Gary, walang dala sa pulitika
October 15, 2003 | 12:00am
Inamin sa amin ni Gary Estrada na muli siyang tatakbo sa darating na eleksyon. Natalo siya sa nakaraang halalan nang tumakbo siya bilang Mayor ng San Antonio, Quezon. Marami siyang pagkakamali noon, di pa raw siya sanay, and he learned a lot from the experience. In next years election, he will again seek the same post, as Mayor.
Inabutan namin a couple of Sundays ago si Gary sa taping ng bago niyang weekly series, (aired every Sunday at 8 pm over RPN 9) ang May Puso Ang Batas. Ang episode nina Jao Mapa ang naabutan naming kinukunan. Idinemanda siya ng kanyang employer (Evangeline Pascual) for sexual harrassment at gustong matanggal sa trabaho.
Kasama niya rito, sina Ms. Boots Anson-Roa, Ricky Davao, Pinky de Leon, Toni Gonzaga, Maritoni Fernandez, pati si Senator John Osmeña.
Ang serye ay tumatalakay ng mga totoong pangyayari base sa mga resolved at on-going cases ng ating korte. Isang de-kampanilyang abogado ang role na gagampanan dito ni Goryo. He is a fresh law graduate who finished Magna Cum Laude and topped the bar examinations.
Nawala na ang karakter niyang Richard sa highly-rated series ng Dos, ang Sanay Wala Nang Wakas. Pero maganda ang iniwan niyang impresyon sa mga tagasubaybay ng series.
Towards the end, ipinaramdam pa rin niya ang pagmamahal sa asawang si Elizabeth (Cherry Pie Pichache) malaki ang impact nito sa mga tagasubaybay ng soap opera na pinangungunahan din nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, kasama sina Marvin Agustin, Kaye Abad at Ms. Gloria Romero. BDC

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended