Gabby, hataw sa pagkanta sa Amerika
November 10, 2003 | 12:00am
Ipinakilala sa akin ng isang malapit na kaibigan ang isang magandang balikbayang teener na si Natalie Joy de Leon na gustong pumasok sa showbiz. Nalaman ko na ang kanyang mommy na si Joan na matagal na ring naninirahan sa San Jose, California ay mahilig sa showbiz at paborito nito si Gabby Concepcion.
Nagpoprodyus din si Joan ng concert at tatlong beses na niyang kinuha si Gabby para sa concert para sa Filipino community doon. Sabi nga ni Natalie na close din sa actor, talagang nahasa na sa pag-awit ang actor. Sabi ko naman kay Natalie ay hindi naman kagandahan ang boses nito noong nasa Pilipinas pa. "Tita, ang galing-galing niyang kumanta kaya maraming nanonood sa kanya roon at magaling din siyang mag-host bukod pa sa pag-awit," anang balikbayan.
Wala pa rin daw balak magbalikbayan ang aktor pero ayon sa aking kausap ay proud na proud ito sa kanyang anak na si KC Concepcion.
Puno ang Music Museum sa concert na Sexy in the City ni Aubrey Miles last Friday na pinanood ko sa paanyaya ng prodyuser na si Ruben at Nacy. Hindi nakakapagtaka kung bakit naging recording artist ang seksing singer. Napakahusay pala nitong kumanta at hindi nagbabago ang voice quality hanggang matapos ang concert.
Bukod sa galing umawit ay maasahan din ito sa pagsasayaw. Malamang na sa tagumpay ng concert ni Aubrey ay magkasunud-sunod na ang kanyang mga shows. Huwag lang sana siyang magpakabaliw sa pag-ibig dahil may potensyal siya di lang sa pag-awit kundi gayundin sa pagganap.
Balik-uli sa seksing pangangatawan si Priscilla Almeda na kasama rin sa concert na Sexy in The City. Akala moy hindi ito nanganak at mapagkakamalang dalaga. Hataw din ito sa pagkanta at pagsayaw at pwede ring magdala ng solo concert.
Nagwo-work-out si Priscilla at nagda-diet bilang paghahanda sa paglabas muli sa stageplay na pinamagatang Butterflies Are Free na mapapanood this December.
Namimili na siya ng tamang proyekto ngayon at ayaw nang maghubad dahil sa anak na babae. Ang bentahe ni Priscilla ay marunong itong kumanta kaya hindi nababakante sa mga out-of-town shows gayundin sa abroad habang wala pang movie offer.
Nagbago na pala ng pangalan si Everly Locsin, dating contract star ng MMG Films noon. Ngayon ay si Danna Garcia na ito. Si Danna ay anak ni Virgilio Santos na isang stage director.
Palaban na rin ito sa mga maiinit na eksena sa Sex Scandal bilang isa sa mga bidang babae.
Hindi pa rin niya malimutan ang naipong P800,000 mula sa kinita sa showbiz na ininvest sa MMG Holdings pero nagsara na kaya nauwi sa wala ang pinagpagurang pera. Kaya ngayon ay magsisimula na naman siyang mag-ipon at swerte naman dahil gumaganda ang kanyang career.
Role ng isang local beauty queen na nabiktima ng kanyang boyfriend si Allen Dizon na isang pornographer na ang propesyon ay nauukol sa VCD sex trading o prostitusyon ang role ni Danna sa Sex Scandal.
Prodyus ang pelikula ng Sacramento Films pero iri-release ng Angora Films at mapapanood sa November 19.
Maswerte ang Solar Films dahil lahat ng pelikulang ni-release nito sa taong ito ay kumita sa takilya lalo na ang mga horror movies.
Ngayon ay masusubukan ang tapang ng mga manonood sa pelikulang The Wisher kung saan iikot ang istorya sa teenager na si Mary na binabagabag ng bangungot at paglalakad habang natutulog.
Minsan ay nanonood sila ng sine ng mga kaibigan at nahintakutan matapos manood dahil naglalaro lagi sa isipan ang mukha ng pangunahing karakter sa The Wisher. Maraming trahedya ang dumating sa buhay nito kabilang na ang pagkamatay ng ama sa isang aksidente. Ang kanyang kahilingan ay napagbibigyan sa malagim na paraan.
Kasabay din ng pagpapalabas nito ang isang pelikula ng tinaguriang love song sa siyudad ng Delhi sa India. Itoy punumpuno ng musika (kabilang na ang ghazals traditional love songs) modern Indian pop at jazz na nakatulong para mailarawan ang marangyang kasalan.
Ang Moonsoon Wedding ay nagpapakita ng kagandahan ng kultura ng isang bansa na walang bahid sa kolonyalismo.
Kaya matapos mahintakutan sa The Wisher panoorin naman ang Moonsoon Wedding para maaliw tungkol sa isang masayang pamilya at ganda ng tanawin sa India.
Maganda at sexy ang singer na ito na lumalabas din sa isang soap opera. May nag-alok dito na isang producer para mag-recording at gumawa ng album sa kanyang kompanya. Nang kalaunan ay nanligaw na ito sa kanya dahil kabi-break lang sa kanyang foreigner girlfriend. Mabuti na lang at di pa nasisimulan ang album kaya tinanggihan na lang ang offer ng produ dahil nangangambang baka gawin lang siyang panakip butas sa kahihiwalay na girlfriend. Feel kasi ng singer na mukhang di naman ito seryoso sa kanya.
Nagpoprodyus din si Joan ng concert at tatlong beses na niyang kinuha si Gabby para sa concert para sa Filipino community doon. Sabi nga ni Natalie na close din sa actor, talagang nahasa na sa pag-awit ang actor. Sabi ko naman kay Natalie ay hindi naman kagandahan ang boses nito noong nasa Pilipinas pa. "Tita, ang galing-galing niyang kumanta kaya maraming nanonood sa kanya roon at magaling din siyang mag-host bukod pa sa pag-awit," anang balikbayan.
Wala pa rin daw balak magbalikbayan ang aktor pero ayon sa aking kausap ay proud na proud ito sa kanyang anak na si KC Concepcion.
Bukod sa galing umawit ay maasahan din ito sa pagsasayaw. Malamang na sa tagumpay ng concert ni Aubrey ay magkasunud-sunod na ang kanyang mga shows. Huwag lang sana siyang magpakabaliw sa pag-ibig dahil may potensyal siya di lang sa pag-awit kundi gayundin sa pagganap.
Nagwo-work-out si Priscilla at nagda-diet bilang paghahanda sa paglabas muli sa stageplay na pinamagatang Butterflies Are Free na mapapanood this December.
Namimili na siya ng tamang proyekto ngayon at ayaw nang maghubad dahil sa anak na babae. Ang bentahe ni Priscilla ay marunong itong kumanta kaya hindi nababakante sa mga out-of-town shows gayundin sa abroad habang wala pang movie offer.
Palaban na rin ito sa mga maiinit na eksena sa Sex Scandal bilang isa sa mga bidang babae.
Hindi pa rin niya malimutan ang naipong P800,000 mula sa kinita sa showbiz na ininvest sa MMG Holdings pero nagsara na kaya nauwi sa wala ang pinagpagurang pera. Kaya ngayon ay magsisimula na naman siyang mag-ipon at swerte naman dahil gumaganda ang kanyang career.
Role ng isang local beauty queen na nabiktima ng kanyang boyfriend si Allen Dizon na isang pornographer na ang propesyon ay nauukol sa VCD sex trading o prostitusyon ang role ni Danna sa Sex Scandal.
Prodyus ang pelikula ng Sacramento Films pero iri-release ng Angora Films at mapapanood sa November 19.
Ngayon ay masusubukan ang tapang ng mga manonood sa pelikulang The Wisher kung saan iikot ang istorya sa teenager na si Mary na binabagabag ng bangungot at paglalakad habang natutulog.
Minsan ay nanonood sila ng sine ng mga kaibigan at nahintakutan matapos manood dahil naglalaro lagi sa isipan ang mukha ng pangunahing karakter sa The Wisher. Maraming trahedya ang dumating sa buhay nito kabilang na ang pagkamatay ng ama sa isang aksidente. Ang kanyang kahilingan ay napagbibigyan sa malagim na paraan.
Kasabay din ng pagpapalabas nito ang isang pelikula ng tinaguriang love song sa siyudad ng Delhi sa India. Itoy punumpuno ng musika (kabilang na ang ghazals traditional love songs) modern Indian pop at jazz na nakatulong para mailarawan ang marangyang kasalan.
Ang Moonsoon Wedding ay nagpapakita ng kagandahan ng kultura ng isang bansa na walang bahid sa kolonyalismo.
Kaya matapos mahintakutan sa The Wisher panoorin naman ang Moonsoon Wedding para maaliw tungkol sa isang masayang pamilya at ganda ng tanawin sa India.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended