Nagkaroon ng gapangan sa TV Star Awards
October 15, 2003 | 12:00am
Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang naging resulta nung nakaraang Star Awards for TV ng PMPC na ginanap sa UP Theater nung nakaraang Sabado. Sa kauna-unahang pagkakataon, inulan ng batikos ang pamunuan ng Philippine Movie Press Club dahil sa mga choices ng mga nanalo at ang ilang blunder na naganap sa gabi na rin mismo ng parangal. Mukhang hindi rin coordinated ang production people na siyang in-charge ng palabas at ang pamunuan ng PMPC dahil hindi nagtugma ang kanilang bumper announcement sa mga totoong inihayag na nanalo like sa case ni Cristy Fermin na siyang nanalong Best Showbiz-Oriented Female Host habang si Kris Aquino (isa sa mga nominees) naman ang kinu-congratulate sa bumper voice over. Naulit ito kay Edu Manzano bilang Best Comedy Actor pero ang in-announce na nanalo ay si Vic Sotto na hindi nakadalo dahil may shooting ng Fantastik Man kaya ang kuya niyang si Sen. Tito Sotto ang tumanggap ng parangal para sa kanya.
Hindi kami personal na nakadalo sa gabi ng parangal ng Star Awards for TV pero natunghayan namin ito sa telebisyon na natapos ng pasado alas-dos ng madaling araw.
Ayaw naming maniwala sa mga kumakalat na balita na nagkaroon umano ng gapangan at the last minute kaya maraming original winners ang napalitan. Sa totoo lang, maraming winners ang kwestyonableng manalo. Napag-alaman din namin na marami sa mga members ng PMPC ay nagpi-PR sa dalawang TV networks kaya paano nga naman sila magiging fair sa botohan?
Dapat siguroy baguhin na ang mga polisya ng organisasyon kung gusto nilang maibalik ang tiwala sa kanila ng publiko.
Swerte ang pagkakapanalo ni Snooky Serna sa nakaraang Star Awards for TV dahil ito ang naging daan para mapansin siya ng Viva Films. At the last minute nagdesisyon ang Viva big boss na si G. Vic del Rosario na isama sa Kapten Barbel si Snooky para makapareha ni Albert Martinez sa pelikula na tinatampukan nina Ogie Alcasid, Bong Revilla, Regine Velasquez at Rufa Mae Quinto.
Nanalo si Snooky dahil sa kanyang mahusay na performance sa teleseryeng Habang Kapiling Ka kung saan din niya kapareha ang kanyang ex-boyfriend na si Albert.
Magtatapos man sa ere ang teleseryeng Habang Kapiling Ka na siyang naging daan ng kanyang pagkakapanalo ng Best Drama Actress, may pelikula namang kapalit.
Ipinagdiriwang ng presidential son at part time actor na si Mikey Arroyo ang kanyang ikapitong taon sa showbiz sa taong ito. Unang pumasok si Mikey sa showbiz noong taong 1996 sa pamamagitan ng pelikulang Anak, Pagsubok Lang na pinagbidahan ni Robin Padilla mula sa direksiyon ni Deo Fajardo sa ilalim ng FLT Films. Ginawa ni Robin ang pelikula habang siyay nasa loob pa ng Muntinlupa.
Hindi ko rin makakalimutan na ang first TV guesting ni Mikey ay nangyari sa dati kong TV showbiz talk show sa GMA, ang Inside Showbiz. Naging suki ko rin siyang guest sa aking dating radio program sa DWIZ, ang Inside Showbiz with Aster na tumagal ng apat na taon. Maging si Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ay dalawang beses kong naging in-studio guest nung Vice-President pa ito at dalawang beses naman sa tv nung senador pa siya.
Nung magsimula si Mikey sa showbiz ay senador pa lamang ang kanyang ina na naging supportive naman sa kanya sa pagpasok niya sa showbiz.
Palibhasay nasa dugo ni Mikey ang pulitika at public service, kumandidato siyang vice-governor ng Pampanga at pinalad naman siyang manalo.
Sa darating na halalan ay target naman ni Mikey ang kongreso na hindi naman kataka-takang makuha niya dahil bukod sa kanyang mga constituents sa Pampanga, suportado siya ng outgoing congresswoman at maging ang mga mayors ng second district ng Pampanga.
"Nakaka-inspire ang suporta na ibinibigay sa akin ng aking mga constituents kaya lalo akong pursigido na ipagpatuloy ang aking pangarap na maging kongresista para na rin sa kanila," ani Mickey.
Sa tatlong anak ni Pangulong GMA, tanging si Mikey lamang ang sumunod sa yapak ng kanyang Lolo Dadong (former Pres. Diosdado Macapagal_ at sa kanyang ina although hindi rin masabi ni Mikey na baka pumasok din sa pulitika balang araw ang kanyang bunsong kapatid na si Dato.
Sa kabila ng pagiging abala ni Mikey sa pulitika, naisisingit pa rin niya ang paggawa ng pelikula paminsan-minsan. Katatapos lang niyang gawin ang remake ng Kapitan Kidlat at sisimulan naman niya sa Viva ang Six In The City, isang comedy movie na pagsasamahan nila nina Joey de Leon at iba pa mula sa direksiyon ni Al Tantay na siya ring nagdirek kay Mikey sa A.B. Normal College na produced din ng Viva Films.
Excited ding ibinalita sa amin ni Mikey na mag-iisang taon na ang unang supling nila ng kanyang misis na si Angela, si Mikaela Gloria sa darating na Nov. 4 pero ang birthday party na gaganapin sa Malacañang Garden ay gaganapin sa Nov. 9.
Hindi kami personal na nakadalo sa gabi ng parangal ng Star Awards for TV pero natunghayan namin ito sa telebisyon na natapos ng pasado alas-dos ng madaling araw.
Ayaw naming maniwala sa mga kumakalat na balita na nagkaroon umano ng gapangan at the last minute kaya maraming original winners ang napalitan. Sa totoo lang, maraming winners ang kwestyonableng manalo. Napag-alaman din namin na marami sa mga members ng PMPC ay nagpi-PR sa dalawang TV networks kaya paano nga naman sila magiging fair sa botohan?
Dapat siguroy baguhin na ang mga polisya ng organisasyon kung gusto nilang maibalik ang tiwala sa kanila ng publiko.
Nanalo si Snooky dahil sa kanyang mahusay na performance sa teleseryeng Habang Kapiling Ka kung saan din niya kapareha ang kanyang ex-boyfriend na si Albert.
Magtatapos man sa ere ang teleseryeng Habang Kapiling Ka na siyang naging daan ng kanyang pagkakapanalo ng Best Drama Actress, may pelikula namang kapalit.
Hindi ko rin makakalimutan na ang first TV guesting ni Mikey ay nangyari sa dati kong TV showbiz talk show sa GMA, ang Inside Showbiz. Naging suki ko rin siyang guest sa aking dating radio program sa DWIZ, ang Inside Showbiz with Aster na tumagal ng apat na taon. Maging si Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ay dalawang beses kong naging in-studio guest nung Vice-President pa ito at dalawang beses naman sa tv nung senador pa siya.
Nung magsimula si Mikey sa showbiz ay senador pa lamang ang kanyang ina na naging supportive naman sa kanya sa pagpasok niya sa showbiz.
Palibhasay nasa dugo ni Mikey ang pulitika at public service, kumandidato siyang vice-governor ng Pampanga at pinalad naman siyang manalo.
Sa darating na halalan ay target naman ni Mikey ang kongreso na hindi naman kataka-takang makuha niya dahil bukod sa kanyang mga constituents sa Pampanga, suportado siya ng outgoing congresswoman at maging ang mga mayors ng second district ng Pampanga.
"Nakaka-inspire ang suporta na ibinibigay sa akin ng aking mga constituents kaya lalo akong pursigido na ipagpatuloy ang aking pangarap na maging kongresista para na rin sa kanila," ani Mickey.
Sa tatlong anak ni Pangulong GMA, tanging si Mikey lamang ang sumunod sa yapak ng kanyang Lolo Dadong (former Pres. Diosdado Macapagal_ at sa kanyang ina although hindi rin masabi ni Mikey na baka pumasok din sa pulitika balang araw ang kanyang bunsong kapatid na si Dato.
Sa kabila ng pagiging abala ni Mikey sa pulitika, naisisingit pa rin niya ang paggawa ng pelikula paminsan-minsan. Katatapos lang niyang gawin ang remake ng Kapitan Kidlat at sisimulan naman niya sa Viva ang Six In The City, isang comedy movie na pagsasamahan nila nina Joey de Leon at iba pa mula sa direksiyon ni Al Tantay na siya ring nagdirek kay Mikey sa A.B. Normal College na produced din ng Viva Films.
Excited ding ibinalita sa amin ni Mikey na mag-iisang taon na ang unang supling nila ng kanyang misis na si Angela, si Mikaela Gloria sa darating na Nov. 4 pero ang birthday party na gaganapin sa Malacañang Garden ay gaganapin sa Nov. 9.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended