^

PSN Showbiz

John at Bea nasa 'Bida si Mister'

-
May kakikiligan na naman ang maraming mga fans ng tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo bukas Martes, October 28, dahil sila na ang lalabas na guest star sa Bida si Mister, Bida si Misis. Timing na timing sa paglabas ng bago nilang pelikula at nang napipintong pagtatapos ng kanilang teleseryeng Kay Tagal kang Hinintay, tunay na para sa mga fans ang kanilang guest appearance ngayon kasama ng isa sa longest-running loveteams naman ng komedya — sina Maricel Soriano at Cesar Montano.

Baguhang reporter ang papel dito ni Bea at ang assignment niya ay ang presinto nina Buboy Magtanggol (Cesar Montano). Dahil na rin sa angking katapangan, kasipagan at katalinuhan, na-impress nang husto si Buboy at ang kanyang mga kasamang pulis sa bata, at lalo pa itong napahanga nang malaman ang tunay na rason kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa kriminal. Namatay pala ang ama ni Bea sa kamay ng isang sindikato at dahil dito ay naging pakay ng bata ang pabagsakin ang sindikatong ito. Pero nang mapalapit ang pagbagsak ng sindikato dahil na rin sa mga report ni Bea, may matatagpuan si Bea ng koneksyon sa isang taong mahal na mahal niya — ang bago niyang boyfriend na si John Lloyd.

Magbubukas din ng isang bidang pakulo para sa pamilyang Pilipino ang Bida si Mister, Bida si Misis para sa kanilang "anniversary month" ng Nobyembre, kaya’t dapat lang na tutukan ang episode na ito, na i-ere bukas pagkatapos ng ABS-CBN Teleserye Primetime Bida.

BEA

BEA ALONZO

BIDA

BUBOY MAGTANGGOL

CESAR MONTANO

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KAY TAGAL

MARICEL SORIANO

MISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with