala na may pag-asa pa rin ang local movie industry. "Kailangan lamang ng diversity for it to survive. Pero, kinakailangan ng Filipino audience ng mapagpipilian. Ito ang kailangang matugunan ng mga prducer, sila man ay kabilang sa mga major outfit o yung mga independent film company na tulad namin," ani Gng. Aguas.

Labinlimang milyong piso ang naging budget ng Babae sa Breakwater na maglulunsad kina Katherine Luna at Kristoffer King kasama sina Amy Austria, Gardo Versoza, Daniel Fernando, Dick Israel, Rez Cortez, Odette Khan, Lou Veloso, Yoyoy Villame, Ian Valdez at Julia Taylor. Direksyon ni Mario O’Hara.

ALEX

AMY AUSTRIA

ARLENE AGUAS

ARMAN REYES

DANIEL FERNANDO

DATI

NIYA

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with