^

PSN Showbiz

Rufa Mae, dadalhin ni Hatfield sa US

SUNTOK S BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Balitang aalis ngayong Nobyembre si Rufa Mae Quinto kasama ang nobyong si Rudy Hatfield patungong Michigan sa Amerika. Ipakikilala na raw ang actress ng nobyo sa kanyang ina. Na-meet na ng magandang aktres ang mga kapatid at stepdad ng nobyo at boto naman sila kay Rufa.

Gusto na ni Rudy na magpakasal sila ng aktres kaya lang urung-sulong pa rin ang komedyante dahil sa ganda ng career nito ay baka hindi niya maiiwan ang showbiz.
Sweet Na Naman Sina Angelika At Jericho
Kilig na kilig ang mga fans sa first taping day ng Sana’y Wala Nang Wakas sa Sangandaan Railroad station kung saan muling nagkapareha sina Angelika dela Cruz at Jericho Rosales. May pagka-kikay ang dating ng role ni Angelika sa SWNW na ala-Julia Roberts sa Pretty Woman na magkakaroon ng kaugnayan sa mayamang si Echo sa soap opera.

Maganda ang magiging twist ng istorya na ang magiging leading lady ni Echo ay si Angel habang si Diether Ocampo na ang kapareha ni Kristine Hermosa.

Maraming nakapuna na sweet na sweet na naman sina Echo at Angel at maraming humuhula na magkakabalikan sila. Gaya nga ng kasabihang "love is lovelier the second time around". First love pa nila ang isa’t isa. First love never dies, di ba?

Naipalabas na ang pagtatagpo ng dalawa sa teleserye at batay sa isang insider ay biglang tumaas ang rating ng soap opera sa first day na magkasama sina Echo at Angel. Pagpapatunay lang na talagang maraming following ang dalawa na umaasa na sana’y hindi lang sa Sana’y Wala Nang Wakas sila magkakapareha kundi gayundin sa pelikula.

Ano ang masasabi ng aktres sa magandang pagtanggap sa kanya ng Dos?

"Natutuwa po ako sa aking pagbabalik-Dos at mainit nila akong tinanggap. Makakasama kong muli ang aking mga kaibigan na-miss ko rin sila. Kung kukunin ako para maging regular host ng ASAPMania ay ituturing ko itong malaking karangalan dahil maipapamalas ko na may kakayahan din ako sa pag-awit at pagsayaw. Of course makakasama ko rin si Direk Johnny Manahan.

"Sa kabilang banda, nagpapasalamat din ako sa Siyete sa magandang suportang ibinigay nila sa akin. Huwag sanang bigyan ng iba ng malisya ang pagbabalik-Dos ko dahil I need to develop interpersonal relationship sa iba’t ibang taong nakakatrabaho ko sa iba’t ibang network," aniya.
Mganda Ang Karma
Patuloy ang swerte ni Allen Dizon kahit may asawa na ito. Hindi ito nababakante sa paggawa ng pelikula na ang latest ay Sex Scandal ng Sacramento Films.

Maganda kasi ang karma nito dahil naging mabuti itong anak at kapatid. Katunayan ay naipagpatayo na niya ng sariling bahay ang pamilya at pinag-aaral pa ang dalawang kapatid. Tumutulong pa rin ito hanggang ngayon sa pangangailangan ng pamilya.

Tapos si Allen ng Hotel & Restaurant Management sa De Ocampo Memorial College kaya may fall back sakaling hindi na aktibo sa showbiz.

Malaki ang inunlad ni Allen sa pag-arte na kitang-kita sa Sex Scandal na halos umikot sa kanya ang istorya bilang pornographer.

Nagseselos ba ang kanyang asawa kapag may maiinit siyang eksena? "Naku’ hindi siya selosa. Five years kaming magnobyo bago tuluyang lumagay sa tahimik kaya naiintindihan niya ang aking trabaho," anang aktor.
Katya, Ayaw Nang Iparetoke Ang Puwet
Ayaw na palang iparetoke ni Katya Santos ang kanyang puwet. Plano sana niyang padagdagan ito ng laman para maging matambok. Napag-alaman niya na baka magkaroon ito ng side effect someday kung saan baka magkaroon ito ng bukol-bukol.

Kung matatandaan, nang magparetoke din ng dibdib si Angela Velez noon ay nagkaroon ng bilug-bilog na parang munggo ang kanyang boobs. Natakot itong baka magkaroon ng cancer kaya ipinatanggal din niya ang ininiksyung bagay sa dibdib.
Personal Choice Ni Direk
Maganda at matangkad ang mestisang sexy star na bida ng pelikulang Ang Babae sa Breakwater. Halos pitong taong hinanap ni Direk Mario O’Hara ang magiging bida ng project na ito.

Kaya nang una niyang makita si Katherine mula sa kalipunan ng mga babaeng nag-audition sa Entertainment Warehouse ay di siya nagdalawang isip na tanggapin ito. Mula sa pangalang Barbie Malonzo ay pinalitan ang pangalan nito ng Katherine Luna na ang apelyido ay nangangahulugan ng buwan.

Nag-aaral si Katherine sa Dasmariñas National High School sa Cavite pero huminto na ito dahil hindi na kaya ng kanyang pamilya na tustusan ang pag-aaral. Ang kahirapan sa buhay ang nagbunsod para pasukin nito ang pag-aartista.

Maswerte ang sexy actress dahil maganda ang istorya at magaling ang direktor kahit may maiinit na eksena sa movie. Inamin ni Katherine na marami sIyang breast exposure sa Ang Babae sa Breakwater.

ALLEN DIZON

ANG BABAE

ANGELA VELEZ

CENTER

MAGANDA

SEX SCANDAL

WALA NANG WAKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with