Anak nina Boyet at Sandy ayaw mag-artista
November 4, 2003 | 12:00am
Pinabulaanan ng gwapong anak nina Sandy Andolong at Christopher de Leon na si Miguel Andolong de Leon na nililigawan nito si Katrina Perez, mainstays sa TV sitcom na Idol Ko Si Kap at madalas on-camera partner ni Jolo Revilla.
Ayon kay Miguel, nabasa nito ang pangalan niya sa PSN at aniya hindi naman daw ganun kabilis iyon. "Friends lang kami ngayon. Nakakahiya naman kay Katy."
Sinabi pa nito na hindi siya nanliligaw. Magkaibigan lang daw talaga sila. "Kasi mabait si Katy. Sa akin kasi, kapag mabait ang isang tao, mabait din ako.
"Wala naman akong ginagawa kasi sa bahay. Malapit lang naman ito kaya palagi akong nandito," depensa pa ni Miguel.
Mahilig sa computer si Miguel. First year college ito sa isang computer school. Wala siyang balak mag-artista sa pelikula man o TV. Aniya, "Masyadong matagal kasi ang ganitong uri ng trabaho. Mas okey pa yung commercial pwede pa. Modelling, malabo. Mainipin kasi ako." Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended