Jolina, siya ba ang aswang na sinasabi ni Rica?
October 30, 2003 | 12:00am
Inamin ni Rica Peralejo na bagamat hindi siya magpapa-sexy sa Malikmata ng Canary Films ay natitiyak niyang kikita sa takilya ang kanilang pelikula dahil usong-uso ngayon ang mga horror films na kinakagat naman ng mga manonood. Sinabi pa nito na kung ipinagpatuloy pa niya ang kanyang pagiging sexy o bold ay baka tuluyan nang nanamlay ang kanyang career.
Nang tanungin si Rica kung ano ang masasabi niya sa kanilang away ngayon ni Jolina Magdangal ay bigla itong nag-react ng "Ayaw kong pag-usapan ang mga aswang sa aking buhay." Natawa na lamang ang ilang kapatid sa hanapbuhay.
Naniniwala ang Siyete na may potensyal sa akting si Valerie Concepcion kaya suportado nila ito. Katunayan ay nanalo itong Female TV Personality sa nakaraang Star Awards.
Hindi naniniwala si Valerie Concepcion na jinx ang award niya sa PMPC dahil lalo pang dumami ang kanyang raket. Bukod sa Bubble Gang at Click ay nagkaroon ito ng movie sa darating na Metro Manila Film Festival titled Fantastic Man 2 bilang nobya ni Miko Sotto.
Dumami rin ang produktong iniindorso ni Val (palayaw sa aktres) dahil sa pagkakaroon ng wholesome image.
Napakagwapo ng pamangkin ng yumaong si Ricky Belmonte na si Rayver Cruz na anak ng oldest sister niyang si Beth. Fourteen years old na ito at pambatong teener ng ABS-CBN. Nakilala ito sa ilang komersyal noong anim na taon hanggang mapasama sa Best Frends ng Siyete noong siyam na taong gulang. Twice itong napapanood sa loob ng isang buwan sa ASAP Mania isang beses sa isang Linggo sa Magandang Tanghali Bayan at mainstay ng Klasmeyts. Nakalabas na rin ito sa pelikulang pinagtambalan nina Cogie Domingo at Judy Ann Santos na Pakisabi Na Lang Na Mahal Ko Siya.
Maraming nagsasabi na Rayver is another Cogie Domingo in the making dahil magaling siyang umarte at kahit anong role ay kaya nitong gampanan. Mahusay din itong kumanta palibhasay galing sa mga angkan ng mga Cruz.
Napag-usapan namin ang tatay ni Sunshine Cruz na kamamatay lang recently. Ayon kay Beth, puro biglaan ang pagkamatay ng kanyang mga kapatid dahil sa cardiac arrest. Hindi nga nila sukat akalain na mamamatay ang daddy ni Sunshine dahil naglalaro lang ito ng basketball nang bigla na lang sumakit ang dibdib. "Very particular ito sa kanyang health dahil lagi siyang nagpapa-check-up sa doktor noong nabubuhay pa pero ganyan yata ang buhay," ani Beth.
Sana naman sa Araw ng mga Patay ay dalangin ang iukol natin sa ating mga namayapang mahal sa buhay. Napupuna lang namin na ginagawang ligawan ang puntod ng ibang magkasintahan, nagkakaingay naman at nagkakantahan habang nag-iinuman ang ibang kalalakihan at ang iba namay nagkakaroon ng pustahan habang naglalaro ng baraha. Sawayin sana ang mga batang naglalaro ng saranggola sa ibabaw ng puntod at patalon-talon sa iba pang puntod. Ang Araw ng mga Patay ay nagsisilbi ring reunion ng mga magkakamag-anak kung saan ang ibay nanggaling pa sa lalawigan. Ang ibay nagdadala ng pagkain kung saan doon sila nagsasalu-salo habang nagkukwentuhan.
Nang tanungin si Rica kung ano ang masasabi niya sa kanilang away ngayon ni Jolina Magdangal ay bigla itong nag-react ng "Ayaw kong pag-usapan ang mga aswang sa aking buhay." Natawa na lamang ang ilang kapatid sa hanapbuhay.
Hindi naniniwala si Valerie Concepcion na jinx ang award niya sa PMPC dahil lalo pang dumami ang kanyang raket. Bukod sa Bubble Gang at Click ay nagkaroon ito ng movie sa darating na Metro Manila Film Festival titled Fantastic Man 2 bilang nobya ni Miko Sotto.
Dumami rin ang produktong iniindorso ni Val (palayaw sa aktres) dahil sa pagkakaroon ng wholesome image.
Maraming nagsasabi na Rayver is another Cogie Domingo in the making dahil magaling siyang umarte at kahit anong role ay kaya nitong gampanan. Mahusay din itong kumanta palibhasay galing sa mga angkan ng mga Cruz.
Napag-usapan namin ang tatay ni Sunshine Cruz na kamamatay lang recently. Ayon kay Beth, puro biglaan ang pagkamatay ng kanyang mga kapatid dahil sa cardiac arrest. Hindi nga nila sukat akalain na mamamatay ang daddy ni Sunshine dahil naglalaro lang ito ng basketball nang bigla na lang sumakit ang dibdib. "Very particular ito sa kanyang health dahil lagi siyang nagpapa-check-up sa doktor noong nabubuhay pa pero ganyan yata ang buhay," ani Beth.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended