Nakabangga sa kotse ni Jojo, pinatawad ni Bong
October 20, 2003 | 12:00am
Nagti-taping si Jolo Revilla at ang ama nitong si VRB Chairman Ramon "Bong" Revilla, Jr. sa Filmex Studio para sa weekly-program nilang Idol Ko Si Kap! Todo Na To nang biglang maistorbo dahil sa may bumangga sa kotseng nakaparada sa compound ng Filmex Studio.
Isang motorsiklo ang di sinasadyang bumangga sa nakaparadang kotse ni Jolo Revilla sa Filmex Studio Compound. Tinamaan ang gawing likuran ng kotse ni Jolo, na ayon sa kanya ay malaki-laking halaga rin naman ang magagastos nila sa pagpapaayos nito.
Takang-takang lumabas si VRB Chairman Bong Revilla kasama ang anak nitong si Jolo, ang kanilang guest na si Ronaldo Valdez at ang mga sekyu para alamin ang buong pangyayari.
Inakala ng ilan sa mga naroroon na magagalit si Bong. Pero matapos ang pagpapaliwanag ng nakabangga na kaagad namang humingi ng despensa, naging maluwag naman ang kalooban nito na patawarin ang taong nakabangga. Anito, okey lang yung nangyari. Inalam pa nga ni Bong kung paano nito matutulungan yung nakabangga. Tumanggi naman itong magpatulong dahil aniya wala naman siyang naramdamang masakit sa katawan. Abut-abot ang pasasalamat nito sa ginawang pagpapatawad ni Bong sa kanya.
Nagpasalamat din si Bong na mainam na lang at sa kotse lang nangyari yung sakuna. Ang mahirap nito ay kung may nakasakay o buhay na ng tao ang nakasalalay. Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended