Ang bilis ng repeat show ni Sarah Geronimo
October 22, 2003 | 12:00am
Di na pinapaghintay ng matagal ng Viva Concerts ang mga fans ni Sarah Geronimo na di nakapanood nang unang ipalabas ang first major concert nito na pinamagatang Popstar...A Dream Come True. Agad ay ginawan ng repeat at mapapanood ito sa Oktubre 24, sa Music Museum din.
Nang unang i-announce ito ay marami agad ang bumili ng tiket. Ang nakatutuwa rito ay marami ang nakapanood na ng concert. Gusto lamang nilang makitang muli ang sinasabing next young diva, ang susunod na uupo sa trono ni Regine Velasquez.
Mabenta rin ang unang album ni Sarah na kapareho rin ng titulo ng concert. Platinum na ito at nakalabas na ang second single nito, ang "Broken Vow" na pinagdwetuhan nila ni Mark Bautista. Malapit nang mapanood ang video nito sa MYX.
Makakabili na ng tiket sa concert sa halagang P600 at P800 sa lahat ng National Bookstores, Music Museum at opisina ng Viva Concerts.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended