^

PSN Showbiz

Kasal nina Hans at Maritoni, di muna tuloy

RATED A - Aster Amoyo -
Nakakalungkot naman ang balita na hindi na ni-renew ng GMA ang kontrata ng award winning program na The Probe Team na pinangungunahan ni Che Che Lazaro.

Kahit sa Enero 2004 pa magtatapos ang kontrata ng programa, hanggang November 25 na lamang umano ito mapapanood. Ang nakakapanghinayang lang, 16 na taon tumagal sa GMA ang The Probe Team at nakapagbigay ang programa ng karagdagang prestige sa istasyon.

May mga nagsasabi na may kinalaman umano ang report ng The Probe Team tungkol sa kanilang lifestyle check sa PAGCOR chairman na si G. Efraim Genuino na si Bernadette Sembrano ang nag-research.

Kung hanggang November 25 na lamang ang The Probe Team sa GMA, natitiyak namin na hindi magpapabaya ang ABS-CBN na kunin ang long-running at award-winning program ni Che Che. Magiging malaking kawalan sa GMA ang The Probe Team.
* * *
Proud si Ara Mina sa kanyang ginagampanang role sa MMFF entry ng OctoArts at M-Zet Films, ang Fantastik Man na pinagtatambalan nila sa kauna-unahang pagkakataon ni Vic Sotto mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes.

Dual role si Ara sa pelikula bilang si Helen, ang librarian na kasintahan ni Fredo (Vic) at bilang si Diabolika, ang mortal na kaaway ni Fantastik Man.

Alam ba ninyo na si Michael V. (na co-writer at co-star sa pelikula) ang nag-design ng costume ni Ara? Sa totoo lang, gandang-ganda kami sa Diabolika costume ni Ara nang minsan kaming dumalaw sa set ng Fantastik Man. Maganda nga siyang tingnan pero dusa naman si Ara dahil hirap siyang isuot ito lalung-lalo na sa kanyang make-up na apat na oras ginugol. Pero ang nakakatuwa kay Ara, wala itong reklamo at enjoy pa siya sa kanyang Diabolika costume.

"Bihira akong makagawa ng pelikula na pwedeng panoorin ng mga bata at ng buong pamilya," pagmamalaki pa ni Ara.

Still on Ara, hindi nito ikinakaila na maging siya man ay nahihiwagaan kay Vic although hindi niya ikinakaila na malakas umano ang appeal nito sa babae.

Paano kung ligawan siya ni Vic?

"Ano ba ’yan? Hindi pwede. Ang alam ko, may girlfriend na siya," ani Ara.

"Basta, mabait at ma-appeal si Vic," dagdag pa niya.

Since kilala rin si Vic sa pagiging chickboy, palagpasin kaya niya si Ara?

o0o

Tulad ng kanyang mommy (Zsazsa Padilla), pinasok na rin ni Karylle ang pag-arte, via Mano Po 2 (her first) at mag-ina ang kanilang role ni Zsazsa.

Natutuwa rin si Zsazsa na sa kauna-unahang pagkakataon ay magkasama sila ng kanyang anak (sa unang asawa) na si Karylle sa pelikula.

Samantala, tila maaantala ang planong pagpapakasal ni Zsazsa at ang comedy king na si Dophy dahil nagkaroon umano ng technical problem ang approval ng annulment ng kanyang (Zsazsa) kasal sa una niyang mister na si Dr. Modesto Tatlonghari. Sa halip na mangyari ito sa buwan ng Disyembre, malamang na maurong ito sa isang taon.
* * *
Talagang all-out ang suporta na ibinigay ng Viva sa kanilang bagong princess na si Sarah Geronimo na produkto ng Star For A Night.

Bukod sa recording, may dalawa itong ginagawang pelikula ngayon-ang Kapten Barbel at Filipinas na parehong entry sa darating na Metro Manila Film Festival.

Sana, hindi matulad si Sarah sa ibang stars na kapag naging sikat nang husto ay nagbabago na ng ugali.

Tulad nina Nora Aunor at Regine Velasquez, si Sarah ay nagmula rin sa mahirap na pamilya.
* * *
Hindi namin alam ang naging dahilan kung bakit lumayas si Maui Taylor sa Viva Films na siyang gumawa sa kanya. Pero anuman ang dahilan, hindi dapat kalimutan ni Maui na ang Viva ang gumawa at sumugal sa kanya noong nag-uumpisa pa lang siya.

Ngayong wala na sa bakuran ng Viva si Maui, ma-sustain kaya niya ang kanyang kasikatan?

Ayaw naming maniwala na lumaki na rin ang ulo ni Maui.
* * *
Dapat sana’y sa London unang planong magpakasal ang magkasintahang Maritoni Fernandez at Hans Montenegro pero nagdesisyon ang dalawa na dito na lamang sa Pilipinas sa buwan ng Disyembre sa susunod na taon.

Parehong nagmula sina Maritoni at Hans sa isang failed marriage-si Maritoni sa kanyang non-showbiz ex-husband kung kanino siya may isang anak na babae-si Alexi at si Hans naman sa isang beauty queen na naka-base na ngayon sa Amerika. May isa rin silang anak na babae.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ARA

CENTER

DIABOLIKA

FANTASTIK MAN

KANYANG

PROBE TEAM

ZSAZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with