Ayaw mag-regular sa ASAP, gusto guest lang ni Angelika
November 1, 2003 | 12:00am
Nakausap ko si Angelika dela Cruz nung birthday niya sa magara niyang bahay sa Malabon. Mukha namang happy siya, ito ay sa kabila ng pag-alis ng GMA na kung saan ay marami na rin siyang kaibigan at ang nauna ritong break-up nila ni Victor Neri.
"Napaka-warm naman kasi ng pag-welcome nila sa akin. Parang di ako bago sa show, feeling ko nga parang matagal na nila akong kasama.
"I still miss yung mga kasama ko sa SOP. Naninibago nga ako dahil iba nang mga faces ang mga kasama ko ngayon. Nanibago ako. Nung una nga, parang ninerbyos pa ako pero, dahil they make me feel welcome kung kaya hindi na ako nalulungkot.
"Gusto sana ng ABS CBN ay mag-regular ako sa show pero, ayaw ko muna. Okay na sa akin yung pa-guest-guest muna.
"Nakapag-tape na ako ng Sanay Wala Nang Wakas. Role ko rito yung isang mahirap na singer na may binubuhay na kapatid, si Jericho (Rosales) ay isang mayaman naman.
Lalabas na ako rito this coming Friday.
"Nung una, ayaw ko sanang lumabas dito dahil ang daming isyu, alam ko magkakaroon na naman ng intriga pero, trabaho ito at gusto ng ABS-CBN na ilagay ako rito, so kailangan kong sumunod," ani Angelika.
Maraming plano sa kanya ang Dos. Bukod sa soap, balak din siyang bigyan ng sitcom na welcome sa kanya dahil matagal din siyang nag-drama sa Siyete at dito sa Sanay...; ay drama rin siya.
Jenny Hernandez ang buo niyang pangalan pero, gagaya rin siya sa iba na iisa ang gagamiting pangalan para maging kakaiba siya, unique. Besides, uso sa mga singers ngayon ang may isang pangalan.
Isa na marahil sa masasabing pinaka-magandang singer itong si Jeni na mina-manage ni Dondon Monteverde. Kaya marami sa nakakausap niya ang nagpapayong sumali siya sa beauty contests na gusto niya pero, ayaw ng father niya.
"Siguro natatakot siya na matalo ako," paliwanag niya. Pero, okay dito na mag-showbiz siya kahit pa marami ang nagsasabi sa kanila na magulo ang showbiz, maintriga.
"Okay lang sa kanya ito, alam kasi niya ang totoo at aware siya sa talent ko. Kung mayroon akong pinagmanahan nito, siya yun dahil siya lang ang kumakanta sa pamilya, although not professionally," dagdag pa niya.
Eighteen lamang si Jeni, maagang nag-graduate sa kolehiyo dahil na-accelerate, sa kursong International Marketing sa London City College.
Very fresh ito at talagang wala pang singing experience. Ni hindi nakasali sa mga singing contest pero, sumusumpa si Dondon na magaling itong kumanta, belter pa.
Siguro nga, dahil, agad ay naisama niya ito sa isang concert sa Music Museum na magaganap sa Nov. 7. Pinamagatang Sexy In The City, makakasama niya sina Priscilla Almeda at Aubrey Miles. Walang nerbyos si Jeni na makasama ang dalawang sexy stars. Mas excited siya sa gagawin niyang sing and dance numbers at ang pangyayaring first major exposure niya ito as a singer. Dati kasi, sa mga private at family parties lamang siya lumalabas.
Sexy In The City is produced by Star Symbol Production. Direction is by Angie Magbanua for the benefit of Mumunting Anghel ng Panginoon ng Parañaque.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended