Dueto nina Aiza at Vic Sotto maririnig sa 40 istasyon ng radyo
October 19, 2003 | 12:00am
Bukas maririnig sa 40 istasyon ng radyo ang awiting "What Matters Most", isang special featured song sa pinakahuling album ni Aiza Seguerra sa Vicor Music Corporation. Ka-dueto ni Aiza sa nasabing album si Vic Sotto. Participating stations are Star-FM, Love Radio, Yes FM, I-FM, WRR Kool, Hot FM, GMA Radio Baguio, Dagupan, Cebu & Davao, Radio One Dagupan, MOR Cebu at marami pang iba.
Ang "What Matters Most" ay isa sa 12 awitin na nakapaloob sa album ni Aiza na pinamagatang "Sabi Ng Kanta" na ilalabas na sa Oktubre 25. Ilo-launch din ang album sa programang Eat Bulaga.
Talagang pinalalakas ng business partners na sina Duds Santiago at Calvin Neria ng Cast & Crew Production ang palabas nilang Showgirls. Palagi ang pagdaragdag nila ng artista. Latest sexy star na kinuha nila para makasama nina Jenny Miller, Cherry Lou, Belinda Bright, Francine Prieto, Juliana Palermo, Regine Tolentino, Diana Zubiri, Angela Velez at Aleck Bovick ay si Yda Manzano, gumanap sa mga pelikulang Gamu-Gamong Dagat kasama si Klaudia Koronel, Sa Iyong Mga Haplos at ang katatapos lang na First Time ng Viva Films.
Kung natatandan nyo rin, siya yung pumayag makunan on national TV habang nagpapa-enhance ng boobs.
Makakasama si Yda sa Showgirls (The Showdown) provincial tour sa Oktubre 18 sa Batangas Sports Complex, ika-9 ng gabi.
Kung makakaya ni Yda na makipagsabayan sa mga unang nabanggit na sexy stars ay malalaman kapag na-retain siya sa show at hindi maging one night performer only. Si Yda ay nasa management ngayon ni Richard Hiñola (09198107866), nagpasikat kina Angela Velez, Stella L, Pamela Ortiz at Hanni Miller.
Nagiging versatile si Dingdong Dantes. Matapos mapatunayan ang kanyang kakayahang mag-direct sa Kakabakaba, hosting naman ang sasabakan niya, kapareha si Nancy Castiglione sa bagong palabas ng GMA7 na Starstruck. Isa itong kakaibang talent search na mapapanood araw-araw na kung saan ay kinakailangang malusutan ng mga may ambisyong mag-artista ang mga hamon na darating sa kanilang buhay.
Ang "What Matters Most" ay isa sa 12 awitin na nakapaloob sa album ni Aiza na pinamagatang "Sabi Ng Kanta" na ilalabas na sa Oktubre 25. Ilo-launch din ang album sa programang Eat Bulaga.
Kung natatandan nyo rin, siya yung pumayag makunan on national TV habang nagpapa-enhance ng boobs.
Makakasama si Yda sa Showgirls (The Showdown) provincial tour sa Oktubre 18 sa Batangas Sports Complex, ika-9 ng gabi.
Kung makakaya ni Yda na makipagsabayan sa mga unang nabanggit na sexy stars ay malalaman kapag na-retain siya sa show at hindi maging one night performer only. Si Yda ay nasa management ngayon ni Richard Hiñola (09198107866), nagpasikat kina Angela Velez, Stella L, Pamela Ortiz at Hanni Miller.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended