Ideal father daw,babaero pala ang aktor
October 16, 2003 | 12:00am
May nakapagbulong sa akin tungkol sa sikat na actor na nanggaling sa angkan ng mga artista. Kung titingnan mo ay isang ideal father ito dahil kahit minsan ay di siya nasangkot sa gulo. Ni minsan din ay hindi ito na-link sa ibang babae gayung napaka-gwapo pa rin kahit may edad na.
Pero tago lang pala ang pagka-pabling nito. Ayon sa aking source ay may naanakan itong babae na di taga-showbiz. Maganda ang babae at bata pa raw kung saan 21 years old lang ito. Alam kaya ito ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang asawa na talagang mahal na mahal din siya?
Ang aktor na pabling din pala ay may mga anak na artista rin.
Ipinakita ni Janice de Belen na may pinag-aralan siya. Nang hingan siya ng reaksyon tungkol sa pagkakabanggit ni John Estrada sa pangalan ni Vanessa del Bianco na pinaghandugan nito ng Best Drama Actor trophy ay di mo makita ang galit at pagbibitiw ng masakit na salita ni Janice laban sa dating asawa.
Kung sa iba lang ito nangyari ay baka kung anu-ano nang masasakit na salita ang pinakawalan nito kay John. Nangangahulugan lang na sa pagsasawalang kibo ni Janice tungkol sa binanggit ng ex-hubby ay wala siyang bitterness sa puso. Hanga kami sa ganitong klase ng babae na tanggap ang reyalidad ng buhay.
Janice is intelligent and she remains emotionally stable kaya laging positibo ang pananaw nito sa buhay. Kaya naman credible siya bilang host ng Sis.
Freelancer na si Maui Taylor at nasa pangangalaga na siya ng bagong manager na si Dondon Monteverde. Ang Bugbog Sarado pala ang last movie ng sexy actress sa Viva Films.
Hindi na ito nag-renew ng kontrata dahil pakiramdam ni Maui ay may paborito ngayong bagong sexy star ang Viva. Gayunpaman tumatanaw ng malaking utang na loob sa kompanya ang magandang sexy star dahil nabigyan siya ng malaking break dito at sumikat din bilang artista.
Marami na ring mga artista ang nali-link kay Dingdong Dantes. Kabilang dito sina Antoinette Taus at Tanya Garcia. Pero hanggang ngayon ayon sa aktor ay wala pa siyang nagiging girlfriend. "Minsan kasi, kapag lagi kayong magkasama ay nagkakaroon ng misinterpretation at akala ay magnobyo na kayo. Gusto kong maging pribado ang aking lovelife at hindi pa ako handa para maging seryoso sa isang relasyon," aniya.
Kasalukuyang tinatapos ni Dingdong ang Malikmata na isang horror-suspense movie na entry ng Canary Films sa Metro Manila Film Festival.
Isa rin sa malaking dahilan kung bakit hindi pa siya handang magka-nobya ay dahil marami pang pangarap ang aktor na nais matupad. Nais ni Dingdong na maging isang matagumpay na direktor. Nabigyan ito ng break nang idirek ang Kakabakaba.
Natutuwa kami sa karangalang natamo ni Valerie Concepcion bilang Best New TV Personality sa nakaraang Star Awards for TV ng PMPC. May ibubuga naman sa pag-arte ang magandang teener kaya nabigyan ng maraming proyekto mula sa Click hanggang Bubble Gang.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagwo-workshop para lalo pang mahasa sa pag-arte. Fifteen years old pa lang ang dalagita kaya malayo pa ang mararating nito.
Pero tago lang pala ang pagka-pabling nito. Ayon sa aking source ay may naanakan itong babae na di taga-showbiz. Maganda ang babae at bata pa raw kung saan 21 years old lang ito. Alam kaya ito ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang asawa na talagang mahal na mahal din siya?
Ang aktor na pabling din pala ay may mga anak na artista rin.
Kung sa iba lang ito nangyari ay baka kung anu-ano nang masasakit na salita ang pinakawalan nito kay John. Nangangahulugan lang na sa pagsasawalang kibo ni Janice tungkol sa binanggit ng ex-hubby ay wala siyang bitterness sa puso. Hanga kami sa ganitong klase ng babae na tanggap ang reyalidad ng buhay.
Janice is intelligent and she remains emotionally stable kaya laging positibo ang pananaw nito sa buhay. Kaya naman credible siya bilang host ng Sis.
Hindi na ito nag-renew ng kontrata dahil pakiramdam ni Maui ay may paborito ngayong bagong sexy star ang Viva. Gayunpaman tumatanaw ng malaking utang na loob sa kompanya ang magandang sexy star dahil nabigyan siya ng malaking break dito at sumikat din bilang artista.
Kasalukuyang tinatapos ni Dingdong ang Malikmata na isang horror-suspense movie na entry ng Canary Films sa Metro Manila Film Festival.
Isa rin sa malaking dahilan kung bakit hindi pa siya handang magka-nobya ay dahil marami pang pangarap ang aktor na nais matupad. Nais ni Dingdong na maging isang matagumpay na direktor. Nabigyan ito ng break nang idirek ang Kakabakaba.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagwo-workshop para lalo pang mahasa sa pag-arte. Fifteen years old pa lang ang dalagita kaya malayo pa ang mararating nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended