Bakit mabilis ang pagsikat ni Richard Gutierrez?
October 22, 2003 | 12:00am
Hindi pa natatagalan sa kanyang pag-aartista si Richard Gutierrez pero, napakabilis ng pagsikat nito. Ang kanyang mga kasabayan ay halos di makaagapay sa kanya. Naiiwan niya sila ng malayo.
Hindi naman pala ito nakapagtataka, nasaksihan ko mismo kung gaano siya ka-professional, kung paano niya pinahahalagahan ang kanyang trabaho.
Dalawang pelikula ang halos ay magkasabay niyang ginagawa. Bukod pa ito sa isang bagong TV show na kanyang ginagawa na kung saan ay kasama ako. Minsan ay dumating ito sa taping namin sa Antipolo, straight from his shooting of a Regal film na inabot ng alas-dos ng umaga. Tutuloy pa siya ng Baguio para sa isa pa ring taping. Tinanong ko siya kung wala bang naapektuhan sa kanyang ginagawa, baka kako nali-late siya dahil sa patung-patong na trabaho. Hindi raw, he sees to it na walang magiging reklamo sa kanya at walang magsa-suffer na tao.
Tingnan mo nga naman, nakauna na naman ang GMA-7 sa pag-import ng isang banyagang aktor na pagagawain nila ng telenovela. Sa halip nga naman na bumili ng yari nang telenovela, gagawa na lang sila. Bukod sa mas maganda itong lalabas, mabibigyan pa ng trabaho ang maraming Pinoy workers natin.
Marami ang may crush sa Argentinian na si Segundo Cernadas. Nun pang nasa Monica Brava ito ay marami ng fans. Gwapo kasi, mas gwapo sa bidang si Ivo. Maswerte nga si Iza Calzado na siya niyang leading lady. Bagay na bagay sila. Ano kaya kung magka-gustuhan sila? Magalit kaya si Lito Calzado?
Ayaw pa ring mag-asawa ni Vina Morales. Kahit nadagdagang muli ang kanyang edad. Nagkaroon ito ng celebration sa ASAP recently. Kapag napanood nyo yung number niya sa 50th celeb. ng ABS CBN (Im sure ipalalabas ito sa TV) naku, ang ganda, ang galing. Nanghihinayang lang ako na mas madalas siyang mag-perform sa US kaysa dito. Wala rin siyang movies. Bakit? Sayang ang mga talino na katulad ni Vina!!
Sana nga may magawa kay Angelika dela Cruz ang ginawa niyang paglipat ng istasyon.
Career move raw ito at sana nga hindi siya magsisi sa naging desisyon niya.
Ang sarap palang mag-judge sa isang pakontes na tulad ng Search for a Star. Pili yung tatlong kinuhang contestants. Sa tuwa ko, binigyan ko ng P1 thousand yung isang contestant pero, nari-realized ko na unfair ako sa dalawa kaya binigyan ko na silang pare-pareho.
Mabilis ang pagtaas ng rating ng Search for a Star, siguro dahil kakaunti na lang ang mga ganitong uri ng palabas ngayon at naka-discover ito ng isang Sarah Geronimo. At magaling na host si Regine Velasquez. Im sure marami pa ritong madi-discover.
Hindi naman pala ito nakapagtataka, nasaksihan ko mismo kung gaano siya ka-professional, kung paano niya pinahahalagahan ang kanyang trabaho.
Dalawang pelikula ang halos ay magkasabay niyang ginagawa. Bukod pa ito sa isang bagong TV show na kanyang ginagawa na kung saan ay kasama ako. Minsan ay dumating ito sa taping namin sa Antipolo, straight from his shooting of a Regal film na inabot ng alas-dos ng umaga. Tutuloy pa siya ng Baguio para sa isa pa ring taping. Tinanong ko siya kung wala bang naapektuhan sa kanyang ginagawa, baka kako nali-late siya dahil sa patung-patong na trabaho. Hindi raw, he sees to it na walang magiging reklamo sa kanya at walang magsa-suffer na tao.
Marami ang may crush sa Argentinian na si Segundo Cernadas. Nun pang nasa Monica Brava ito ay marami ng fans. Gwapo kasi, mas gwapo sa bidang si Ivo. Maswerte nga si Iza Calzado na siya niyang leading lady. Bagay na bagay sila. Ano kaya kung magka-gustuhan sila? Magalit kaya si Lito Calzado?
Career move raw ito at sana nga hindi siya magsisi sa naging desisyon niya.
Mabilis ang pagtaas ng rating ng Search for a Star, siguro dahil kakaunti na lang ang mga ganitong uri ng palabas ngayon at naka-discover ito ng isang Sarah Geronimo. At magaling na host si Regine Velasquez. Im sure marami pa ritong madi-discover.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended