Alex,iniwan ni Oyo Boy para balikan si Anne
November 2, 2003 | 12:00am
Nakikitang madalas mag-usap sa shooting ng Mano Po 2 sina Alessandra de Rossi at Richard Gutierrez. Ang feeling ng nakakakita sa dalaway naghihingahan sila ng sama ng loob dahil pareho silang brokenhearted ngayon.
Bagong break sina Alex at Oyo Boy Sotto at ganoon din sina Richard at Anne Curtis. Ang mas masakit pa kina Alex at Richard ay nagkabalikan na sina Oyo Boy at Anne.
Lubos na nasaktan si Alex sa break up nila ni Oyo Boy lalo na nang malamang kahit noong may relasyon pa silay hindi nawala ang pag-ibig nito kay Anne. Nang malaman ngang break na sina Anne at Richard ay nakipag-cool off si Oyo Boy kay Alex para balikan si Anne. Sumakit pang lalo ang loob ni Alex nang mapanood sa Eat Bulaga sina Anne at Oyo Boy na sweet two days after their break up.
Nag-break sina Alex at Oyo Boy, Miyerkules, October 22, at Oct. 25, ay guest sa EB sina Anne at Oyo Boy. Bago sabay na mag-guest sa Eat Bulaga, nakita rin sina Anne at Oyo Boy sa isang bar sa Makati noong Oct. 24 at hanggang ngayon, napagkikitang madalas magkasama ang dalawa.
In hot water na naman si Willie Revillame dahil sa nangyari sa isang episode sa MTB. Nagkamali ito sa Urong-Sulong portion at di sinadyang naipakita sa contestant ang number na pinahuhulaan.
Hindi na sinuspindi si Willie ng ABS-CBN management at sa halip ay pinagsabihan na lang na mag-iingat the next time. Naintindihan daw ng istasyon kung bakit nagkamali si Willie. Depressed ito nang araw na yun dahil nalamang hindi pinakinggan ni Mr. Gabby Lopez ang apelang bigyan pa ng isang chance ang Willingly Yours. Last attempt na raw yun to save the show at nang hindi napagbigyan ay ikina-depress nito ng husto at naging daan para siyay magkamali.
Sabi-sabiy, ang public service show na iho-host ni Karen Davila ang ipapalit sa mawawalang Willingly Yours. Nakapag-taping na raw si Karen para sa pilot show, altho kailangan pang aprubahan ng management.
Sa paglalasing ibinuhos ng isang sexy star ang depression nang maghiwalay sila ng kanyang non-showbiz husband. Nakadagdag pa sa depression nito ang pananaba na naging hadlang para di agad siya makabalik sa showbiz pagkatapos manganak.
Halos hindi na lumalabas ng bahay ang sexy star dahil laging lasing. Kapag may tumatawag na kamag-anak ay di niya personal na masagot at ang pinsang kasama sa bahay na nagpi-PA rin sa kanya ang pinasasagot sa mga tawag with matching utos na wag sabihing umiinom siya. Kaso, nagkamali minsan si cousin-PA at naikwento sa caller kung ano ang ginagawa ng sexy star. Nagalit ang sexy star sa kanyang cousin-PA at tsinugi ito.
May bago ng manager ang sexy star at pumayat na rin siya at natanggap na ang nangyari sa kanyang married life. Nagsisimula na uli siyang magtrabaho and hopefully, hindi na niya balikan ang alak dahil wala itong maitutulong sa kanya.
Naniniwala siguro si Dranreb Belleza na pwede pa siyang mag-comeback sa showbiz, kaya, kinuha nito si Wyngard Tracy, para mag-manage sa kanyang showbiz career sa kanyang pagbabalik.
Nasa Amerika pa si Dranreb ngayon, pero, any day now ay magbabalik siya para ipagpatuloy ang pag-aartista. Plano ni Wyngard na ibalik ang pagka-actor ni Dranreb, kaya sa mga drama movie niya ito ililinya.
Nang huli naming mapanood si Dranreb bago tumulak ng Amerikay tumaba ito. Sana, sa kanyang pagbabalik ay payat na siya para ganahan ang mga taong panoorin siya.
Bagong break sina Alex at Oyo Boy Sotto at ganoon din sina Richard at Anne Curtis. Ang mas masakit pa kina Alex at Richard ay nagkabalikan na sina Oyo Boy at Anne.
Lubos na nasaktan si Alex sa break up nila ni Oyo Boy lalo na nang malamang kahit noong may relasyon pa silay hindi nawala ang pag-ibig nito kay Anne. Nang malaman ngang break na sina Anne at Richard ay nakipag-cool off si Oyo Boy kay Alex para balikan si Anne. Sumakit pang lalo ang loob ni Alex nang mapanood sa Eat Bulaga sina Anne at Oyo Boy na sweet two days after their break up.
Nag-break sina Alex at Oyo Boy, Miyerkules, October 22, at Oct. 25, ay guest sa EB sina Anne at Oyo Boy. Bago sabay na mag-guest sa Eat Bulaga, nakita rin sina Anne at Oyo Boy sa isang bar sa Makati noong Oct. 24 at hanggang ngayon, napagkikitang madalas magkasama ang dalawa.
Hindi na sinuspindi si Willie ng ABS-CBN management at sa halip ay pinagsabihan na lang na mag-iingat the next time. Naintindihan daw ng istasyon kung bakit nagkamali si Willie. Depressed ito nang araw na yun dahil nalamang hindi pinakinggan ni Mr. Gabby Lopez ang apelang bigyan pa ng isang chance ang Willingly Yours. Last attempt na raw yun to save the show at nang hindi napagbigyan ay ikina-depress nito ng husto at naging daan para siyay magkamali.
Sabi-sabiy, ang public service show na iho-host ni Karen Davila ang ipapalit sa mawawalang Willingly Yours. Nakapag-taping na raw si Karen para sa pilot show, altho kailangan pang aprubahan ng management.
Halos hindi na lumalabas ng bahay ang sexy star dahil laging lasing. Kapag may tumatawag na kamag-anak ay di niya personal na masagot at ang pinsang kasama sa bahay na nagpi-PA rin sa kanya ang pinasasagot sa mga tawag with matching utos na wag sabihing umiinom siya. Kaso, nagkamali minsan si cousin-PA at naikwento sa caller kung ano ang ginagawa ng sexy star. Nagalit ang sexy star sa kanyang cousin-PA at tsinugi ito.
May bago ng manager ang sexy star at pumayat na rin siya at natanggap na ang nangyari sa kanyang married life. Nagsisimula na uli siyang magtrabaho and hopefully, hindi na niya balikan ang alak dahil wala itong maitutulong sa kanya.
Nasa Amerika pa si Dranreb ngayon, pero, any day now ay magbabalik siya para ipagpatuloy ang pag-aartista. Plano ni Wyngard na ibalik ang pagka-actor ni Dranreb, kaya sa mga drama movie niya ito ililinya.
Nang huli naming mapanood si Dranreb bago tumulak ng Amerikay tumaba ito. Sana, sa kanyang pagbabalik ay payat na siya para ganahan ang mga taong panoorin siya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended