Alex,natakot mag-audition para sa movie ni Brad Pitt !
November 9, 2003 | 12:00am
Kung sa ibang artista naibigay ang ganitong pagkakataon na makalabas sa isang international movie, they would have moved mountains matupad lamang ito. Hindi si Alessandra de Rossi na tumanggi sa chance na mag-audition sa isang American movie which would have starred her with Brad Pitt.
"Kinabahan kasi ako, siguro dahil natatakot ako. Naisip ko rin na siguro hindi para sa akin ang pagkakataong ito dahil kahit na ayaw ko, magkakaroon at magkakaroon ng dahilan para mapilitan akong mag-audition, at tiyak makukuha ko yun. Pero, hindi nga ganun ang naramdaman ko," katwiran ni Alex who has been given a chance to patch up with ex-boyfriend Oyo Boy Sotto.
"Inayos namin ang relasyon namin. Parehong gusto namin ng reconciliation pero, bago mangyari ito ay marami pa kaming mga bagay na dapat ayusin. May mga problema pa na dapat naming resolbahin. Pero, malaki ang posibilidad na magkabalikan kami," imporma niya.
Samantala, abala siya sa promo ng Homecoming, isang entry sa Manila Film Festival Philippines. She is reunited in the movie with her Munting Tinig director, Gil Portez ang dahilan kung bakit marami na ang nakakakilala kay Alex sa international movie scene. Ang Munting Tinig ay nakasali na sa maraming international filmfests na kung saan hindi man nanalo si Alex ay umani naman ng papuri ang napakagaling niyang performance sa pelikula.
Sa Homecoming, nakasama ni Alex si Elizabeth Oropesa na gumaganap bilang nanay niya. Dahil mag-nanay ang roles nila at noted pa sila pareho sa kanilang husay sa pag-arte not to mention the fact na pareho rin silang palaban, akala ng marami ay magkakaroon ng patalbugan sa pagitan nila. Hindi ito nangyari, sa halip, nagbigayan sila, nag-complement ang galing nila at ang resulta ay isang mahusay na performance na karapat dapat mabigyan ng pagkilala kundi man mabigyan ng nominasyon.
Kung ako si Yamani, matatakot ako. Biruin mo, ang first major concert niya ay sa isang malaki at sosyal na venue agad, ang Little Theater ng CCP sa Nob. 22 at Dis. 2, 8:30 n.g. Dati-rati kasi ay sa mga maliliit na venues lamang siya napapanood, gaya ng Calesa Bar ng Hyatt Regency at Richmonde Hotel. Kaya nga nila siya tinatawag na Princess of Music Lounges.
Pinamagatang I Am Woman....Yamani @ the CCP, makakasama niya sina Gladys Guevarra, Calvin Millado, the Whiplash Dancers at Verni Varga.
Mapapanood din si Yamani tuwing Linggo sa palabas na Can Can sa Star Theater na matatagpuan sa Star City.
May grupo na sina Yda Manzano at Hanni Miller, ang STD Bombshells. STD stands for sexy, titillating & daring at ito ay pinagsama-samang konsepto nilang dalawa kasama ang manager nilang si Richard Hiñola. Mayron agad silang booking sa ARKDIA Bar sa Nob. 14.
Ang dalawa ay kabilang sa pinaka-matatalinong sexy stars. Si Yda ay graduate ng AB English Literature sa San Carlos University sa Cebu samantalang si Hanni ay tapos ng kursong Physical Therapy sa Phil Rehabilitation Institute sa QC.
Naunang mag-showbiz si Yda na dating Ms. Mandaue City, Boracay Beach Body Search. Miss Southern Tagalog naman si Hanni, Miss Summer Bikini Open at isang professional singer which has brought her to several places abroad.
For bookings, matatawagan sila sa 4330149.
Ano ba ang balitang ito na narinig ko kahapon? Hihingi raw si Robin Padilla ng diborsyo sa kanyang asawang si Liesel Sicangco na kung saan ay mayroon siyang mga grown up children. Nakakagulat lalot kung iisipin ay lubos na pinoproblema ni Binoe ang kanyang mga anak na nasa Australia, kaya nga panay ang kayod niya. Ang dahilan kaya ng pagnanais niyang maging single muli ay ang kanyang kaparehang si Judy Ann Santos?
"Kinabahan kasi ako, siguro dahil natatakot ako. Naisip ko rin na siguro hindi para sa akin ang pagkakataong ito dahil kahit na ayaw ko, magkakaroon at magkakaroon ng dahilan para mapilitan akong mag-audition, at tiyak makukuha ko yun. Pero, hindi nga ganun ang naramdaman ko," katwiran ni Alex who has been given a chance to patch up with ex-boyfriend Oyo Boy Sotto.
"Inayos namin ang relasyon namin. Parehong gusto namin ng reconciliation pero, bago mangyari ito ay marami pa kaming mga bagay na dapat ayusin. May mga problema pa na dapat naming resolbahin. Pero, malaki ang posibilidad na magkabalikan kami," imporma niya.
Samantala, abala siya sa promo ng Homecoming, isang entry sa Manila Film Festival Philippines. She is reunited in the movie with her Munting Tinig director, Gil Portez ang dahilan kung bakit marami na ang nakakakilala kay Alex sa international movie scene. Ang Munting Tinig ay nakasali na sa maraming international filmfests na kung saan hindi man nanalo si Alex ay umani naman ng papuri ang napakagaling niyang performance sa pelikula.
Sa Homecoming, nakasama ni Alex si Elizabeth Oropesa na gumaganap bilang nanay niya. Dahil mag-nanay ang roles nila at noted pa sila pareho sa kanilang husay sa pag-arte not to mention the fact na pareho rin silang palaban, akala ng marami ay magkakaroon ng patalbugan sa pagitan nila. Hindi ito nangyari, sa halip, nagbigayan sila, nag-complement ang galing nila at ang resulta ay isang mahusay na performance na karapat dapat mabigyan ng pagkilala kundi man mabigyan ng nominasyon.
Pinamagatang I Am Woman....Yamani @ the CCP, makakasama niya sina Gladys Guevarra, Calvin Millado, the Whiplash Dancers at Verni Varga.
Mapapanood din si Yamani tuwing Linggo sa palabas na Can Can sa Star Theater na matatagpuan sa Star City.
Ang dalawa ay kabilang sa pinaka-matatalinong sexy stars. Si Yda ay graduate ng AB English Literature sa San Carlos University sa Cebu samantalang si Hanni ay tapos ng kursong Physical Therapy sa Phil Rehabilitation Institute sa QC.
Naunang mag-showbiz si Yda na dating Ms. Mandaue City, Boracay Beach Body Search. Miss Southern Tagalog naman si Hanni, Miss Summer Bikini Open at isang professional singer which has brought her to several places abroad.
For bookings, matatawagan sila sa 4330149.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended