Ana Capri, may sariling condo worth P4-M
October 27, 2003 | 12:00am
Naitanghal na sa mga sinehan sa Metro Manila ang pelikulang Kiskisan na idinirek ni Joven Tan pero hanggang ngayon, ay hindi pa pala nabayaran si Ana Capri.
"Nakapag-downpayment pa lamang sila ng 20%. Super-mega discount na nga sila sa talent fee ko tapos hindi pa pala nila ako mababayaran ng buo. Nakapagpadala na nga ang abogado ko ng demand letter para mabayaran na nila ako!" kwento pa ni Ana.
May special someone si Ana sa kasalukuyan, pero aniya non-showbiz ito. Aminado siyang meron na siyang P4 milyong condo unit na aniya ay pinag-ipunan niya iyon. Meron din siyang naka-line up na European film pero di ito big budgeted. Tinanggap niya ang offer dahil tatlong karakter ang gagampanan niyang sabay-sabay na umiikot sa istorya.
"Happy ako ngayon sa career at lovelife ko. Sabi ko nga sa kanila, kapag kasama ko yung bf ko at nagdi-date kami, talbog ko pa si Lucy Torres-Gomez sa sobrang kahinhinan.
"Nagbago na ako ngayon. May bahay na ako, may kotse, hindi ko na nga halos makita ang sarili ko sa salamin. Nalimutan ko na yung nagalit sa akin na si Direk Chito Roño dahil hinahada ko si Danilo B. Last na yun!" pagbibiro pa ni Ana.
"Sa soap opera, may offer sa akin with Lorna Tolentino ang GMA 7. Baka kontrabida ako rito ni LT. Maganda, di ba? At least nalilinya ako sa mga project ng mga beteranang aktres at aktor."
Kasali rin si Ana Capri sa Malikmata, entry ng Canary Films sa darating na MMFFP sa taong ito. Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended