^

PSN Showbiz

Magkano ba talaga ang ginagastos sa MMFF?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Sa lahat ng awards, kahit na nga minsan ay kontrobersyal din naman ang kanilang desisyon, ang hindi nasasabing nalalagyan ay ang Metro Manila Film Festival. Aba eh ilang pelikula lang naman ang kasali riyan. Nakakahiya naman kung magkakalagayan pa.

Pero isang bagay ang matagal nang pinapansin ng mga tao sa industriya tungkol sa Metro Manila Film Festival. Lagi nilang sinasabi na ang kinikita ng festival ay para sa Mowelfund, Anti-Piracy Task Force at iba pang beneficiaries. Pero taun-taon kahit na sinasabi nilang mas malaki ang kinikita ng festival, hindi naman ganoon kalaki ang ibinibigay nila sa beneficiaries nila.

Tama rin naman sila dahil sa kinikita ng festival din naman nila kinukuha ang gastos sa pagdaraos ng awards, ng parada at ang iba pang gastusin nila. Pero pera ito ng bayan, kasi buwis iyan eh. Palagay namin dapat ay binubuksan din nila sa bayan kung magkano ang ginagastos nila sa mga iba pang bagay na may kinalaman sa festival.

Matagal nang napupuna iyong mga magagastos na meetings na ginaganap sa mga malalaking hotels, yong ibang masyadong malaking gastos at kung anu-ano pa, na kung iisipin ay maaari nga namang tipirin nang madagdagan naman ang ibinibigay nila sa mga beneficiaries.

Noon pa tinatanong iyan, pero hindi namin malaman kung bakit hindi pinapansin ng organizing committee ng festival ang noon pang sinasabing dapat sabihin din nila kung magkano ang gastos nila sa pagbubuo ng festival.

Hindi ba mas maganda kung maliwanag ang kwenta?
* * *
Isang damukal na talents dati ng Channel 2 na nawalan na ng projects doon ang naglipatan sa Channel 7, at mabilis na binigyan sila ng mga shows. Pero paano nga naman yong mga nagtiyaga sa Channel 7?

Nakakwentuhan nga namin ulit si Kuya Germs, at nasabi niya sa amin na umaasa pa rin naman daw siya na isang araw ay matutupad din ang commitment sa kanya ng management ng Channel 7 na bibigyan siya ulit ng oras para matulungan ang mga baguhang discovery niya. Gusto lang naman n’yang matulungan ang industr’ya na makadiskubre ng mga bagong stars. Hindi naman niya inaangkin ang mga stars na ’yon. Pero darating pa nga kaya ’yon Kuya Germs, eh mas una nilang binigyan ng shows ang mga recruit nila mula sa Channel 2?
* * *
Kapapanganak pa lamang ng isang sexy bold star, nakita na naman namin siyang may ka-date na isang foreigner sa isang malaking hotel out of town. Hindi ba, masama sa babae iyong kapapanganak pa lang sumasabak na naman? Baka lalong mabaluktot ang dila niya, at lalong hindi matuto ng Ingles.

vuukle comment

ANTI-PIRACY TASK FORCE

FESTIVAL

KUYA GERMS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAMAN

NILA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with