^

PSN Showbiz

Inspirational albums

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Ang dapat mapakinggan ninyo kung gusto ninyong magkaroon ng inspirasyon o magsimula ng tama at matapos ang mapayapa ang inyong bawat araw–mga albums mula sa Jesuit Communications/Jesuit Music Ministry.

Walang duda na sa mga releases nila ang pinaka-popular ay ang mga plaka ng Bukas Palad Choir. Kaya naman nagkaroon na sila ng "The Best Of Bukas Palad" Volume I and 2 albums.

Sa unang volume, mga Pinoy na religious at inspirational songs tulad ng "Tanging Yaman" at "Hindi Kita Malilimutan". Ang volume 2, mga English collection tulad ng "Take And Receive," "Anima Christi" "Prayer for Generosity" at "Pilgrim’s Theme".

Ang bagong album ng Bukas Palad na "Let Your Praises Be Heard", may launching sa Dish sa Rockwell Plant Mall sa Lunes. Featured as guest artists sina Lea Salonga at Regine Velasquez sa plakang ito.

Mula pa rin sa Jesuit Communication, ang isang very inspiring album, "Something More: Songs for Skeptics." Isa itong koleksyon ng mga very personal prayers. Ang mga awit dito ay posibleng tumagos sa inyong mga nababalisang kaluluwa at magbigay ng comfort and peace to restless souls.

Kasama sa mga featured artists sa "Something More" sina Jose Mari Chan, Ariel Rivera, Noel Cabangon at Lea Salonga.

Kung naghahanap naman kayo ng mga inspirational performed in a fusion of folk, rock, classical, jazz and pop; ang "Huwag Mangamba: Mga Awit ng Pagtatagpo", ang para sa inyo. Lahat ng mga kanta rito performed by one and only Noel Cabangon. Hindi dapat mawala ito sa inyong music collection.

isa pang album with Noel Cabangon as featured artist ang "Pasakalye". Mga social and environmental issues naman ang pinapaksa ng mga kanta sa album. Si Noel ang nagbibigay tinig sa mga bagay na hindi makapagsalita o makakanta.

To start the day right, para magkaroon kayo ng sapat na lakas at inspirasyon; pakinggan ang "Laud’s" series. Mga tugtugin sa piano ni Bro. Arnel de Castro Aquino ang mga albums sa serye ng sinasabing pang-umagang panalangin.

May anim na volumes na ang "Lauds" series. Pwedeng isa-isa muna ninyong bilhin hanggang makumpleto ang buong serye. Tunay na mga tugtugin to pep up everyone’s mood.

Ang "Vespers" naman ang sumunod na series ng instrumental meditation albums mula sa Jesuit Communication. Ang mga kantang bagay sa gabi, after a hard day’s work ay tinugtog naman sa flute at guitar. Very soothing talaga ang mga performances nina Rey Sison sa flute at Lionel Valdellon sa guitar.

Kung mag-iisip kayo ng mga pang-regalo ngayong Pasko sa mga kaibigan, tiyak na mapapasaya ninyo sila kapag mga "Lauds" series at "Vespers" album ang natanggap.

Kung pang-hapon naman na bagay sa inyong mga beauty rest, nandiyan ang "Matins" album, featuring chamber music. Isang string quartette ang tumugtog ng mga familiar Jesuit Christmas songs at traditional Christmas carols sa unang "Matins" album.

Para sa gustong magkaroon ng koleksyon ng mga liturgical music, available ang "Mga Awitin sa Misang Pilipino" album. Ang side one ay pawang mga kanta. Sa side 2, minus one ay para naman ma-practice o makanta din ninyo sa buhay ang lahat ng mga awiting ito.

Isa pang album na dapat ninyong marinig ang "Alay Kapuwa: Huwag Limutin" album. Dito kasali ang mga best-loved Jesuit hymns. Special attraction pa ng album ang mga finalists sa "Alay Kapuwa" songwriting contest.
* * *
Alam ba ninyo na ang "Hindi Kita Malilimutan" na unang pinasikat ni Basil Valdez at isa na ngayong classic Pinoy pop tune, ay likha ng isang Jesuit priest? Ang sumulat nito ay si Fr. Manoling Francisco na marami nang mga sikat na kantang naisulat.

ALAY KAPUWA

ALBUM

ANIMA CHRISTI

HINDI KITA MALILIMUTAN

JESUIT COMMUNICATION

LEA SALONGA

NOEL CABANGON

SOMETHING MORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with