^

PSN Showbiz

Ang role na ayaw nina LT at Dina B. na gustong-gusto ni Zsazsa

- Veronica R. Samio -
Nagtataka si Zsazsa Padilla kung bakit inayawan at pinagbuhatan pa ng samaan ng loob nina Lorna Tolentino at Dina Bonnevie ang role ng ikalawang asawa ni Christopher de Leon sa Mano Po 2 na isang purong Tsina na mula sa Mainland China (Shanghai). Napaka-challenging ang nasabing role. Buti na lang nakumbinsi siya ni Kris Aquino (gumaganap bilang batang Susan Roces) na tanggapin ang role. Para rito, nag-aral pang magsalita at kumanta sa lenggwahe ng mga Tsino si Zsazsa. Siya ang kumanta ng theme ng Mano Po 2, isang madamdaming awitin na nagbabalik-alaala sa China, na kung saan nagmula rin si Christopher.

Sa tulong ng make-up, costume at camera lighting, nagmistulang isang tunay na Intsik na babae si Zsazsa, mahiyain at sunud-sunuran sa kagustuhan ng magulang at asawa. Bukod sa pagiging kamukha ng character niyang si Lu Shui, pumasok din ito sa katauhan ni Zsazsa, ang babaing may nakatagong tapang at lakas.

Sa Mano Po 2, entry ng Regal sa MMFFP, sina Zsazsa at Christopher ang ipinagkasundo ng kanilang magulang na ipakakasal. Pero iniwan siya ni Christopher sa Shanghai, pumunta ito ng Maynila na hindi siya pinakakasalan. Sa Maynila, umibig si Christopher sa isang Pinay, si Sol (Susan Roces) at pinakasalan niya ito. Nagbalik siya ng China, pinilit ng magulang niya na pakasalan si Lu Shui (Zsazsa). Pakakasal din ito kay Belinda (LT), isang Chinese mestisa.

Si Karylle ang gaganap na anak ni Zsazsa sa MP2.

Ang MP2 ay sinulat mismo ni Mother Lily Monteverde at nasa direksyon ni Erik Matti.
* * *
Hindi nakapagtataka kung ayaw nang balikan ni Aubrey Miles ang paggawa ng bold films after gawin niya ang Sanib. Masaya na siya sa mga kasalukuyan niyang gawain na pawang wholesome. Gaya nang paglabas sa mga shows sa pampamilya gaya ng MTB at Home Along Da Airport, isang araw-araw at isang lingguhan. Bukod dito, may mga pelikula siyang ginagawa na hindi niya kailangang mag-alis ng damit at makipaglampungan sa kanyang mga kaparehang lalaki. Ang isa ay isang bagets movie na kasama niya ang mga kaedad niya. Ang Kuya starring Richard Gutierrez, Oyo Boy Sotto, Angel Locsin, Anne Curtis at marami pa.

Ang isa pa ay ang comedy na
Gagamboy, isang pelikula na kumbaga sa isda ay naglalagay sa kanya sa isang lugar na walang tubig pero nakakaya niyang mag-survive. Pag-aagawan siya ng dalawang may super powers, sina Gagamboy at Ipisman at ang ganda lamang niya ang pangtapat niya sa mga ito.

"Bongga nga eh. I just play a normal person who unwittingly has power over men supposed to have super powers. Yon ay totoong girl power, di ba?" asks Aubrey.

Finally, bati na sina Aubrey at Mother Lily.

"Hindi ako nakikipag-away sa mga artista ko, ’no! Bahala sila!" sabi naman ng Matriarch ng Regal.

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

ISANG

LU SHUI

MANO PO

NIYA

SUSAN ROCES

ZSAZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with