Ang galing naman ni Teysi
October 24, 2003 | 12:00am
Walong buwan na pala ang programang Teysi. Hindi na ako magtataka kung mas tumagal pa to dahil, nun pang Teysi ng Tahanan ito ay talagang sinusubaybayan ko na, una, dahilan sa kagalingan ng host na si Tessie Tomas, at ikalawa, dahilan sa napakaraming bagay na nakukuha ng mga manonood sa show.
Ang Teysi na unang ka-back-to-back ng Morning Girls ay unang napanood sa oras na 10:30 ng umaga. Inagahan ito sa oras na ika-8 ng umaga. Akala nga ni Tessie wala nang makakapanood ng programa sa sobrang kaagahan nito pero, nagkamali siya. Ayon sa mga feedback na tinatanggap niya, mas marami ang nakakapanood ng programa ngayon, yung mga hindi pa pumapasok at yung mga maaga sa kanilang mga opisina.
Sa presscon na ibinigay ng ABS CBN para ihayag ang mga preparasyon na ginagawa ng istasyon para sa Teysi at sa selebrasyon na gagawin sa show para sa birthday ng host nito, dumating si Tessie na animo ay isang fashion plate, naka-maong jeans at naka-leather jacket na pula. Parang wala siyang problema gayong araw-araw ang palabas niya at kinakailangan niyang gumising ng maaga.
"Wala talaga akong problema sa show dahil masipag at magaling ang aking staff na linggu-linggo ay nag-uusap-usap para makagawa ng mga magagandang pakulo at portion ng show," ani Tessie.
Hindi rin bakas sa mukha ni Tessie ang pagod dahil bukod sa paghahanda ng Teysi ay madalas din siyang bumiyahe kasama ang kanyang asawang si Ka Roger Pullin. Incidentally, mayron na itong isang matagumpay na album na naglalaman ng gospel songs na pinamagatang "Travellers In Time".
Nung Abril, pumunta sila ng London para dumalo sa kasal ni Alice Pullin, anak ng kanyang kabiyak na itinuturing na rin niyang anak. Dumalo rin ang kanyang nag-iisang anak na si Robin na isa nang matagumpay na fashion designer sa Amerika.
Dito sa Pinas, isang masipag na NGO si Tessie, PRO ng CFSI (Community & Family Services Intl. na tumutulong na ma-rebuild ang buhay ng mga babae at bata na na-displace ng giyera sa Mindanao.
Nagawa ring balikan ni Tessie ang kanyang pag-aartista, gumanap siyang ina ni Claudine Barretto sa Buttercup, enjoy siya at ang manonood sa kanyang pulang buhok.
Sa buwang ito, naka-dalawang gabi siya sa Comfort Room kasama ni Jon Santos. Dito binalikan niya ang trabaho na kung saan ay una siyang hinangaan, ang stand up comedy.
Sa Lunes nga pala, magsisimula na ang isang buwang birthday celebration niya sa Teysi. Makakasama niya ang mga kapwa niya Scorpio, Priscilla Almeda, Rafael Rosell, Paolo Paraiso, Aiza Marquez at Bembol Roco.
Sa Oktubre 28, sasamahan siya ng mga up and coming comedy divas, Tita Glow, Patricia Ysmael, Dang Cruz, Mosang at ang staff ng show.
Sa Okt. 29, may reunion sila ng Abangan ang Susunod na Kabanata stars, Sammy Lagmay, Nova Villa, Freddie Webb at Carmi Martin.
Sa Okt. 30, ang mga taga-Champoy naman ang well-wishers niya, Cherie Gil, Gary Lising, Ronnie Lazaro at Isko Salvador.
Sa Okt. 31 na siyang araw ng kanyang birthday, isang Halloween Morning Masquerade Ball ang theme ng show.
Kasamang hosts ni Tessie sina Dominic Ochoa ("Mula Sa Piso), Rey Kilay (Barangay Idol) at Patricia Ysmael (Doble Oke).
Napaka-swerte naman ng mag-asawang Jess at Rowie Zamora, dala-dalawa ang mga anak nila na nag-aartista. At hindi nila pinilit ang mga ito na mag-artista na tulad nang ginagawa ng ibang mga magulang ng artista na ipinanghahanapbuhay ang kanilang mga anak. Ang mga bata mismo ang may hilig umarte sa harap ng kamera.
Si Roje ay pitong taong gulang, nag-aaral sa isang exclusive school for girls, artista at ramp and commercial model. Nakatakdang ilabas ng Chowking ang latest commercial nito na siya ang modelo.
Lumalabas na ito sa mga childrens show tulad ng Hirayamanawari at napanood na sa mga palabas na Narito ang Puso Ko, Magpakailanman at Kakabakaba.
Ang apat na taong gulang na si Charlie ay umagaw ng pansin sa Kung Mawawala Ka bilang anak nina Cogie at Sunshine. Nang makasali siya rito ay tatlong taon lamang siya. Hindi lamang ako at ang maraming manonood ng nasabing serye ang humanga sa kanyang talino at naniniwala na he has the makings of a Snooky Serna and a Niño Muhlach na nagsimula rin bilang child stars, bilib din sa kanya ang direktor ng nasabing serye na si Joel Lamangan.
Ang dalawang bata ay kabilang sa mga inaalagaan ng GMA Artist Center.
Okay lang kay Diana Zubiri kung mas nakatuon ang pansin ng Seiko Films kay Francine Prieto. Ito at si Christian Vasquez ang inilulunsad sa pelikulang Liberated. Hindi naman supporting role ang ginagampanan niya kundi bida, isa siya sa apat na bida ng pelikula, ang ikatlo ay si Rodel Velayo.
"Ganito rin naman ako nang i-launch nila. At binibigyan naman nila ako ng magagandang projects, so wala akong reason to complain," ang sabi ng aktres na hindi rin nagpatalbog kay Francine sa kanyang mga eksena sa pelikula. Talagang lumaban ito ng paseksihan at patapangan sa kanyang mga bold scenes.
Ang Teysi na unang ka-back-to-back ng Morning Girls ay unang napanood sa oras na 10:30 ng umaga. Inagahan ito sa oras na ika-8 ng umaga. Akala nga ni Tessie wala nang makakapanood ng programa sa sobrang kaagahan nito pero, nagkamali siya. Ayon sa mga feedback na tinatanggap niya, mas marami ang nakakapanood ng programa ngayon, yung mga hindi pa pumapasok at yung mga maaga sa kanilang mga opisina.
Sa presscon na ibinigay ng ABS CBN para ihayag ang mga preparasyon na ginagawa ng istasyon para sa Teysi at sa selebrasyon na gagawin sa show para sa birthday ng host nito, dumating si Tessie na animo ay isang fashion plate, naka-maong jeans at naka-leather jacket na pula. Parang wala siyang problema gayong araw-araw ang palabas niya at kinakailangan niyang gumising ng maaga.
"Wala talaga akong problema sa show dahil masipag at magaling ang aking staff na linggu-linggo ay nag-uusap-usap para makagawa ng mga magagandang pakulo at portion ng show," ani Tessie.
Hindi rin bakas sa mukha ni Tessie ang pagod dahil bukod sa paghahanda ng Teysi ay madalas din siyang bumiyahe kasama ang kanyang asawang si Ka Roger Pullin. Incidentally, mayron na itong isang matagumpay na album na naglalaman ng gospel songs na pinamagatang "Travellers In Time".
Nung Abril, pumunta sila ng London para dumalo sa kasal ni Alice Pullin, anak ng kanyang kabiyak na itinuturing na rin niyang anak. Dumalo rin ang kanyang nag-iisang anak na si Robin na isa nang matagumpay na fashion designer sa Amerika.
Dito sa Pinas, isang masipag na NGO si Tessie, PRO ng CFSI (Community & Family Services Intl. na tumutulong na ma-rebuild ang buhay ng mga babae at bata na na-displace ng giyera sa Mindanao.
Nagawa ring balikan ni Tessie ang kanyang pag-aartista, gumanap siyang ina ni Claudine Barretto sa Buttercup, enjoy siya at ang manonood sa kanyang pulang buhok.
Sa buwang ito, naka-dalawang gabi siya sa Comfort Room kasama ni Jon Santos. Dito binalikan niya ang trabaho na kung saan ay una siyang hinangaan, ang stand up comedy.
Sa Lunes nga pala, magsisimula na ang isang buwang birthday celebration niya sa Teysi. Makakasama niya ang mga kapwa niya Scorpio, Priscilla Almeda, Rafael Rosell, Paolo Paraiso, Aiza Marquez at Bembol Roco.
Sa Oktubre 28, sasamahan siya ng mga up and coming comedy divas, Tita Glow, Patricia Ysmael, Dang Cruz, Mosang at ang staff ng show.
Sa Okt. 29, may reunion sila ng Abangan ang Susunod na Kabanata stars, Sammy Lagmay, Nova Villa, Freddie Webb at Carmi Martin.
Sa Okt. 30, ang mga taga-Champoy naman ang well-wishers niya, Cherie Gil, Gary Lising, Ronnie Lazaro at Isko Salvador.
Sa Okt. 31 na siyang araw ng kanyang birthday, isang Halloween Morning Masquerade Ball ang theme ng show.
Kasamang hosts ni Tessie sina Dominic Ochoa ("Mula Sa Piso), Rey Kilay (Barangay Idol) at Patricia Ysmael (Doble Oke).
Si Roje ay pitong taong gulang, nag-aaral sa isang exclusive school for girls, artista at ramp and commercial model. Nakatakdang ilabas ng Chowking ang latest commercial nito na siya ang modelo.
Lumalabas na ito sa mga childrens show tulad ng Hirayamanawari at napanood na sa mga palabas na Narito ang Puso Ko, Magpakailanman at Kakabakaba.
Ang apat na taong gulang na si Charlie ay umagaw ng pansin sa Kung Mawawala Ka bilang anak nina Cogie at Sunshine. Nang makasali siya rito ay tatlong taon lamang siya. Hindi lamang ako at ang maraming manonood ng nasabing serye ang humanga sa kanyang talino at naniniwala na he has the makings of a Snooky Serna and a Niño Muhlach na nagsimula rin bilang child stars, bilib din sa kanya ang direktor ng nasabing serye na si Joel Lamangan.
Ang dalawang bata ay kabilang sa mga inaalagaan ng GMA Artist Center.
"Ganito rin naman ako nang i-launch nila. At binibigyan naman nila ako ng magagandang projects, so wala akong reason to complain," ang sabi ng aktres na hindi rin nagpatalbog kay Francine sa kanyang mga eksena sa pelikula. Talagang lumaban ito ng paseksihan at patapangan sa kanyang mga bold scenes.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended