^

PSN Showbiz

Nadia Montenegro tatakbong mayor ng Caloocan City

RATED A - Aster Amoyo -
Ang swerte naman ng boyfriend ni Ciara Sotto na si John Lloyd Cruz dahil siya ang naka-first kiss (on screen) sa youngstar na si Bea Alonzo. Dalawang beses na itong nangyari – una sa pinagtatambalan nilang teleserye, ang Kay Tagal Kang Hinintay at sa first movie nila together bilang loveteam, ang My First Romance na tinatampukan din nina Heart Evangelista at John Prats.

Kinse anyos pa lamang si Bea at never pang nakaranas na magkaroon ng boyfriend. Pero dahil sa nature ng kanyang trabaho at sa loveteam nila ni John Lloyd, napaaga ang experience ni Bea ng kanyang first kiss.

Hindi rin ikinakaila ng teenstar na talagang kinabahan siya sa kanyang first kiss. Ang nakalimutan namin itanong kay Bea ay kung kinilig ba siya sa halik sa kanya ni John Lloyd.

Walang alinlangan na ang team-up nina Bea at John ang isa sa pinakamainit na loveteam ngayon. Pareho ring in-demand ang dalawa sa iba’t ibang product endorsements.
* * *
May nagbabawal kaya kay Camille Prats na aminin ang relasyon nila ng nakababatang kapatid ni LJ Moreno na si Francis Ricafort? Ang alam namin, mahigit two years nang kasintahan ni Camille si Francis na best friend ng kuya niyang si John Prats. Di ba’t si Francis ang naging surprise guest ni Camille sa kanyang debut?

Mabait at magalang si Francis at parang ka-pamilya na rin ang turing sa kanya ng pamilya Prats. Nasaksihan ko na rin ang sweetness ng dalawa nang minsang magkaroon kami ng pictorial sa bahay ng mga Prats sa Cainta Rizal.

Madaling nagka-debelopan sina Camille at Francis dahil na rin sa pagiging magkaibigan nina Francis at John. Madalas na nasa bahay ng mga Prats si Francis.

Iisa rin ang pinapasukang school nina John at Francis, ang Thames International School.

Sa pagkakaalam namin, bini-build-up ng ABS-CBN ang team-up nina Camille at Juddha Paolo na siyang magkatambal sa Tabing Ilog. Ito marahil ang dahilan kaya hindi pwedeng umamin si Camille sa relasyon nila ni Francis.
* * *
May gulo palang nangyari sa programang Today’s Mom sa IBC-13 na napapanood tuwing Sabado, 11:00 a.m. to 12:00 noon originally hosted by Manilyn Reynes, Gigi Malonzo at Atty. Joanne Cañete mula sa direksiyon ni Aljon Jimenez. May tsismis na lumabas na na-insecure umano si Gigi kay Manilyn dahil ito umano ang mas pinapaboran ng direktor na si Aljon dahil asawa ito ni Manilyn bagay na agad namang pinabulaanan ng huli.

Napag-alaman namin na umalis na umano si Gigi sa nasabing programa at sa halip ay magpu-produce na lang ito ng sariling programa na may pamagat na Okay, Mommy Ko na pagsasamahan umano nila ni Marjorie Barretto at gusto rin umano ni Gigi sa same timeslot ng iniwan niyang Today’s Mom.

Pero isang insider ang nagkwento sa amin na malilipat na sa ibang timeslot ang Today’s Mom na pagsasamahan pa rin nina Manilyn at Atty. Cañete dahil ang 11:00 a.m. to 12:00 noon slot ay mapupunta na sa bagong show na pinamagatang Just You and Me na pagsasamahan naman nina Nadia Montenegro at Lotlot de Leon na nakatakdang magsimula sa darating na Oktubre 25.

Kung naging magkatunggali sa pulitika sina dating mayor Boy Asistio at Mayor Rey Malonzo sa Kalookan, mukhang ang kanilang respective partners naman ang maglalaban ng programa sa telebisyon at hindi rin malayong silang dalawa ang magkalaban sa pulitika balang araw.

May naririnig akong balita na tatakbo umano si Gigi sa pagka-mayor ng Kalookan at may nagpu-push naman daw kay Nadia na tumakbong mayor ng Kalookan kaya kung saka-sakali, baka sina Gigi at Nadia ang maging magkaribal hindi lamang ng TV program kundi maging sa larangan ng pulitika.

vuukle comment

BEA

CAMILLE

FRANCIS

GIGI

JOHN

JOHN LLOYD

JOHN PRATS

KALOOKAN

MANILYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with