Dennis/Marjorie sa Bida...
November 10, 2003 | 12:00am
"Bidang-bida ang kapamilya" ang tema ngayong buwan ng first anniversary ng Bida si Mister, Bida si Misis. Dahil dito, ang masayang magkapamilyang sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto ang guest nina Maricel Soriano at Cesar Montano sa episode ng top-rating na sitcom ng ABS-CBN ngayong Martes, November 11.
Sa pagbubukas ng nakakatuwang episode na ito, mayroong bagong-lipat na mag-asawa sa bakanteng townhouse sa tabi ng bahay nina Mary (Maricel Soriano) at Buboy (Cesar Montano) sina Marj (Marjorie Barretto) at Dencio (Dennis Padilla). Dahil laging nag-aaway ang dalawang bago nilang kapitbahay, laging lumalabas na referee nina Marj at Dencio ang mag-asawang Magtanggol, at dahil ditoy nakagaanan nila ng loob sina Marj at Dencio.
Pero sa dalas na rin na nahihingahan ng sama ng loob ni Marj si Mary at Dencio si Buboy, nahahawa na rin ang mag-asawang Magtanggol sa pagiging pala-away ng kanilang bagong kapitbahay. Nang lumaon, pati ang mga mababaw na bagay ay pinagge-giyerahan nina Mary at Buboy. Mapigilan pa kaya sila bago maging huli ang lahat?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended