^

PSN Showbiz

Angel,Chynna malapit nang magpang-abot

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Nakinig kami sa kwentuhan nina Mikey Arroyo at Aster Amoyo (may rhyme). Tinanong ni Aster si Mikey kung type nitong mag-guest sa mga sitcom para i-promote ang pelikula niyang Kapitan Kidlat? Oo naman agad ang sagot ni Mikey, basta ‘wag lang daw sa Bubble Gang na ikinagulat namin dahil marami ang viewers ng gag show.

Nasakyan din namin kung bakit ayaw ni Mikey na mag-guest sa show. Si Rufa Mae Quinto pala ang dahilan. Ayaw na raw niyang mabuhay ang intriga sa kanila na matagal ding pinagpyestahan ng press at pinaniwalaan ng tao.

Ngiti lang ang reaksyon ni Mikey nang biruin naming swerte rin sa kanya si Rufa Mae dahil may letter M sa pangalan nito. Sabi kasi ng actor-politician, swerte sa kanya ang letter M dahil kumita ang Masamang Ugat, si Maui Taylor ang leading lady niya roon at Mikaela ang name ng baby daughter nila ni Angela Montenegro-Arroyo. Ang paulit-ulit na "mabait na ako" ang sagot ni Mikey sa aming pang-iintriga.
* * *
Maganda ang timing na walang regular TV show si Sunshine Dizon dahil nakakapag-concentrate siya sa paggawa ng pelikula. Lagare siya sa shooting ng Filipinas at Masikip Sa Dibdib (Talambuhay ni Bobita Rose).

Enjoy si Sunshine sa dalawang pelikula na magkaiba ang tema. Kung drama ang Filipinas, comedy naman ang Bobita Rose. Natupad sa unang pelikula ang matagal na niyang pangarap na makasama si Maricel Soriano at sa pangalawang pelikula’y makikipagsabayan naman siya sa pagpapatawa kay Rufa Mae.

Sa cast palang ng Bobita Rose, nakakatawa na. Magkakapatid sina Rufa Mae, Sunshine at John Lapus at nanay at tatay nila sina Gina Pareño at Swarding. Mauuna itong ipalabas dahil isa ito sa mga pelikulang pang-anniversary presentation ng Viva Films sa November. Personal choice ni Rufa Mae si Sunshine na gumanap na kanyang kapatid dahil alam nitong mahusay sa comedy ang young actress.

Masaya si Sunshine ngayon dahil sumasabay sa magandang takbo ng kanyang career ang maayos na lovelife. Maligaya si Sunshine sa piling ng boyfriend niyang si Frank Garcia ng Power Four na gwapo na’y malambing at maasikaso pa.
* * *
Enjoy kami sa pakikinig sa kwento ng kaibigan naming reporter sa mga nangyayari sa shooting ng Kuya ng Regal Entertainment.

Dalawang beses na raw nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang cast dahil may mga kasama silang nali-late sa pagri-report sa shooting. Mabuti kung isa o dalawang oras lang nali-late, pero, kung 11 hours late, ibang usapan na’t tama lang na ipag-init ng ulo ng mga matagal na naghihintay sa set.

Lagi ring pinakikiramdam kapag magkasama sa set sina Chynna Ortaleza at Angel Locsin na walang tigil ang parinigan. Kahit magkasama sila sa GMA Artists Center ay hindi sila magkasundo. Pinagseselosan daw ni Chynna si Angel dahil ito ang ka-loveteam ng boyfriend niyang si Railey Valeroso. Pero, kung iisipin, walang dapat ipagselos si Chynna kay Angel dahil taken na ito’t boyfriend nito si Miko Sotto.

Kasama sa pelikula si Railey na natatawa’t nailing na lang daw kapag nagsimula nang maging bitchy sa isa’t isa sina Chynna at Angel dahil sa kanya. Parehong palaban ang dalawa’t siguradong walang patatalo sa kanila.
* * *
Gagawin sa Little Theater ng Cultural Center of the Philippines ang two-night major concert ni Yamani. Billed I Am Woman. . . Yamani at the CCP ang concert sa November 23 at December 2. Guests niya sina Calvin Millado, Gladys Guevarra, Whiplash Dancers at Verni Varga.

Princess of Music Lounges
ang tawag kay Yamani dahil sa mga sikat na lounges gaya ng Calesa Bar ng Hyatt Regency at sa Richmonde Hotel siya regular na kumakanta.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANGELA MONTENEGRO-ARROYO

BOBITA ROSE

CENTER

CHYNNA

DAHIL

MIKEY

RUFA MAE

YAMANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with