^

PSN Showbiz

Young star,nagsama ng young actor na mas pinagkaguluhan ng tao

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naikwento ng isang kapatid sa hanapbuhay na inimbita niya ang young actress sa ribbon cutting ng isang bubuksang restoran sa isang lalawigan sa Norte. May ka-loveteam itong young actor din na niyaya ng young actress sa naturang affair.

Kaso nang naroon na ang dalawa ay hindi ang young actress ang pinagkaguluhan ng mga tao kundi ang isinamang sikat na young actor. After the ribbon-cutting, mas maraming nagpakuha ng picture kasama ang young actor at maraming fans ang nagpapirma ng autograph. Samantalang nakamasid lang sa isang sulok ang young actress. Dalawa lang ang nagpapakuha sa kanya ng picture at nagpapirma ng autograph. Hindi pa kasi siya masyadong kilala ng mga tao di tulad ng isinamang aktor na nagkamit na ng acting award.
Sa Australia Magpa-Pasko
Nakausap ko si Ogie Alcasid sa bonggang 2nd anniversary ng S Magazine kung saan ang publisher ay ang kapatid sa hanapbuhay na si Aster Amoyo. Tinanong ko ang magaling na singer-composer kung saan siya magi-spend ng Christmas.

"Sa Australia pa rin ako magpapahinga for Christmas dahil kahit busy ako ay prioridad ko ang aking pamilya. Gusto kong magkakasama kami tuwing Pasko at nami-miss ko rin ang aking misis lalo na ang aking mga anak," aniya.
Gladys, Magaling Na Performer
Well-applauded ang number ni Gladys Guevarra ng Gladys & the Boxers sa S-Magazine anniversary dahil ang galing-galing nitong performer. Hindi kami nagtataka kung nakapasok ito sa telebisyon at pelikula na rin dahil magaling din siyang komedyante. Magaling din ang PR nito kaya mabilis gumawa ng pangalan sa showbiz.

Sa kabilang banda, dumating din si Andrea del Rosario sa party at may nagtanong kung tuloy pa rin ang sex video niya dahil may nagdududang galing sa kampo ni Katya Santos ang balitang hindi na ito matutuloy dahil hindi raw kumita ang Bugbog Sarado na tinampukan ni Andrea at Maui Taylor.

Pinabulaanan ito ng seksing aktres at sinabing tuloy pa rin ang kanyang sex video.
Jamby, Maaasahan!
Ipinakilala sa amin ni Direk William Mayo si Jamby Madrigal na kasama sa pelikulang Luis Taruc Story. Pinanood namin ang rushes ng ilang eksena kung saan may mahalagang papel si Jamby sa said movie. Ginagampanan nito ang papel bilang asawa ni Chief Justice Jose Abad Santos na sa tunay na buhay ay lolo ni Jamby.

Kasama ni Jamby ang napakagwapo niyang asawang dayuhan na pinagkakaguluhan ng mga tao kapag may syuting dahil napagkakamalan itong foreign actor. Kahit anong pagpupumilit ni Direk Maryo na bigyan ito ng role sa movie bilang American police officer ay tumatanggi ito sabay sabing hindi siya Amerikano. Very supportive ito sa showbiz career ni Jamby gayundin sa pagiging isang mapagkawanggawa.
Tracy, Freelancer Na
Hindi na magri-renew ng kontrata sa Leo Films si Tracy Torres. Feel ng seksing aktres na maging freelancer para mas maraming raket.

May bago itong pelikula titled Mapanukso kung saan kasama sina Clarissa Mercado at Emilio Garcia. Hindi lang magaling umarte si Tracy kundi gayundin sa pagpi-perform sa stage.

Hindi kami magtataka kung bakit mabilis itong gumawa ng pangalan dahil mahilig sa gimik.
Gigi, Pinag-Aagawan Ng 2 Tv Stations
Patuloy ang pamamayagpag sa telebisyon ni Gigi Malonzo dahil magaganda at makabuluhan ang mga segments sa bagong bubuksang programa na Okay Ka Mom. May offer ang programa sa Channel 5 at Channel 13 kung saan pinag-aagawan siya ng dalawang istasyon.

May human interest ang Okay Ka Mom na batay sa pagkukwento nito ay naaliw ang mga press people na dumalo sa presscon nito tungkol sa dalawang unanong ikakasal sa segment na ala-Wish Ko Lang ang dating. Gagawin ito sa Katedral ng Kalookan at magiging ninang si Marjorie Barretto at Tito Varela. Ipi-feature rin ang Celebrity Mom na mga ideal na mommy sa showbiz na magsisilbing role model sa iba.

ANDREA

ASTER AMOYO

CENTER

DAHIL

JAMBY

KUNG

OKAY KA MOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with