Nadia nasa TV dahil sa pulitika?
October 21, 2003 | 12:00am
Mariing pinabulaanan ni Nadia Montenegro na ang dahilan ng pagpasok niya sa telebisyon ay para magkaroon ng exposure bilang paghahanda para sa pagpasok niya sa pulitika. Marami ang kumukumbinsi sa kanya na tumakbo sa 2004 bilang mayor ng Caloocan City na kung ilang taon ding pinaglingkuran ng kanyang asawang si Boy Asistio.
"Hindi pa namin ito napag-uusapan ni Boy," ang bungad ng hanggang ngayon ay maganda pa ring si Nadia na nagawang makapagbawas ng 24 kilos sa kanyang dating timbang.
"Pero, kung si Boy ang tatanungin mo, sasabihin niya na ayaw niyang mag-pulitika ako. Pero, kapag sinabi niyang go, go ako.
Pinauugong lang ang balitang ito dahil tatakbo si Gigi (Malonzo). Gusto nilang pagtapatin ang babae sa babae. Itong TV show five months nang ino-offer sa akin.
"Miss ko na rin ang pagharap sa kamera. Fifteen years ko na itong hindi ginagawa although naggi-guest din ako paminsan-minsan pero, iba yung may regular kang ginagawa.
"When I was first offered a 30-minute show, tumanggi ako. Napaka-ikli kasi ng oras para maipasok lahat ng mga ideas ko. Ang dami, gusto kong sumama sa Wow Philippines, gusto kong ituloy ang charity ko, ang dami kong letter senders at gusto kong i-grant lahat ng wish nila."
Ang bagong lifestyle/magazine show ay tatawaging Nadia. Mapapanood ito sa IBC 13, 11:00 ng umaga-12 ng tanghali, tuwing Sabado. Hindi nito pinapalitan ang Todays Mom. Mapapanood pa rin ito pagkatapos ng Nadia sa ika-12:30-1:00 ng tanghali. Tampok dito ang misis ng direktor ng Nadia na si Aljon Jimenez na si Manilyn Reynes at produced ng Tele-Media Productions, Inc.
Para mapaiba ang Nadia sa mga iba pang lifestyle shows, lalagyan ito ng out-of-the-box treatment na may segments sa Filipino icons sa sports, politics at showbiz, fashion trends, sensuality at sexuality, gastronomic treats, hip events and cool places, lifestyles of the rich and famous, empowered women, hunk or babe of the week at marami pang iba.
Marami ang na-cute-an kay Settawat Tay Sethakorn, ang Thai young actor na gumaganap bilang isa sa Amazing Twins, isang palabas na napapanood sa IBC 13 tuwing Sabado, 8:00 ng gabi. Akala ng marami ay Chinese din siya dahil naka-base siya sa Taiwan. Siya ang gumaganap ng Gary sa popular na palabas sa TV na nagtatampok din kay Jimmy Lin, isa pa rin matinee idol sa Asya. Hindi sila magka-anu-ano pero, napagkakamalan silang magkapatid dahil sa naturang palabas.
Katulad ng F4 ay kumakanta rin si Tay, isa siyang top recording artist at ang forte sa pelikula ay action.
Nasa bansa si Tay para i-promote ang kanyang TV show. Nakita siya sa SM malls at napanood din nang mag-guest siya sa Celebrity.DAT. com.
Talagang pinaghandaan yung 50th anniversary show ng ABS CBN na ginanap sa PICC. Daig ang maraming awards nights sa ganda ng mga numbers na ang mga gumanap ay pawang mga talents ng network maliban kina Tito, Vic & Joey na nakasama ni Dolphy sa kanyang number.
Ang ganda ng dance number ni Vina Morales. Muli, pinatunayan niya na isa siya sa pinaka-magagaling na artista ng bansa, mapa-sayaw man, kanta o acting. Sayang nga lamang at hindi niya maabut-abot ang rurok ng tagumpay na nababagay sa kanyang talino. Bakit kaya?
Piling-pili ang mga production numbers at pinaghandaan talaga. Walang number na pangit. Sayang nga at hindi ko natapos ang palabas. I had to go back to the office and finish my deadline.
"Hindi pa namin ito napag-uusapan ni Boy," ang bungad ng hanggang ngayon ay maganda pa ring si Nadia na nagawang makapagbawas ng 24 kilos sa kanyang dating timbang.
"Pero, kung si Boy ang tatanungin mo, sasabihin niya na ayaw niyang mag-pulitika ako. Pero, kapag sinabi niyang go, go ako.
Pinauugong lang ang balitang ito dahil tatakbo si Gigi (Malonzo). Gusto nilang pagtapatin ang babae sa babae. Itong TV show five months nang ino-offer sa akin.
"Miss ko na rin ang pagharap sa kamera. Fifteen years ko na itong hindi ginagawa although naggi-guest din ako paminsan-minsan pero, iba yung may regular kang ginagawa.
"When I was first offered a 30-minute show, tumanggi ako. Napaka-ikli kasi ng oras para maipasok lahat ng mga ideas ko. Ang dami, gusto kong sumama sa Wow Philippines, gusto kong ituloy ang charity ko, ang dami kong letter senders at gusto kong i-grant lahat ng wish nila."
Ang bagong lifestyle/magazine show ay tatawaging Nadia. Mapapanood ito sa IBC 13, 11:00 ng umaga-12 ng tanghali, tuwing Sabado. Hindi nito pinapalitan ang Todays Mom. Mapapanood pa rin ito pagkatapos ng Nadia sa ika-12:30-1:00 ng tanghali. Tampok dito ang misis ng direktor ng Nadia na si Aljon Jimenez na si Manilyn Reynes at produced ng Tele-Media Productions, Inc.
Para mapaiba ang Nadia sa mga iba pang lifestyle shows, lalagyan ito ng out-of-the-box treatment na may segments sa Filipino icons sa sports, politics at showbiz, fashion trends, sensuality at sexuality, gastronomic treats, hip events and cool places, lifestyles of the rich and famous, empowered women, hunk or babe of the week at marami pang iba.
Katulad ng F4 ay kumakanta rin si Tay, isa siyang top recording artist at ang forte sa pelikula ay action.
Nasa bansa si Tay para i-promote ang kanyang TV show. Nakita siya sa SM malls at napanood din nang mag-guest siya sa Celebrity.DAT. com.
Ang ganda ng dance number ni Vina Morales. Muli, pinatunayan niya na isa siya sa pinaka-magagaling na artista ng bansa, mapa-sayaw man, kanta o acting. Sayang nga lamang at hindi niya maabut-abot ang rurok ng tagumpay na nababagay sa kanyang talino. Bakit kaya?
Piling-pili ang mga production numbers at pinaghandaan talaga. Walang number na pangit. Sayang nga at hindi ko natapos ang palabas. I had to go back to the office and finish my deadline.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended