P50 thou alok kay Yamani para kumanta ng 2 gabi para sa isang lalaki
November 14, 2003 | 12:00am
Maraming mga gigs ang tinanggihan ni Yamani dahil sa kanyang dalawang gabing major concert sa CCP sa Nob. 23, Linggo, at Dis. 2, Martes. Ang hindi niya mapapabayaan ay ang kanyang regular stint sa Calesa Bar ng Hyatt Regency at Richmonde Hotel.
Pinamagatang I Am Woman...Yamani @ the CCP, sasamahan siya sa concert nina Calvin Millado, Gladys Guevarra, Whiplash Dancers at Verni Varga. Si Ms. Irma Adlawan Marasigan ang stage director at si Beth Martin ang musical director.
Sa concert, iparirinig ni Yamani ang mga awitin na madalas hilingin sa kanya ng mga pumupunta sa kanyang mga gigs. Mga 20-plus songs ang bubuo ng kanyang repertoire. At pati na ang kantang "Spaghetti" ay pag-aaralan niya dahil sa napag-alaman niya na maraming may gusto nito.
Nasa pangangalaga ngayon si Yamani ng Backroom ni Boy Abunda. "Magaling siya, disente at very professional. I know hindi niya ako ibubugaw," sabi pa niya tungkol sa kanyang manager.
Nineteen ninety five pa naririto si Yamani. Buhat siya ng Canada at pumunta lamang dito para magbakasyon at i-try ang kanyang swerte sa showbiz. Hindi na siya umalis. "Umuuwi rin ako ng Canada pero sandali lang. Nami-miss ko agad ang Pilipinas," amin niya.
Sa kanyang gulang na 24, nakakaisang boyfriend pa lamang si Yamani. "Napaka-higpit kasi ng mother ko," sabi niya. Talagang magdaraan sa ibabaw ng bangkay ng kanyang ina ang sinumang lalaki na manliligaw sa kanya.
Kaya nakapagtatakang kung paanong mayroon at mayroon pa ring lalaki na nakakalusot sa kordon nito. Gaya ng isang negosyante na inalok siya ng P50 thousand para kantahin lamang ang kanta nito sa loob ng dalawang gabi. "Nainsulto ako. Siguro kung sa ibang paraan niya ginawa ang request na kantahin ko ang mga songs niya, baka pumayag pa ako. Pero, yung lagyan niya ng amount, nainsulto talaga ako.
"Iba na talaga ang panahon ngayon, hindi na nahihiya ang mga lalaki na manligaw, maski na yung mga may-asawa na. At ikinukwento pa nila ang talagang kalagayan nila sa buhay na para bang kapag pumatol ka sa kanila, ikaw na ang may kasalanan," ani Yamani.
Michelle Tan sa tunay na buhay, ang Yamani ay ibinigay sa kanya ng kanyang ina na ang ibig sabihin ay "Yaman ni Mommy".
May bago na namang pelikula si Direktor Arman Reyes na dati ay kabarkada ko lamang, nung mga wala pa kaming kita, kaya nga ang tawag sa aming grupo ay "sawaki" (samahang walang kita). Ito ang Ako, Siya o Ikaw ng ATB4 Films Inc. na nagtatampok kina Rose Valencia, Jeannette Joaquin, Trina Shields, Ilonah Marquez, Mon Confiado at marami pa.
"Nagpapasalamat ako na di naman ako nawawalan ng trabaho. Parang ngayon na ang golden years ko sa pelikula. Mula nung Marso lamang, nakakaapat na pelikula na ako sa ATB4 na pawang matagumpay naman sa takilya," ani Direk Arman.
"Basta kami ng writer at producer ko, wala kaming ilusyong makapag-casting at makapag-shoot sa mga mansyon o matataas na skycrapers. Mga kakaibang kwento ng mga tao yun ang pinagkakaabalahan naming alamin at ilahad sa aming mga pelikula," dagdag pa ni direk.
Ang Ako, Siya o Ikaw? ay tatlong kakaibang relasyon na makaka-identify ang mga manonood. Yung love triangle nina Rose Valencia, Jek Monteclaro at Ilonah Marquez, yung kay Trina Shields at sa pabling niyang bf (Nixon Cruz) at yung kay Jeannette Joaquin at ang bakla niyang asawa (Mon Confiado).
Handa na ang lahat para sa pasiklab ng taon, ang MTV Music Summit for AIDS. Si Mandy Moore ang mangunguna sa pagpapahiwatig nitong napaka-halagang mensahe sa gaganaping konsyerto sa Biyernes, Nob. 21, sa Fort Bonifacio Global City.
Mamimigay ang Frenzy party condoms ng mga libreng imbitasyon sa mga mapapalad na taong nabibilang sa Frenzy Circle.
Namayapa na rin ang naiwang bahagi ng duetong Reycards na si Carding Castro, isang ABS-CBN talent na kasalukuyang gumagawa ng isang show sa LA nang magkaroon ng atake sa puso. Isang linggo itong comatose sa ospital bago ito binawian ng buhay, 6:00 n.u.LA time, kahapon, Nob. 13. sa gulang na 68. Agad itong na-cremate at inilagak ang abo sa Las Vegas na kung saan ay nakalibing ang kanyang dating kaparehang si Rey Ramirez na namatay nung 1997.
Pinamagatang I Am Woman...Yamani @ the CCP, sasamahan siya sa concert nina Calvin Millado, Gladys Guevarra, Whiplash Dancers at Verni Varga. Si Ms. Irma Adlawan Marasigan ang stage director at si Beth Martin ang musical director.
Sa concert, iparirinig ni Yamani ang mga awitin na madalas hilingin sa kanya ng mga pumupunta sa kanyang mga gigs. Mga 20-plus songs ang bubuo ng kanyang repertoire. At pati na ang kantang "Spaghetti" ay pag-aaralan niya dahil sa napag-alaman niya na maraming may gusto nito.
Nasa pangangalaga ngayon si Yamani ng Backroom ni Boy Abunda. "Magaling siya, disente at very professional. I know hindi niya ako ibubugaw," sabi pa niya tungkol sa kanyang manager.
Nineteen ninety five pa naririto si Yamani. Buhat siya ng Canada at pumunta lamang dito para magbakasyon at i-try ang kanyang swerte sa showbiz. Hindi na siya umalis. "Umuuwi rin ako ng Canada pero sandali lang. Nami-miss ko agad ang Pilipinas," amin niya.
Sa kanyang gulang na 24, nakakaisang boyfriend pa lamang si Yamani. "Napaka-higpit kasi ng mother ko," sabi niya. Talagang magdaraan sa ibabaw ng bangkay ng kanyang ina ang sinumang lalaki na manliligaw sa kanya.
Kaya nakapagtatakang kung paanong mayroon at mayroon pa ring lalaki na nakakalusot sa kordon nito. Gaya ng isang negosyante na inalok siya ng P50 thousand para kantahin lamang ang kanta nito sa loob ng dalawang gabi. "Nainsulto ako. Siguro kung sa ibang paraan niya ginawa ang request na kantahin ko ang mga songs niya, baka pumayag pa ako. Pero, yung lagyan niya ng amount, nainsulto talaga ako.
"Iba na talaga ang panahon ngayon, hindi na nahihiya ang mga lalaki na manligaw, maski na yung mga may-asawa na. At ikinukwento pa nila ang talagang kalagayan nila sa buhay na para bang kapag pumatol ka sa kanila, ikaw na ang may kasalanan," ani Yamani.
Michelle Tan sa tunay na buhay, ang Yamani ay ibinigay sa kanya ng kanyang ina na ang ibig sabihin ay "Yaman ni Mommy".
"Nagpapasalamat ako na di naman ako nawawalan ng trabaho. Parang ngayon na ang golden years ko sa pelikula. Mula nung Marso lamang, nakakaapat na pelikula na ako sa ATB4 na pawang matagumpay naman sa takilya," ani Direk Arman.
"Basta kami ng writer at producer ko, wala kaming ilusyong makapag-casting at makapag-shoot sa mga mansyon o matataas na skycrapers. Mga kakaibang kwento ng mga tao yun ang pinagkakaabalahan naming alamin at ilahad sa aming mga pelikula," dagdag pa ni direk.
Ang Ako, Siya o Ikaw? ay tatlong kakaibang relasyon na makaka-identify ang mga manonood. Yung love triangle nina Rose Valencia, Jek Monteclaro at Ilonah Marquez, yung kay Trina Shields at sa pabling niyang bf (Nixon Cruz) at yung kay Jeannette Joaquin at ang bakla niyang asawa (Mon Confiado).
Mamimigay ang Frenzy party condoms ng mga libreng imbitasyon sa mga mapapalad na taong nabibilang sa Frenzy Circle.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am