Zsazsa, pipi sa kasal nila ni Dolphy
November 10, 2003 | 12:00am
Ayaw pa ring magkomento ni Zsazsa Padilla tungkol sa kinahihinatnan ng kanyang napabalitang pagkawalang bisa ng kanyang kasal sa dating asawa. Totoo ang balitang nag-apela ang kanyang dating asawa kaya nag-submit din sila ng kontra-apela at ayon sa kanya, bawal pa itong pag-usapan habang naka-pending ang kaso.
Inamin ng aktres na totoo ang balitang pinawalang bisa ang kanyang kasal dahil iyon ang naging desisyon ng korte pero ang naging problema ay may umapela. Pero umaasa pa rin siya at ipinagdarasal nito na sana ay maibigay sa kanya ang karapat-dapat na kalayaan.
Abala ngayon ang aktres sa shooting ng Mano Po 2 at nagpahayag ito na wala siyang pagsisisi kung sa kanya napunta ang role ng second wife ni Christopher de Leon.
Nakausap niya si Dina Bonnevie at alam nito ang dahilan kung bakit inayawan ng aktres ang role na kanyang ginagampanan ngayon. Hindi raw ito kapani-paniwalang pure Chinese lady dahil morena siya. "Nagkaroon lang tayo ng misconception dito dahil noong nasa Shanghai kami, sa isang park, kami lang ni Carmina (Villaroel) ang maputi. Siguro kaya di gaanong kaputian iyong mga nakita naming mga Intsik na babae ay dahil mga farm worker sila at bilad sa araw."
Napag-alaman namin kay Direk Matti na isa sa may pinakamagaling na pagganap ay si Zsazsa at malamang na magkakamit siya ng acting award. Ito ang dahilan kung bakit inspiradong magtrabaho ang aktres at halatang lalo nitong pinagbubuti ang kanyang papel bilang pangalawang asawa ni Christopher de Leon sa pelikula. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended