^

PSN Showbiz

Ara Mina kontrabida

-
Marami ang nagtatanong kung desperado na raw ba si Ara Mina dahil tumanggap ito ng kontrabida role sa pelikulang Fantastik Man ng Octo-Arts/M-Zet Films?

Feeling ng mga fans niya ay baka makaapekto ito sa kanyang standing bilang isang mahusay na bidang babae at baka pagkatapos nito ay ma-typecast na lamang siya sa pagiging kontrabida.

"Hindi naman. Napaka-challenging nga ng role kaya, bakit ko palalampasin? Sa Hollywood nga usung-uso na rin ang mga bida na tumatanggap ng role ng kontrabida. Gaya ni Demi Moore na kontrabida sa pelikulang Charlie’s Angels. Hindi ko pa maalala yung ibang mga bidang babae na pumapayag mag-kontrabida pero, marami sila," ani Ara nang pasyalan ko sa kanyang shooting ng Fantastik Man sa Intramuros. Nakatapos na siya ng kanyang eksena at inaalis na ang kanyang prosthetics. Kung gaano kahirap at katagal ilagay ito ay ganun din kahirap ito alisin. Namumula na ang kanyang pisngi at kahit nangingiwi na ang kanyang mukha ay wala siyang reklamo. "It’s all part of the job," katwiran niya.

Si Diabolika ang kanyang role, ay may super powers, nakakalipad at nagkakaroon ng mga galamay kapag ginusto niya. Dual ang role niya tulad din ni Vic Sotto. Kapag wala siyang powers ay isa siyang ordinaryong librarian na apple of the eyes ni Vic. Maganda ang costume niya na nagpapakitang muli ng kanyang magandanga pangangatawan.

"Second time ko nang maging Diabolika. Ito rin ang pangalan ko sa isang movie na ginawa ko sa Regal. Sinabi ko ito sa kanila pero sabi nila ay matagal na naman ito kaya ginamit nilang muli ang pangalan," imporma ni Ara.

Na-possessed ng isang alien si Ara kaya nagiging Diabolika.

Kasama rin sa movie sina Michael V., Zoren Legaspi, Leo Martinez, Nanette Inventor, Jimmy Santos, Rudy Meyer, Dick Israel, Danica Sotto, Marissa Sanchez at ipinakikilala sina Alicia Meyer at Valerie Concepcion.

Direksyon ni Tony Y. Reyes. — VRS

vuukle comment

ALICIA MEYER

ARA MINA

DANICA SOTTO

DEMI MOORE

DIABOLIKA

DICK ISRAEL

FANTASTIK MAN

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with