Lito, mas gustong pilahan ang pelikula kesa magka-award
October 27, 2003 | 12:00am
Nadinig namin sa shooting ng pelikulang Luis Taruc Story na kinunan sa Sta. Rita, Pampanga na hindi award ang target ng producer ng pelikula kundi ang pilahan ito sa takilya. Maging ang pangunahing artista na si Gov. Lito Lapid ay ganito rin pala ang ipinagdarasal.
Kung sabagay, sa panahong ito na mahirap ang pera, sino pa nga ba naman ang pipili ng award kaysa kikitain sa takilya? Saka na lang muna yang award-award kapag maganda na ang takbo ng showbiz industry.
First shooting pa lang, umusok na ang barilan. Panahon ng Hapon ang pangyayaring kinunan sa isang lumang bahay. Naroroon din sina Renato del Prado, Jess Lapid Jr., Bobby Benitez, Mon Confiado, Richard Quan, Ernie Forte at iba pa. Balitang si Miriam Quiambao ang tina-target na maging leading lady ni Gov. Lapid. Pero wala pang final na answer dito ang dating Ms. Universe runner-up. Vir Gonzales

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended