Marcus,crush si Tanya Garcia
October 26, 2003 | 12:00am
Loveless pa rin itong si Marcus Madrigal, bida sa Mapupulang Labi ng Wild World Entertainment Co.
"Loveless pa rin ako. Nahinto ako sa aking pag-aaral kasi nagpunta nga ako sa Japan at nagtrabaho roon. Medyo nakaipon naman ng konti kahit paano at nakabili naman ako ng bagong kotse. Hindi ako nag-hosto roon. Entertainer ang naging job ko ron, pakanta-kanta minsan pa-table-table kapag naiimbita ng mga kostumer," bungad pa ng Tsinitong aktor.
"Matagal-tagal din akong nawalan ng movie project. Actually, pawala na nga yata yung career ko until one time nakita ako ni Direk Joey Romero. Inalok niya sa akin itong Mapupulang Labi, since available naman ako kaya tinanggap ko agad. Hindi ko ito sinulot kay Antonio Aquitania. kaya di napunta sa kanya yung project dahil unavailable noon ang schedule niya.
"Sa telebisyon, wala pa akong offer pero last appearances ko yung sa Sana Ay Ikaw Na Nga. Dun ko nga nakita at nakilala yung crush kong si Tanya Garcia. Kaya lang, hindi kami nagkaroon ng chance na magkakilala ng husto dahil inili-link siya noon kay Dingdong Dantes. Ako naman, kay Tita Uro (Elizabeth Oropesa)."
"Pero nag-enjoy naman ako at nasarapan," pahabol pa nito.
Bakit hindi mo niligawan noon si Tanya kahit may Dingdong Dantes pa na nali-link dito?
"Sa puntong ligawan, torpe ako dyan. Hate ko yung dumadalaw sa bahay at nanliligaw. Mas type ko kasi yung sa phone. Salbahe ako kapag sa telepono. Dinner dates type ko rin at syempre romantiko naman ako dahil gustung-gusto ko na nagbibigay ako ng flowers at chocolates!" sey pa nito. Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended