15 sa 26 voting members ng PMPC,nasa 'blow out ng Dos isang araw bago magbotohan ?
October 19, 2003 | 12:00am
Marami ng nakakapansin at nanonood ng bagong legal drama sa RPN 9, May Puso Ang Batas. Malakas ang katapat ng show pero, maganda na ang pinakikitang rating nito sa kanyang Sunday, 8 to 9 pm slot.
Sina Dinno Erece at Clarissa Estuar ang mga writers ng programa at ang US schooled na si Ruel Bayani naman ang director.
Sa laki ba naman ng cast ng May Puso Ang Batas Boots Anson Roa, Ricky Davao, Gary Estrada, Pinky de Leon, Toni Gonzaga, Chinggoy Alonzo, Maritoni Fernandez, Jenine Desiderio, Michael Williams, Lyn Sherman malaking atraksyon na sa mga televiewers. Dagdag pa si Senador John Osmeña as Atty. John Osorio bilang big boss ng Juares-Osorio law office sa istorya.
Sa Linggo matatapos ang mga kasong nasimulan last Sunday, mga death cases na hawak ng law office. Sina Leandro Muñoz, Lito Legaspi at Regee Curley ang mga guest stars this week.
Sinu-sino ang 15 kasali sa 26 voting members ng PMPC TV Star Awards ang naroon sa sinasabing "blow-out" sa isang restaurant sa tapat ng ABS-CBN, isang araw bago magbotohan ng mga winners?
Ang bilang ng mga bumoto 26 lang. Ibig sabihin, kung nakatiyak sa 15 boto pwedeng maghakot ng awards!
Ang akala ko, may ruling ang PMPC na hindi maaring dumalo kahit sa presscon ng mga networks ang mga voting members ng TV Star Awards, sa panahon ng screening, hanggang nominations o pagpili ng finalist at hanggang sa final selections ng winners.
Ano naman kaya ang naganap sa sinabing "blow-out" party na ang dumalo ay pinangunahan pa ng PMPC president na si Julie Bonifacio?
Congratulations to Jose Mari Chan na nagwaging "Album of the Year" ang kanyang "A Hearts Journey" sa katatapos na Awit Awards ng Philippine Association of the Record Industry.
Napiling "Album of the Year" ang plakang ito ni Jose, pero tila hindi naman masyadong pinatutugtog sa mga radio ang mga kanta nito. Ang music industry mismo ang nagbigay ng parangal sa "A Hearts Journey". Ibig sabihin, talagang magaganda ang mga laman ng kanta nito. Bakit naman parang inaayawan ng mga radio?
Sina Dinno Erece at Clarissa Estuar ang mga writers ng programa at ang US schooled na si Ruel Bayani naman ang director.
Sa laki ba naman ng cast ng May Puso Ang Batas Boots Anson Roa, Ricky Davao, Gary Estrada, Pinky de Leon, Toni Gonzaga, Chinggoy Alonzo, Maritoni Fernandez, Jenine Desiderio, Michael Williams, Lyn Sherman malaking atraksyon na sa mga televiewers. Dagdag pa si Senador John Osmeña as Atty. John Osorio bilang big boss ng Juares-Osorio law office sa istorya.
Sa Linggo matatapos ang mga kasong nasimulan last Sunday, mga death cases na hawak ng law office. Sina Leandro Muñoz, Lito Legaspi at Regee Curley ang mga guest stars this week.
Ang bilang ng mga bumoto 26 lang. Ibig sabihin, kung nakatiyak sa 15 boto pwedeng maghakot ng awards!
Ang akala ko, may ruling ang PMPC na hindi maaring dumalo kahit sa presscon ng mga networks ang mga voting members ng TV Star Awards, sa panahon ng screening, hanggang nominations o pagpili ng finalist at hanggang sa final selections ng winners.
Ano naman kaya ang naganap sa sinabing "blow-out" party na ang dumalo ay pinangunahan pa ng PMPC president na si Julie Bonifacio?
Napiling "Album of the Year" ang plakang ito ni Jose, pero tila hindi naman masyadong pinatutugtog sa mga radio ang mga kanta nito. Ang music industry mismo ang nagbigay ng parangal sa "A Hearts Journey". Ibig sabihin, talagang magaganda ang mga laman ng kanta nito. Bakit naman parang inaayawan ng mga radio?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended